Kwentong Kengkay

Marso 1, 2010

sabi-sabi po

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 12:21 hapon
Tags:

ngayong naninirahan kami sa pinas, marami akong na-alalang mga bagay bagay na mga sabi-sabi at mga kakaiba.

isang araw, may bagong payong si bunso. naglalakad ba namang nakabukas ang payong sa loob ng bahay!

sabi ko sa kanya, alam mo ba, dito sa pinas, kapag daw naglalakad ng may payong sa loob ng bahay — may malaking chance na may bumagsak na butiki sa payong.

tanong nya kung bakit. ang unang pumasok sa aking isip na sagot? kasi mapagkakamalan ng butiki na bubong din yang payong mo. kaya pwede syang bumagsak.

o ayun, biglang tiniklop ni bunso ang payong nya 🙂

isa pa, may kaklase silang halong aleman at guatemalan; sinisinok. e nagkataong tumabi sa akin, ginulat ko sya. hehehe. napatingin din yung nanay nung bata sa akin. sabi ko sa kanila, dito sa pinas, kapag may sinok, ginugulat lang para mawala ang sinok. dahil sa sobrang gulat e makakalimutan ang sinok 🙂 edi sempre, ginulat na rin nung nanay ang anak nyang may sinok, hahaha.

pero sabi ko din, pwede rin namang uminom ng maraming tubig para mawala ang sinok, tama naman di ba?

eto pa, kapag sisiksik ang mga little kengkays sa mga masikip na sulok o mga madamong lugar, sabi ko sa kanila e mag sabi sila ng ‘tabi-tabi po’. iyon ay para magpasintabi sa mga nunong maaaring nakatira sa mga lugar na iyon.

tanong nila, ano naman daw yung nuno? sabi ko naman, ah basta, mga paniniwala lamang yan dito sa pinas; pwede tayong maniwala, pwedeng hindi. pero masarap namang magsabi ng ‘tabi-tabi po’ di ba? oo naman daw sagot ng mga little kengkays, kaya ayun, ‘tabi-tabi po!’

at ang pagmamano. oo, nung pasko, nakimano rin sila 🙂 ang saya nga daw dahil bawat mano, may perang katapat, hahaha

atsaka napansin ninyo yung mga nagwawalis dito sa atin? ang mga kamay nila nakatiklop sa likod? sabi ni kengkoy bilib daw sya kasi daw pati ganun e may sariling tayo pa rin daw ang mga pinoys. para bang kahit daw pagwawalis e napakagaang gawin. dapat daw ganun din daw si kengkay. e sabi ko sa kanya, sya muna kaya magwalis? hehehe

isa pang tuwang tuwa ang mga little kengkays naman e yung mga sekyu. sila daw ang bossing ng mga sekyu kasi bawat daw daan nila sa harap ng mga sekyu e may saludo sila, hehehe

—–

Commercial Break para sa aking kaklaseng si Mario:

Watch Manny Pacquiao vs Joshua Clottey via live telecast on March 14, 2010 at Greenbelt 1 Cinema 2 in Makati. Organized by the Malate Catholic School Batch ’86, it will benefit the Malate Catholic School Alumni Association scholars. Tickets at P700 each. For details contact Mario Suarez at 0917-8433268 or Pia Vinluan-Galvez at 0906-2406758.

Nood kayo, nood din si kengkay e.

Advertisements

10 mga puna »

  1. kaya ako nung malaman ko na pedeng bagsakan ng butiki pag nagpayong sa loob ng bahay, never ko nang ginawa. hehehe

    nakikidaan. 🙂

    Komento ni choknat — Marso 1, 2010 @ 2:49 hapon | Sagutin

  2. hello kengks! long time no see, busy from my end, katuwa naman post mo dito how your mag-aama see the culture of the Philippines! (naks) 😀

    Komento ni Jim — Marso 2, 2010 @ 2:14 umaga | Sagutin

  3. dami ngang sabi sabi pero ngayon ko lang narinig yan payong sa loob ng bahay na babaksakan ng butiki mommy kengs ahehehe..

    pero yan mga tabi tabi mo uso dito sa amin.. kahit nga mag buhos ng mainit na tubig sa lababo kelang daw may tabi tabi po din 🙂

    Komento ni Lambing — Marso 2, 2010 @ 3:03 umaga | Sagutin

  4. napaisip nga ako sa payong, hehe. me sense.

    Komento ni partofyou — Marso 3, 2010 @ 7:00 umaga | Sagutin

  5. ayos… oo nga maraming kasabihan ang mga pinoy…. kakatuwa talaga ang mga little kengkays…

    Komento ni shynyrd — Marso 3, 2010 @ 7:17 umaga | Sagutin

  6. hangkukyut naman ng mga little kengkays! hehehe..

    ankulit ung sa sinok ah!! hehe

    saludo din naman ako dun sa mga little kengkays! bibo!! hehehe

    hello sau! napadaan lang! 😀

    Komento ni Junice Lopez — Marso 3, 2010 @ 7:21 umaga | Sagutin

  7. naku nakikpamahiiin na sina little kengkay mo. well, hanggang ngayon uyng iba dyan ay sinusunod ko pa.lalo na yung tabi-tabi po, scared ako e. wahhhh

    dapat pala maging proud ako sa lobby. sinasaladuhan din ako e. hehehe

    Komento ni hoshi — Marso 3, 2010 @ 8:02 umaga | Sagutin

  8. mareng kengks, the bigger the payong ba, the bigger the butiki? hehehe. mag-ingat sa tuko!

    Komento ni taroogs — Marso 3, 2010 @ 9:55 umaga | Sagutin

  9. Kakatuwa naman mga tanong ng babies mo……. ang anak ko ang tanong lagi, “Ano pasalubong mo sa akin?” Hahahahaa

    Komento ni Callcenterguy — Marso 3, 2010 @ 3:25 hapon | Sagutin

  10. Your web page (sabi-sabi po Kwentong Kengkay) does not show up correctly on my apple iphone – you may want to try and look at that 🙂 Eliana Bradley

    Komento ni Eliana Bradley — Abril 27, 2011 @ 11:23 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: