Kwentong Kengkay

Pebrero 26, 2010

twinkol, twinkol litol presidential stars

Filed under: Mabuhay ang Pinoy,Pinas — kengkay @ 5:28 umaga
Tags:

ANO ANG SINASABI NG MGA BITUIN sa kapalaran ng siyam na kandidato sa pagkapangulo ngayong linggong ito? Narito.

Basahin, limiin, unawain, at seryosohin. Ngunit laging tandaan ang paalala ni Zenaida ‘Syzygy’ Seva, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.”

Ulitin natin. Pero sa pagkakataong ito, basahin nang malakas at imadyinin si Zenaida Seva habang binibigkas ang linya, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” At inulit mo naman. Masunuring bata!

Noynoy Aquino
February 8, 1960
Aquarius:
Iwasang magtungo sa Quiapo. Baka mapagbintangan kang bumibili ng survey.
Sa pag-ibig, magpapasya ka this week sa regalong ibibigay mo kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad sa Valentine’s Day. Huwag mo itong ipaalam kay Kris. Pagtatawanan ka lang niya at sasabihang “Gosh, how cheap!”
Hahabol sa kasikatan ng “Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura” jingle ni Manny Villar ang NOY|NOY! jingle kung saan tinangka mong mag-rap katulad ng idolo mong si Vanilla Ice. Ngunit makabubuting panoorin ang ginawa mong pagsayaw sa naturang patalastas. Ginawa na ni Villar ang ganyang gimmick noong 2007. Utang na loob, huwag mo nang ulitin. Mukha kang tanga!
Sanga pala, may nag-text.
“Patahimikin mo na kami. Huwag mo na kaming isali d’yan. Matanda ka na.. Alam mo na ang dapat mong gawin. Good luck.” All the best, Daddy Ninoy & Mommy Cory

JC De Los Reyes
February 14, 1970
Aquarius:
Saludo ang mga bituin sa iyong tapang at determinasyong tumakbo sa pagkapangulo ng ating bansa. Ngunit mas sasaludo sila sa ‘yo kung ikaw ay uurong.

Joseph Estrada
April 19, 1937
Aries:
Hindi ka si Harry Houdini. Hindi ka rin si David Copperfield. At lalong hindi ka si David Blaine. Pero ang tanong ng mga bituin: bakit hanggang ngayon ay nabubuhay ka pa rin sa illusion?
Patuloy na bebenta ang iyong mga jokes sa mga presidential forum. Ikaw ang aani ng pinakamalakas na tawanan at palakpak mula sa crowd. Subalit ipinapayo ng mga bituin na limitahan ang dami ng binibitawan mong jokes. Baka mapagkamalan kang si Dolphy at kunin kang endorser ni Villar.

Richard Gordon
August 5, 1945
Leo:
Bilib ang mga bituin sa talas at husay ng iyong utak lalo na sa mga debate at presidential forum. Ngunit mag-ingat sa napakabilis na pagsasalita. Baka malunok mo ang iyong maigsing dila. Iisa pa lamang ang successful tongue transplant sa mundo.
Limitahan din ang paggamit sa Subic at Olongapo sa mga debate. Given na ‘yon. Sinuwerte ka lang dahil doon ka nahalal na alkalde. Kung ikaw ang naging mayor ng Siayan town sa Zamboanga del Norte na may poverty incidence na 97.46 percent, baka wala ring gaanong nagawa ang matabil mong dila.
Isang unsolicited advice lang po mula sa mga bituin: palitan n’yo na ang iyong TV ad na ang musikang gamit ay “Silent Night.’ Pebrero na ngayon.

Nicanor Perlas
January 10, 1950
Capricorn:
May walong araw pa bago opisyal na magsimula ang campaign period kung saan inaasahang gagastos nang todo-todo ang mga kandidato. Dahil sa mababang rating sa survey, mahihirapan kang kumalap ng campaign contributions.
Habang abala sa paghahanap ng financial support, makakatanggap ka ng ‘good news’ at ‘not so good news’ bago matapos ang linggong ito. Ang good news: susuportahan ka ng pamilya Ayala. Ang ‘not so good news’ – ng pamilya ni Joey Ayala: karaniwang tao.
Pinupuri ng mga bituin ang iyong mga nagawa bilang advocate ng malinis at maayos na kapaligiran at kalikasan. Dahil diyan, mananalo ka! Mananalo ka sa May 10… kung papayagang bumoto ang mga puno.

Gilbert Teodoro
June 14, 1964
Gemini:
Iwasang makunan ng larawan kasama ang isang babaeng may nunal sa kaliwang pisngi. May dalang kamalasan ‘yan. Mas lalong iwasang makunan ng larawan kasama ang isang ginoong napakalaki ng katawan ngunit napakaliit ng boses. Doble ang kamalasang dala niyan.
Mauungusan mo sa susunod na survey sina Noynoy at Villar… kung sa La Salle campus gagawin ang survey.
Posibleng umagaw ng boto sa ‘yo ang isang female presidential candidate na berde rin ang campaign color. Malas mo lang dahil pareho pa kayo ng gupit. Remedyuhan habang maaga.

Manny Villar
December 13, 1949
Sagittarius:
Sa pananalapi: napakasuwerte mo. Ni singko ay wala kang utang. Umuulan ang iyong pera kaya naman bumabaha ang iyong political ads.
Dahil sa ‘yo, muling mag-iinit ang Senado sa linggong ito. Consistent kang tao. May isang salita. Hindi ka sisipot sa pagdinig ng plenaryo. Kaya’t patuloy na magtatanong ang taong-bayan: guilty or not guilty? Dahil sa patuloy na pag-iwas mo sa iyong mga accusers, malamang na iwasan ka na rin ng mga botante. Ang payo ng mga bituin: simulan mo na ang paghahanap ng tindahang nagbebenta ng suwerte. Kakailanganin mo ‘yan ngayong Mayo.
Babala: kung ayaw mong umuwing may black eye, iwasan ang isang babaeng may initials na JM. May maitim siyang balak sa ‘yo. Matagal ka na niyang hina-hunting. Clue sa katauhan ng babae: mukha siyang lalaki.

Jamby Madrigal
April 26, 1958
Taurus:
Kung may mga sanggol na ipinaglihi sa hilaw na mangga, maasim na siniguelas, o hinog na duhat, naniniwala ang mga bituin na ikaw naman ay ipinaglihi sa sama ng loob. Tila malaki ang kinikimkim mong galit sa pulitiko man o sa mga kamag-anak mo. Isa kang ‘bully’ sa iyong past life.
Babala ng mga bituin: Chill. Baka dumating ang araw na maubusan ka ng maaaway at ibaling mo ang iyong galit sa iyong sarili.
Sa pag-ibig, walang gaanong pagbabagong nakikita ang mga bituin. Masyadong maulap ang aspetong romantiko ng iyong buhay.
Sa pulitika, sinabi mo last week na hindi ka naniniwala sa mga surveys. ‘Wag kang mag-alala. Hindi rin sila naniniwala sa ‘yo! Quits lang pare.

Bro. Eddie Villanueva
October 6, 1946
Libra:
Ang katulad mong Born-Again Christian at spiritual leader ay hindi naniniwala sa mga hula.
Ang sabi ng mga bituin: ‘Pwes, hindi rin kami naniniwala sa ‘yo.’
Wala kang horoscope!

Forwarded message lang po 😀

Advertisements

15 mga puna »

  1. Hahahaah! Natawa ako, promise!

    Komento ni Callcenterguy — Pebrero 26, 2010 @ 7:23 umaga | Sagutin

  2. Hay Ate Kengks, pasok lahat! Napasaya mo ang araw ko kahit kaunti, medyo may sad moment lang ako kanina pero tamang-tama ang timing nitong post mo. 🙂

    Komento ni Jayme — Pebrero 26, 2010 @ 9:00 umaga | Sagutin

    • nabasa ko nga yung post mo e, ibang klase talaga minsan ang takbo ng utak ng tao ano? mabuti naman at napasaya kita

      Komento ni kengkay — Pebrero 27, 2010 @ 1:44 umaga | Sagutin

  3. Hi okey din ang hulascope na yan, nagpiprint pa lang ng balota diyan, nakaboto na kami dito sa Alemanya, postal voting kasi, sa dami ng kumandidato nahilo ako, mantakin mo 61 sa senador at sa party list 187, kalokah

    Komento ni an2nette — Pebrero 26, 2010 @ 1:55 hapon | Sagutin

    • ibig mong sabihin, aleman ka na rin? e san nakapangalan yung bahay ninyo sa cavite? o dual citizen ka?

      Komento ni kengkay — Pebrero 27, 2010 @ 1:45 umaga | Sagutin

  4. hahahahahahhahahahahaha!!! nakngtokwang yan oh! nakakatawa lalo na yung kay noynoy! ewan ko ba, ang solid! hahahahaha! bat wala si erap! baka mas sapak na sapak ang banat dun!

    Komento ni eloiski — Pebrero 26, 2010 @ 2:39 hapon | Sagutin

    • hay, hindi ka nagbasa ng mabuti ha. si erap nakalagay din 😀

      Komento ni kengkay — Pebrero 27, 2010 @ 1:45 umaga | Sagutin

      • ayun! nadulingan ko nga. akala ko si jc yung mahilig magpatawa. nagulat pa ako. hindi ko na kita yung pangalan ni erap. naiscroll ko siguro agad. sorry nemen!

        Komento ni eloiski — Pebrero 27, 2010 @ 2:05 umaga

  5. hahahahaha…. tawa ako ng tawa! haneeep.

    anyway, huli si eloiski, mukhang di binabasa ang buong entry. hehehe joke.

    Komento ni onealberto — Pebrero 27, 2010 @ 9:29 umaga | Sagutin

  6. aray ko, hahaha

    natawa ako ke erap. LOL

    Komento ni dencios — Marso 1, 2010 @ 5:09 umaga | Sagutin

  7. .. nawili ako dito! nakakatuwa!

    Komento ni rob — Marso 4, 2010 @ 2:00 hapon | Sagutin

  8. waaaa… hanep.. nakakatuwa..

    Komento ni nhix — Marso 9, 2010 @ 1:42 hapon | Sagutin

  9. hello blogger, i’d been reading your posts on twinkol, twinkol litol presidential stars Kwentong Kengkay and i definitely liked them. one issue that i noticed while browsing through your blog that a few of the links are not working and giving error. this makes the reading experience a little bit bad. you’ve got a good blog and i would request you to update the links so that interested individuals can get all the information they intend to have. Btw are you on twitter?? i would really like to follow you and get revisions on your blog.

    Komento ni Jasper Montoya — Abril 27, 2011 @ 11:26 umaga | Sagutin

  10. Do you’ve a profile on facebook? I cannot seem to come across twinkol, twinkol litol presidential stars Kwentong Kengkay on the website and I would like to connect with you there. I like your writing style, thanks Alan Leonard

    Komento ni Alan Leonard — Abril 27, 2011 @ 1:32 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: