Kwentong Kengkay

Pebrero 5, 2010

palengke queen

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 11:37 umaga
Tags:

alam nyo kung ano ang super enjoy na puntahan? at talagang super looking forward ako? actually si kengkoy, pareho kami nyan.

nanginginig na sa tuwa pag alam naming malapit na ang araw… na kung saan e dapat na kaming — dyaraannnn, mamalengke! nagdadala pa nga si kengkoy minsan ng video camera, kakahiya nga e, at least ako, digicam lang dala ko, hahahaha

opo, aaminin ko. ako ay palengke queen. sarap na sarap akong maglibot-libot sa palengke. kulang talaga ang isang araw kapag asa palengke ako. e sa oras pa lang ng usyoso kulang na e.

tapos sabayan ko pa ng tawaran at patikim naman dyan. at sempre, yung tanong-tanong; kung kwentuhan at yung chikahang walang mapupuntahan kundi para lang makadiscount o maka-libre ng konti ๐Ÿ˜€

ngayon medyo may nadagdag pa. yung patambay tambay ko sa mga laruan ng mga bata. kasi nagiipon na ako ng mga pang-loots nila sa kaberdeyan nila e. sempre mas maraming mura sa palengke, wholesale price pa. at kadalasan, sa kabobola, may pauwi pa akong libre, heheeh.

imagine, nung nagberdey si panganay. sa palengke ng bacoor ako napadpad. nakita ko yung mga nakasabit na chips, mga sandamukal na plastic balloon, mga cotton candy na asa bag, mga lobo na may glitters, karton-kartong bubblegum, yung pabitin, yung bola-bola na kapag nilagay mo sa tubig e nanganganak at lumalaki, yung palabunutan na medyo na disappoint ako kasi ako pa ang magbubuo (wala na daw masyadong palabunutan na ready to buy) jackstones, at kung ano pang nagustuhan ko.

take note – nagustuhan ko. hindi ko na tinanong mga little kengkays kung ano gusto nila, hahahah. pero patok na patok ang mga binili kong mga iyon sa mga kaklase ni panganay. sa totoo lang, sikat na sikat nga sya sa eskwelahan nila. nagreklamo yung iba na hindi na imbita ๐Ÿ™‚ dami tuloy gusto magpunta ng bahay namin.

at sempre, yung mga nanay at tatay, na karamihan e mga banyaga; nagtanong din kung saan ko binili yung mga yun. kasi daw nangungulit mga anak nila. sabi ko, sa palengke. proud pa akong sabihin na ang mumura lang non atsaka super dami pa kapag binili. sasama daw sila sa sunod, hahaha

aba, sabi ko, no problem! basta ready silang maputikan at makipagsiksikan at makipagtawaran. at sabi ko, dapat wag sila papahalata na banyaga sila, oops, para namang pwede daw yon oh!

so anyway, kapag nakakakita ako ng palengke; gustong gusto kong pumara at bumaba at makipag-tawaran.

at ang masarap ngayon, ready na rin ang tyan ko na kainin at inuminย lahat ng nakahambalang sa kalye — isaw, banana cue, maruya, kwek-kwek, fish balls, at kung ano ano pang de kulay na nakalatag dyan. si panganay nga e, mas type pa nya yung pork barbecue sa kanto kesa dun sa homemade namin, waaaa ๐Ÿ˜€

o teka lang, mamalengke muna ako. balak kong tumikim ngayon ng karioka, tagal ko ng di nakakakain nun e.

p.s. ang mga little kengkays turn off sila sa palengke. isang beses lang nakarating (sa libertad, pasay), umayaw na. kasi daw ang putik ๐Ÿ™‚ pero ngayong nalaman nilang madaming laruan at matamis dun, medyo nagbabago na isip nila, hehe

Advertisements

12 mga puna »

  1. gusto ko pumupunta sa divisoria to buy stuff na mura talaga sa divisoria like souvenirs, ribbons, etc – pag minsan din sa palengke pero mas madalas nagbibigay na lang ako ng pamalengke ๐Ÿ™‚

    Medyo ingat ka sa mga candies na made in china baka kasi contaminated. Sa toys din baka kasi may lead yong paint.

    Komento ni nina — Pebrero 7, 2010 @ 10:10 umaga | Sagutin

    • naku nina, masarap nga magpunta sa divi, in fact, kapag dyan kami pumupunta e alas sais pa lang ng umaga alis na kami ng bahay. ibang klase rin kasi ang trapik dyan e. at hindi kami bumibili ng candies dun; madalas e stickers.

      Komento ni kengkay — Pebrero 9, 2010 @ 1:05 umaga | Sagutin

  2. kung makapamalengke at ukay naman!!!

    Komento ni Kooly Maquoleet — Pebrero 8, 2010 @ 2:19 umaga | Sagutin

  3. dv masaya.. haha..!!

    Komento ni nicki — Pebrero 8, 2010 @ 4:37 umaga | Sagutin

  4. wow! kakabilib naman ang mareng kengkay…babad talaga sa palengke…..palengke queen ka nga!!!….

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 8, 2010 @ 9:47 hapon | Sagutin

  5. nung una adik din kami sa palengke ng nanay ko. pero nung nag-aboard na siya patungong ibang lupalop, e wala nghumahatak saken ng maagang-maaga para mamalengke.

    at di na din ako enjoysa palengke ngayon, umaarte na ako e. hahaha. at tinatamad na din akong mamalengke, saka na lang ulet pagdating ni madir.

    ๐Ÿ™‚

    Komento ni aKDa — Pebrero 9, 2010 @ 9:36 umaga | Sagutin

  6. Hello Kengs,

    Ako rin I love going to palengke kasi magandang makipagtawaran. Enjoyable yan!:)

    Komento ni Snow — Pebrero 9, 2010 @ 5:23 hapon | Sagutin

  7. mahilig din ako mamalengke dito sa amin mommy kengs

    enjoy mamalengke lalo na kung marami kang perang pambili hihi

    Komento ni naglalambingnacute — Pebrero 11, 2010 @ 5:15 umaga | Sagutin

  8. Do you people have a facebook fan page for palengke queen Kwentong Kengkay? I searched for one online but couldn’t find it, I would really like to become your follower!

    Komento ni Mara Sullivan — Abril 27, 2011 @ 11:24 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: