Kwentong Kengkay

Enero 13, 2010

kengkay drives in manila

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 2:44 umaga

actually, kengkay drives inside the barangay. yan dapat pala taytol nitong post ko.

isang linggong wala kaming taga-maneho. nagyaya ang mga bata maglakwatsa. ready naman si kengkoy.

maneho sya. yun pa naman, ayaw na ayaw nun mag maneho kapag gabi.

kasi daw dito sa maynila — may mga taong naglalakad sa mismong kalye kahit anong oras. lalo sa gabi, nakakatakot daw dahil karamihan mga nakaitim pa. hindi sila mumu kundi magiging mumu sila kapag tinamaan sila ng sasakyan.

tapos, yung mga bisekleta na walang ilaw o kahit man lang reflector lights man lang. biglang sumusulpot pa naman yan. papano kapag madilim?

at yung mga motorsiklo na feeling nila e kanila ang daan? umaga at gabi, perwisyo din. lalo pa kapag walang ilaw… at sempre pa, yung mga jeep, truck, kotse at kung ano ano pang klaseng sasakyan na ang lakas ng loob na gumala sa gabi e wala naman silang ilaw. kainis. hindi kaya nila naisip na hindi lang sila ang ma-aksidente kundi mangdadamay pa sila?

balik tayo sa pagdrive ni kengkay. e nagkataong ginabi kami. kasi naman dito 5.30 pa lang ng hapon ang dilim na e. pagpasok sa loob ng village, biglang tumigil si kengkoy. ayaw na daw nya. ako na daw, nyay! parang ganon lang yon ano? e pano kung umayaw din ako at maglakad na lang kaya kaming lahat? hehehe

aba, sempre naman, dahil konti na lang sasakyan – go na rin ako. actually, hindi ko pa makapa yung clutch at saka naiilang ako sa break at gas pero kunyari okay lang. huling nag drive yata ako e nung marso 2009 pa ano. at sa alemanya yon.

pero, we survived! nakakatakot lang kapag may bukol na nag kalye at yung mga humps na yan. as in parang roller coaster. tapos may sisingit pang tricycle o motor, nyay! nerbyos!

ang mga little kengkays? si panganay sigaw ng sigaw. parang asa perya. si bunsoy naman e iyak ng iyak. nagmamaka-awa sa tatay nya na siya na ang magmaneho, waaaa 😀 si kengkoy naman proud na proud sa akin.

hindi nya alam e kerbyos na kerbyos ako. at sa totoo lang, ayaw ko na ulit. tama ng masabi kong — i survived driving in manila, kahit sa loob ng village lang at ilang minuto lang, hehehe
—–

nga pala, ano pinagkaka-abalahan ko ngayon? eto

Advertisements

13 mga puna »

  1. Wow, galing mo Kengkay, sige willing akong sumakay kahit ikaw pa ang driver di na si Mang J.!

    Komento ni elaine — Enero 13, 2010 @ 6:11 umaga | Sagutin

  2. sabi nga Kengks ,, Onli in da Pilipins!! yun lang hehehe

    Komento ni the_empress — Enero 14, 2010 @ 5:02 umaga | Sagutin

  3. nanibago sia ka sa kalye sa atin hehe 🙂

    Komento ni etchosera — Enero 14, 2010 @ 7:24 umaga | Sagutin

  4. Mamu, konting praktis pa you can start driving again in Manila with one hand tied behind your back 🙂 Ikaw pa! See you again in June ha!

    Komento ni joy — Enero 14, 2010 @ 8:05 umaga | Sagutin

  5. hahaha. ang humor kengkay, umaapaw. haha

    Komento ni dencios — Enero 14, 2010 @ 6:23 hapon | Sagutin

  6. hahahaha…sexciting naman…ay sori po…exciting naman pala ang adventyurs mo mare!

    Komento ni blurosebluguy — Enero 14, 2010 @ 8:28 hapon | Sagutin

  7. haha… sa susunod makakaya nyo ng mag drive sa kalsada ng manila ng walang nerbyos.

    pasakay ms. kengk’s ha? 😉

    Komento ni sandi — Enero 15, 2010 @ 1:43 umaga | Sagutin

  8. ayiih! pag drive mo din ang kengks!

    Komento ni rllqph — Enero 15, 2010 @ 3:18 umaga | Sagutin

  9. hanggang paseo lang din ang drive ko, takot ako, sabi ni hubby kailangan daw magdrive ako hanggang SM santa rosa, ang mga alibi ko di na raw mabilang, at least we tried di ba

    Komento ni an2nette — Enero 15, 2010 @ 4:50 umaga | Sagutin

  10. hehe naimagine ko tuloy ung itsura ng dalawang bata habang sumisigaw at umiiyak buti na lang ate at di ka nadidistract saknila hehe…
    well glad to know na safe pa rin kahit sa loob ng village..:D
    kala ko punat kayo dito..

    Komento ni lovely — Enero 15, 2010 @ 10:30 umaga | Sagutin

  11. isa ring FYI, mareng kengks… may nauusong scam ngayon na “sagasa me” kung saan titiyempong magpapabudol ang isang feeling-stuntman na iskamador sa kotse at kukuyugin ito ng mga alipores na naka-tambay sa tabi para pilitin ang driver na “aregluhin” ang aksidente.

    Komento ni taroogs — Enero 16, 2010 @ 12:36 umaga | Sagutin

  12. “e pano kung umayaw din ako at maglakad na lang kaya kaming lahat?”
    hahahaha super aliw ms. kengkay! ^_________^

    Komento ni chennn — Enero 16, 2010 @ 2:28 hapon | Sagutin

  13. hallo ate kengks! congratulations,heto ang iyong plaque. hehe. naku ok na yan, kesa mag-drive ka sa labas!

    nandito na pala kayo nakatira no? huli ako sa balita talaga, o slow lang talaga. hehe.

    Komento ni Iris — Enero 22, 2010 @ 7:10 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: