Kwentong Kengkay

Enero 19, 2010

kengkay meets reyna elena = EB

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 2:13 umaga
Tags: ,

eto lang masasabi ko, masarap talaga sa pinas.

kasi kapag may darating na sikat, may advantage. ikaw taga-latag ng red carpet. ikaw taga-polish ng silver. ikaw taga-receive sa mga royal blut. ma-exercise na naman dahil sa mga pagyuko yuko, hehehe

kaya naman nung may bumulong sa aking celpon na si reyna elena daw sya e — napasigaw ako sa galak. makakapagsuot na naman ako ng aking mga pang senakulo eheste pang santacruzan na telon. EB time na!

at excited din si kengkoy kasi may bisnes-businesan sila ni reyna elena din e. naku sana matuloy na yang bisnes na yan, kung ano man yan.

super seryus usapan yata

ayan ebidensya ha. kitams? ano kaya yan? nagbibilang ng tala sa langit? nanguhula ng numerong tatama sa lotto? o ang kandidatura nya bilang wan and onli presidentita of da barrio siete?

ay, pinabayaan ko sila kasi ang mga little kengkays a sarap na sarap sa inorder nilang lumpiang shanghai. opo, super paborit nila ang lumpiang shanghai na kahit na turon na yung nakikita nila e lumpiang shanghai pa rin tawag nila, hehe

si kengkay at si reyna elena

at sempre, nagkayayaan. na magpechuran! posing posing! sino nga yung nagkodak sa atin reyns? si j-lo? o si jelo. hahahaha.

kainan na!

at ayan na po sila, kainan time. walang pansinan na. kasali yan sa balikbayan time, di ba? manlibre ng fud! at ng drink, op kors. at sempre, yung pasalubong 😀

akin yung masarap na frozen strawberry margarita na yan. yumyum yan. muntik nga inumin ng mga little kengkays e, buti na lang napigilan. at sempre, dahil mexican resto yan, walang lumpiang shanghai. pero may chips naman at saka paborito din naman nila ang kahit na anong itsura ng giniling e, kaya happy na rin sila.

masaya din ako kasi naging delivery boy ko si reyna, hahaha. salamat talaga reyns!

Advertisements

8 mga puna »

  1. hahaha oo naman! ba’t wala dito si J-lo? hahaha! binalikan ko sya next nite, kasi yung college friends ko picked me up at nilasing ako sa eastwood, hinaranahan ko si J-lo eh kaso xmas party nila pucha pinababalik ako eh andito na ako sa amerika nag papart time tiga pala nang yelo hehehe anyway, oo, dinidiskas namen ni kengkoy ang kandidatura ko as the 1st woman president of the flippines haha

    Komento ni reyna elena — Enero 19, 2010 @ 2:48 umaga | Sagutin

  2. ano kayang bisnes nila hmmm…sarap nga ng shianghai 🙂

    Komento ni etchosera — Enero 19, 2010 @ 5:05 umaga | Sagutin

  3. Huwaw! Natutuwa ako lagi kapag meron akong nababasang blogposts tungkol sa mga Bloggers EB. Ang galing kasi, sa Internet lang nagkakakilala tapos sa kalaunan eh nagiging matatalik mo ng mga kaibigan.

    Komento ni The Gasoline Dude — Enero 19, 2010 @ 6:32 umaga | Sagutin

  4. naks. closeness 🙂

    tagal ko ng walang EB..

    Komento ni otep — Enero 19, 2010 @ 8:13 umaga | Sagutin

  5. hi reyna elena! wooohoo!

    tama ka kengks, masarap tlaga sa pinas. ^^

    Komento ni rllqph — Enero 19, 2010 @ 12:58 hapon | Sagutin

  6. ako din na star struck sa mahal na reyna, masarap talaga sa pinas raquel, grabe lamig dito ngayon di bale 3 months na lang diyan kami ulit

    Komento ni an2nette — Enero 19, 2010 @ 3:53 hapon | Sagutin

  7. wow at nameet mo na pala ang reyna!!!! galing naman…teka???? sino J-lo…..nag-intriga pa!

    Komento ni blurosebluguy — Enero 20, 2010 @ 3:59 hapon | Sagutin

  8. hoy! wala lang.

    Komento ni Jon Cabron — Enero 20, 2010 @ 4:36 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: