Kwentong Kengkay

Pebrero 21, 2010

ice skating

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 3:16 hapon
Tags: ,

uy, ang payo ko sa mga naiinitan na dito sa maynila?

pwes, mag ice skating tayo!

meron sa megamall, meron din sa mall of asia. yun lang alam ko πŸ™‚

at dahil mas malapit kami sa MOA, dun kami napadpad at nagpalamig.

sempre naman, dapat handa ka kapag may balak kang mag ice skating.

ang mga dapat kapag sa ice skating rink kayo pupunta ay:

– dapat nakapantalon dahil mahirap mag exhibition kapag nakapalda
– dapat naka-jacket dahil sobrang lamig po talaga
– dapat may medyas dahil manghihiram ka ng sapatos at dahil malamig na rin
– dapat may tisyu dahil tutulo ang sipon dahil malamig nga e ;D
– dapat malakas ang loob dahil malamig at dahil kailangan mong mag exhibition
– dapat matigas ang ulo dahil malamang magkabukol ka, hahaha
– dapat walang hiya dahil nga mag e-exhibition ka di ba? at dahil na rin daming nanonood na ang tangka lang nila ay makakita ng sumesemplang na exhibitionists, umamin!
– dapat may pera, ang mahal yata ng isang ikot, 300 pesoses!

oy, nag ice skating talaga ako ha. kasi naman, ayaw samahan ni kengkoy ang mga little kengkays kaya naman ako tuloy ang naging taya. para namang si kengkoy ang marunong mag ice skating ano. lalo pat nagtatangka na silang magsisigaw at bulabugin ang MOA.

hanapan pa lang ng sapatos pahirapan na. kasi si bunso ang liit ng paa, dapat pala sampung medyas ang sinuot nya!

tapos, walang magkasya sa kanilang helmet. ano ba yun, nakakapikon ang helmet ha. e sempre, kapag beginners, dapat lahat ng pansangga sa malas e meron ka di ba? calling ice skating rinks, paki ayos naman ang inyong helmet supplies!

kapit tuko


ang panganay ko, dahil marunong na mag inline skates e feeling nya ice queen na sya. si bunso naman, pareho kaming nangingilid. meaning, kapit tuko kami sa tabi-tabing may makakapitan. pero dahil na frustrate sya at ako ang hinahatak sa gitna, kumuha ako ng instructor. dagdag 150 pesoses naman yon, for 30 minutos.

ayun, masaya syang gumigiling giling kasama ng kanyang instructor. si panganay parang propesyonal na kung umikot ikot. si kengkay? propesyonal nang kapit tuko sa poste!

mabuti na lang may naawa. isang american lady. tanong nya? ‘is this your first time on ice?’ muntik na akong maiyak kasi parang hindi pa ba halata? waaaa πŸ˜€ sempre sabi ko, yes! ayun, tinuruan nya ako ng ilang minutos.

pagkatapos nun? aba, iniiwan ko na rin ang aking posteng kinakapitan. may i slide here and there na rin ako. medyo lumalayo na rin ako sa pader. am so proud!!!

ang mga little kengkays? proud din sa nanay nila. kaso mo, over confident, ayun, sumemplang si kengkay. aguy! hahaha.

proud pa rin ako kasi nakatayo akong magisa! kaya nyo yun? basa nga lang ang pwetan ko πŸ™‚

ang masaya nun? documented pala. may pechurs si kengkoy ng aking first time on ice and all the exhibitions.

anyway, takbo ang mga little kengkays sa tabi ng nanay nila. at natawa ng malakas nung makitang basa ang pwetan ko, hmpf. sabi ko sa kanila, sa sunod hindi na ako sasama sa kanila.

pwes, hindi na nga ulit ako sumama. tama na yung masabi kong, ‘i was there!’

o kayo? ice skating na rin!

Advertisements

15 mga puna »

  1. Hi! buti pa kayo nag eenjoy diyan, dito langweilig talaga lamig kasi, heniway, at least nakatayo kang mag isa sa iyong pagkakasemplang, regards

    Komento ni an2nette — Pebrero 21, 2010 @ 3:48 hapon | Sagutin

    • oo nga sobrang lamig nga daw dyan sa alemanya. dito naman super init na, whew! ay bilib talaga ako sa sarili ko kasi ako lang magisa nakatayo, hehe

      Komento ni kengkay — Pebrero 22, 2010 @ 11:19 umaga | Sagutin

  2. Whew! excited to do this come April! thanks for reminding me! :p

    Komento ni slaveboi — Pebrero 22, 2010 @ 4:20 umaga | Sagutin

  3. Oi ate buti pa po kayo nakakapag ice skating pa :D… hehehehehe

    Komento ni Gabriel — Pebrero 22, 2010 @ 9:12 umaga | Sagutin

    • bukas pag katapos ng trabaho, punta tayo, hehehe

      Komento ni kengkay — Pebrero 22, 2010 @ 11:20 umaga | Sagutin

      • Yup! Hhahaha. Ewan baka magmukha kaming mga engot dun. Pero bahala na. LOL. :p Konti lang naman kilala namin jan sa manila! :p

        Komento ni slaveboi — Pebrero 23, 2010 @ 12:23 umaga

  4. ahaha buti ka pa at sumemplang na…ako hindi pa kasi hindi pa din ako nakakatapak dyan!

    balik na dito kengks..mag tinda tayo ng halo halo…hindi na tumigil tigil ang kaka snow dito…

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 22, 2010 @ 5:39 hapon | Sagutin

  5. iba talaga ang charm ni kengks!

    Komento ni rllqph — Pebrero 23, 2010 @ 3:26 umaga | Sagutin

  6. Ang galing naman Ate Kengks! Naalala ko tuloy yung time na nag-ice skating kami sa Megamall. Wala pa ang mga babies noon. Maisama nga ito sa aming family day itinerary. Nai-imagine ko tuloy, baka maging skating princesses ang little kengkays mo. πŸ˜‰

    Komento ni Jayme — Pebrero 23, 2010 @ 9:40 umaga | Sagutin

  7. ntwa aq s pix mo!prmis hahha..
    aq dn hnd mrunong nyan e kya 4 sure gnyan dn ang pwes2 q pagnagkataon! haha

    pdaan=)

    Komento ni kayedee — Pebrero 24, 2010 @ 5:51 umaga | Sagutin

  8. ako gusto ko matuto haha..
    kaso nakakatakot haha..
    kahit anong skating..di ko kaya..huhuhu.

    Komento ni lovely — Pebrero 25, 2010 @ 9:19 umaga | Sagutin

  9. I tried to post a comment earlier, however it has not shown up. I imagine your spam filter may possibly be broken?

    Komento ni Bevis Ball — Abril 27, 2011 @ 11:23 umaga | Sagutin

  10. I’m working on creating a blog like ice skating Kwentong Kengkay. I still have a way to go, and surely don’t yet have the traffic you seem to have. when you can, please give me some feedback on http://www.delicious.com/mitchelldolores78 as I know it requires a tune up. Nice web-site, sincerely, Selma Gibson

    Komento ni Selma Gibson — Abril 27, 2011 @ 3:00 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: