Kwentong Kengkay

Enero 25, 2010

limang piso muna

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:11 hapon
Tags: , ,

Matabungkay Barangay Ordinance 013, ipinatupad nuong marso 1, 2009 –

ipinatutupad ng sangguniang barangay na ang lahat ng ekskursyunista, dayuhan man o lokal, na magkakaroon na ng ENTRANCE FEE, na halagang limang piso (5 pesoses) kada-isa o per head sa lahat ng papasok sa Barangay Matabungkay. Layunin ng proyektong ito na maipagpatuloy ang programang cleanliness at at beautification at ang patuloy na development ng barangay.

sino ang may alam na may ganyan? ako hindi ko alam. at ngayon, malalaman niyo na rin. siguro naman ay may anunsyo dati sa mga dyaryo itong ordinance na ito.
nagpunta kami sa matabungkay pagkatapos ng pasko nitong 2009. last minute decision. kasi gusto nga naming maranasan ang pag-new year sa beach. feeling namin e iba itsura ng putukan dun kesa sa syudad, hehe. at para makatakas sa kabusihan dahil dito

nung nakarating kami sa may matabungkay, dun sa mismong malapit na sa dagat; may humarang sa amin. may bayad daw. limang piso bawat katao. ang mga bata daw libre.

huh? sabi naming lahat. ano yan?

sabi ko dun sa naniningil ‘bakit wala yatang nagsabi sa amin na may ganyan dito? dapat may pasabi yung hotel kung saan kami naka-book, di ba? pero wala e.

sagot nung naniningil, ‘sorry ho mam, trabaho lang po.’

sabi ko sa naniningil, ‘yung nagmamaneho atsaka yung tatay ko, ihahatid lang nila kami kaya dapat walang bayad. at dalawang bata pa yang kasama namin, kaya dapat sampu lang bayad namin.’ medyo iritado na ako ha. pano kaya kung niyaya ko yung buong barangay na binalak ko pa sana… edi dahil sa barangay ordinance pa lang e naubos na agad yung budget ko pang parlor dun 🙂

nung dumating kami sa hotel, nireklamo ko agad, sabi ko ‘bakit naman hindi sinasabihan yung mga hotel guests ninyo na may entrance fee na pala bago pumasok sa malapit sa dagat?’

ang sagot sa akin ng reception ng Matabungkay Beach Resort and Hotel, ‘mam, matagal na ho yan.’ pwes, sabi ko sa kanila, ako ngayon ko lang nalaman.

at dinagdag ko pa na dapat e kasali yan sa mga sinasabi sa mga nagbo-book na guests sa hotel nila. imagine, pano kung company outing kayo tapos may budget lang, aba, maiiwan yung iba sa barangay hall at dun magswimming!

hanu ba yun! kaya naman mga ka-blag, ayan, share ko lang sa inyo. limang piso muna bago kaya makapasok sa barangay matabungkay.

p.s. pero kapag hindi nila type mag-cleanliness, mag-beautification and mag-development, walang bantay sa kanto. oo, kasi nung pauwi na kami e libre ng pumapasok yung ibang sasakyan e. sana naman kung talagang ang layon nila e mapatupad ang ikakagadanda, ikalilinis, ikasusulong ng kanilang barangay e dapat – consistent sila, dapat tuloy tuloy at hind yung patumpi-tumpi. parang hindi kapani-paniwala kapag ganyan e.

p.s.s. hindi ko lang matinis na hindi pansinin — bakit kaya sobrang iba dating nung pagka-taglish ng kanilang anunsyo? madali din namang maintindihan kung tagalugin yung cleanliness, beautification at development di ba? parang iba kasi kapag mga batang natututong mag-aral pa lang ang magbabasa e. halo halo agad. kakalito. ewan ko, baka ako lang ang tinamaan dahil maarte ako 🙂

Advertisements

8 mga puna »

  1. my gulaaaaaaay…. so saan naman kaya napupunta ang taxes sa lugar na yun????

    Komento ni leslie — Enero 26, 2010 @ 12:40 umaga | Sagutin

  2. isa yata yan sa mga karapatang na-devolve sa local government units — ang mag-isip ng mga bagong pagkakakitaan sa lokal. hehehe

    Komento ni taroogs — Enero 26, 2010 @ 8:03 umaga | Sagutin

  3. well, kung totoong may ordinansa nga, wala tayong magagawa. hahay..

    Komento ni rllqph — Enero 26, 2010 @ 10:23 hapon | Sagutin

  4. buti na nga lang mommy keng hindi isang baranggay ang dala mo hehee

    Komento ni naglalambingnacute — Enero 27, 2010 @ 2:17 umaga | Sagutin

  5. aba ibang klase din yang baranggay mo 😀 ngayun ko lang narinig yan.. hahaha

    Komento ni Joanne Gonzales — Enero 27, 2010 @ 9:20 umaga | Sagutin

  6. whattttt!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ano ba yan,,,,,harang yan!!!!!

    Komento ni blurosebluguy — Enero 28, 2010 @ 8:44 hapon | Sagutin

  7. I used to go there when I was a kid. Lovely place…. 5 pesos? Sobra naman ata yun. ano yun? Kada araw nag mag swimming ka sa dagat 5 piso?

    Komento ni Callcenterguy — Pebrero 1, 2010 @ 3:09 umaga | Sagutin

  8. pls, support Roan Alcala,John Rey Rasco finalist of fan fun art wallpaper contest of pinoy bigbrother uplate, just by clicking this link, he needs more viewer of his wallpaper, i really appreciate ur support sana makapasok sa BIG 5 winners….salamat

    Roan Alcala =http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/390/Fan_Fun_Art_Entry_by_Roan_Alcala

    John Rey Rasco =http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/381/Fan_Fun_Art_Entry_by_John_Ray_Rasco

    Mark angelo Versoza = http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/386/Fan_Fun_Art_Entry_by_Mark_Angelo

    Komento ni roanalcala — Pebrero 4, 2010 @ 8:03 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: