Kwentong Kengkay

Pebrero 24, 2010

mamang trapik pulis

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:23 hapon
Tags: ,

ano kaya ang talagang nakikita ninyo, kapag nagbabantay kayo ng trapiko?

nung isang araw, isang motorsiklo ang tumawid sa harap ninyo. ang kaso, pula na yung signal ng trapik light sa harap nya.

ibig sabihin, berdeng-berde na yung ilaw ng kasalubong nyang mga sasakyan. ibig sabihin, ‘go’ na yung kabila. at ‘stop’ na yung motorsiklo. pero nag-go pa rin yung motorsiklo. sa harap nyo pa ha.

ano po ang ginawa ninyo? tinginan nyo lang ang driver ng motorsiklo. pinadaan nyo pa nga e. samantalang takot na takot yung nasa loob nung sasakyan na kasalubong nito. kami po iyon, ang buong pamilya ni kengkay. mabuti na lang walang nangyari.

siguro kapag may nangyari, dun lang kayo kikilos ano? kawawa naman pala kaming mga sumusunod sa batas trapiko.

at yung mga mayayabang na sumasalubong sa mga kalsada? bakit pinapayagan nyo yun? naku naman, harap-harapan na ngang sumasalubong sa trapiko, hindi nyo pa rin nakikita? lalo pat yung iba e malaking truck mismo.

at yung mga motorsiklo na feeling nila e pedestrian kung sumalubong sa trapiko, kung tumawid sa mga pedestrian lanes, dun sa mga pwede nilang singitan kahit na delikado sa mga taong kasabayan nila… naku, ang sarap pagkukurutin ng singit.

at yung mga jeepneys, bus, sidecar, tricycle, at kung ano pang klaseng sasakyan na pang commute? sempre naman sila ang hari ng daan. kahit saan pwede sila huminto. kahit saan pwede sila magbaba ng pasahero. kahit saan pwede sila mag-antay ng pasahero.

kahit na nakakabara na sila ng daan. kahit na delikado na yung pwesto nila. kahit na delikado na yung buhay ng mga pasahero nila. ang alam ko, kapag nag cause na ng obstruction e pwede na silang hulihin e. pero sempre, ayun, kaway kaway nyo lang sila. pprrrt, ppprttt – ganun lang. tapos, tapos na.

kayo namang mga pasahero, nakamamatay na nga daw tumawid sa lugar na yon e nakikipagpatintero pa kayo sa kalsadang tulad ng C5. ang tatamad nyo pang pumara sa tamang lugar. konting lakad lang naman e, healthy naman maglakad di ba? kaso hindi, masyado kayong na spoil ng mga commuter vehicles kaya kapag gusto niyong bumaba, dapat papara yung drayber sa mismong pwestong kung saan pinakamalapit sa pupuntahan ninyo. ewan ko ba, meron na ngang foot bridges ayaw pa ring gamitin. better safe than sorry, lalao pat kung may bata kayong kasama. set a good example.

e ito namang mga foot bridges, kapapangit naman nung karamihan. ano ba yun. mga monstrosities sa kamaynilaan. kakatakot gamiting tawiran. ang hahaba ng lalakaran, kawawa naman yung mga matatanda at mga sobrang bata. sobrang tataas pa minsan, nyayyy.

and last but not the least, yung mga nagmamaneho dyan, pagbigyan nyo naman kaya yung mga taong tumatawid sa tamang tawiran? lalo na yung mga estudyanteng kumpol kumpol? basta naman tama ang tawid nila e pagbigyan nyo na sila. at huwag na kayong mag busina pa.

dyan takot na takot ang mga little kengkays e, hindi halos sila masayang tumatawid dito sa pinas kasi minsan go pa yung tawiran ng tao tapos may nagbubusina pa sa kanila na magmadali. ano ba kayo??? pati mga batang paslit e binabastos ninyo, hmpf!

eniway, yun lang po ang mga naipon kong hinanakit na nagpupumiglas lumabas, tenk yu 😀

Advertisements

14 mga puna »

  1. nakakainis nga mommy keng ang mga bwisit na barumbado sa daan.. sana maturaan ng mga leksyon yan eh.. at dapat konting disiplina naman.. hahaysss

    nakigalit din 😆

    mommy may sekreto ako ibubulong ko sayo..

    ” takot din akong tumawid “

    Komento ni naglalambingnacute — Pebrero 25, 2010 @ 1:24 umaga | Sagutin

    • alam mo dati hindi ako takot tumawid, dyan pa kami sa EDSA nagpapatintero pero kasi dati walang motorsiklo! waaaa

      Komento ni kengkay — Pebrero 25, 2010 @ 3:04 umaga | Sagutin

  2. Nakakatawa ka sumulat. :p I can feel your irritation. Talagang nakaka asar yung mga walang street manners. Grr.

    Komento ni slaveboi — Pebrero 25, 2010 @ 2:10 umaga | Sagutin

    • kainis di ba? minsan nga talagang binababa ko yung bintana ng sasakyan at pinapagalitan ko yung mga lintek e, kainis, hmpf 😀

      Komento ni kengkay — Pebrero 25, 2010 @ 3:05 umaga | Sagutin

      • LOL

        Pero careful ka na dapat. Marami na talagang crazy people in the Phils who would not hesitate to do violent things dahil lang sa driving.

        Komento ni slaveboi — Pebrero 25, 2010 @ 3:06 umaga

      • ay, kung crazy sila, mas malalang maging crazy ang matino, hahaha

        Komento ni kengkay — Pebrero 25, 2010 @ 1:03 hapon

  3. naku tumpak at puno-puno ng katotohanan ang iyong mga tinuran.

    ako asar ako sa pasehro na gusto talagang pumara samismong trip nilang babaan, sa mga driver na sila pa ang galit gayong colorum naman, at sa mga pulis na nakapuwest’t naka-sahde lang pero walang ginagawa para luwaganang sikip sa trapiko.

    hayyyyy naaawa rin ako sa mga matatanda, parang effort talaga para makatawid sa mga overpass or footbridge. btw, pansin mo ba na karamihan ng overpass ngayon ay kulay green na?

    mabuhay!

    Komento ni hoshi — Pebrero 25, 2010 @ 3:28 umaga | Sagutin

    • ay ano ba, kitams, daming nakakakita kaso yung mga dapat makakita ng mali yun naman ang bulag, hays

      Komento ni kengkay — Pebrero 25, 2010 @ 1:05 hapon | Sagutin

  4. Hay Ate Kengks, I feel you. 🙂 Ilang beses na rin akong muntik makapagbitaw ng @#$% kapag nasa daan kami at may mga biglang pasaway na sasakyan at tao. Kung may mga MMDA o pulis na tamad manghuli, mayroon din namang masipag manghuli kahit walang dahilan. Buti na lang ang aking darling ay maalam sa mga batas trapiko at patakaran ng MMDA kaya hindi basta basta mahuhuli o matatakot ng mga unipormado. Kaya kailang magpasensya na lang at laging mag-ingat.

    Komento ni Jayme — Pebrero 25, 2010 @ 4:12 umaga | Sagutin

    • alam mo bang parati na rin akong bumibisita sa website ng LTO kasi nga kailangan kong mag alam-alaman dahil halos lahat ng pulis trapik hindi rin maalam. yung coding nga lang e hindi nila masagot, e yung tamang rules pa kaya.

      Komento ni kengkay — Pebrero 25, 2010 @ 1:06 hapon | Sagutin

  5. si nanay naka encounter ng ganyan pero nasa stoplight sya nun, patawid sa kabilang kalsada, pamilya na nakamotorsiklo, tapos isang van, nagkasalubong sila, ang may kasalanan ung van..tsk tsk kawawa ung bata, edad 3 ata daw sabi ng nanay ko.nakakatakot talaga kahit na may bantay na mmda parang wala pa rin..

    Komento ni lovely — Pebrero 25, 2010 @ 9:12 umaga | Sagutin

    • ayan, ayaw kong ma imagine. dami ko na ring nakikitang ganyang aksidente. yung isa pa nga sunog talaga yung asa motorsiklo mantalang ang kasalubong nya e nakapark na kotse ha. hay buhay

      Komento ni kengkay — Pebrero 25, 2010 @ 1:07 hapon | Sagutin

  6. nakakahiya mang aminin, mareng kengks, pero andami talagang mga barumbado sa kalsada — at hindi lang yung mga nagda-drive ng sasakyan ha.

    kung sa ibang bansa ay itinutor ang “defensive driving,” dito sa atin ang uso yata ay “offensive driving” — as in nakaka-offend silang magmaneho! hehehe

    Komento ni taroogs — Pebrero 26, 2010 @ 3:52 hapon | Sagutin

    • sa totoo lang, disiplina talaga ang kailangan. ang mga bata kasi, sanay na nakikita kung papano gumalaw yung mga tao sa kalsada, kaya walang magandang ehemplo talaga sa kanila e. sad but true sana nga itong mga little kengkays e patuloy nilang gawin yung mga tama kapag asa kalsada.

      Komento ni kengkay — Pebrero 27, 2010 @ 12:46 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: