Kwentong Kengkay

Enero 31, 2010

kaimito laban sa ulcer

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:19 hapon
Tags:

papalabas kami ng aming barangay ng may mapansin ang aming tagapagmaneho.

uy, may bagong prutas daw sa kalye. ang kaimito.

ang kaimito, bow

bigla akong napa-balik ala-ala. nung mga araw na meron pa kaming puno ng kaimito sa bakuran. inis nanay ko kasi sobrang ma-gata sya, hirap daw alisin sa labada, hehehe.

pero alam ninyo na yung parang gatas na gata nito ang malakas na kalaban ng ulcer? oo, yan ay ayon sa masugid na pagsasaliksik ko. mga ilang sekundo lang yon, kasi yung tagapagmaneho nga namin ay may sariling karanasan dyan 😀

may sakit daw syang ulcer. sabi ng mga doktor grabe na daw. dahil wala syang pera, nagpunta sya sa albularyo nyang kapitbahay. di man libre ay may discount.

ang payo ni albularyong may discount? mamitas ng bubot na bunga ng kaimito. ilaga. yung katas nito ang inumin. ginawa naman. isang linggo nyang ininom nito. pagkatapos ay bumalik sya sa doktor at nagpa-check up. nagulat ang doktor dahil wala na daw syang ulcer.

ang kaimito pala ay mabisang kalaban sa ulcer. galing ano?

bumili nga ako ng dalawang kaimito. nagustuhan naman ng mga little kengkays. hindi ako nakatikim 🙂

at sempre, mabisa naman ang camote tops sa dengue.

at ito naman ang mabisa para sa mga pinoys abroad.

Advertisements

4 mga puna »

  1. wow, masarap yan at mura pa. interesting na puede palang ilaban ito sa cancer. 🙂

    Komento ni Snow — Pebrero 1, 2010 @ 7:53 umaga | Sagutin

  2. ngayon ko lang nalaman panlaban din pala sa kanser ang kainito…ang tagal ko na ring hindi nakatikim. napu2l na kasi yung puno na tanim ng lolo ko ko sa bakuran namin…

    Komento ni fampings — Pebrero 5, 2010 @ 9:19 umaga | Sagutin

  3. meron nyan sa bakuran ng lola ko dati. nakaka-constipate daw kaya ayaw kami pakainin ng madami. Naalala ko, ginagawa kong hikaw yong usbong na dahon. Kasi nga may dagta kaya dumidikit sa tainga.

    Komento ni nina — Pebrero 19, 2010 @ 6:45 hapon | Sagutin

  4. wow!!!! talaga bang nakakagamot sa ulcer ang kaimito.
    hindi nyo b alam meron akong ulcer. try ko din gwin ito. sana gumalig din ulcer
    ko.

    Komento ni joycie — Marso 11, 2010 @ 6:00 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: