Kwentong Kengkay

Marso 7, 2010

si felix

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 11:51 hapon

kwentuhan ko kayo ha. pagchismisan natin si felix, hehehe.

alam ko kasing hindi sya nagbabasa nito, at least sa mga panahon na ito ha, malay natin sa mga sunod na taon. kaya naman may laya pa tayong pagkwentuhan sya 🙂

si felix, malapit na mag kuwarenta.

balo. may apat na anak. ang bunso ay limang taon.

nakatira sa isang squatter’s area sa cavite. kasama ang kanyang biyenan na hindi makasundo.

kasama dahil iyon ang nagbabantay sa mga anak nya. nagtatrabaho sya para sa mga anak nya.

matagal syang nagtrabaho sa isang construction firm. anything goes. kayang-kaya nyang gawin lahat ng ipagawa sa kanya. kung hindi man, gagawin nya ng abot sa kanyang makakaya.

masipag sya. masinop sya. marunong sumunod at may sariling kusa. at ang magaling dun, may coconut shell o tinatawag nating common sense.

sa kasamaang palad, natanggal sya sa trabaho. nagkaron naman ng pagkakataon sina kengkay at kengkoy na makapagsimula sa isang maliit na negosyo at nangailangan ng tauhan.

dahil alam na namin kung papano magtrabaho si felix, kinuha namin sya. sayang naman kasi nga, kilala na namin sya at magaling naman magtrabaho. office assistant ang titulo nya.

blue collar job to white collar job. sabi namin, magbihis sya. at sya na rin si sir felix. sabi namin, office na rin sya.

niregaluhan namin ng dalawang polo. binigyan ng pantalong matino.

unang pasok sa trabaho? naka polo, naka pantalong itim, at narinig namin — nag order ng sapatos na itim sa natasha! say nyo? tinukso nga ng todo-todo ng mga dating kasamahan sa trabaho dahil pusturang-pustura. ang akala ng iba nga mayabang na daw. hindi nila alam, natural na reaksyon lamang iyon dahil nabigyan sya ng pagkakataon; na sinunggaban naman nya.

pero sabi namin, all around pa rin sya. kapag kailangan, messenger. kapag kailangan, taga-linis. kapag kailangan, salesman. kapag kailangan, telephone operator. kapag kailangan, secretary. kapag kailangan, photographer. kapag kailangan, hero!

kasali sya sa mga meetings sa office. tinuruan syang gumamit ng computer at mag internet. tinuruan sumagot ng telepono. tinuruan magsulat ng proposals. tinuruan kung papano makipag-socialize. tinuruang maniwala sa sarili at sa sariling kakayahan.

nuong nobyembre 2009 yan.

ngayon marso 2010 na.

tumaas na sweldo nya. tumaas na rin ang bilib nya sa sarili.

pumupunta na mag-isa sa mga fairs and exhibits. nakikipag-usap sa mga marketing pipol. nakikihalubilo sa higher ups.

enjoy sya sa trabaho nya. enjoy sya sa sarili nya. at kaming nakakita kung papano sya nagsimula, ay sempre, enjoy na enjoy din.

saludo kami sa yo, felix!

Advertisements

14 mga puna »

  1. Inspiring naman. Hahah. Deservin talaga si Mang Felix. 😉

    Komento ni slaveboi — Marso 8, 2010 @ 2:39 umaga | Sagutin

  2. wow… tingin ko, applicable naman ito sa kahit sinong tao..
    kaka inspire nga…

    Komento ni shynyrd — Marso 8, 2010 @ 3:28 umaga | Sagutin

  3. asteeg! kaya dapat turuan mo na rin si felix na mag-blog! 🙂

    Komento ni taroogs — Marso 8, 2010 @ 5:20 umaga | Sagutin

    • ngek, atsaka na, baka wala ng makasingit sa computer, hehehe

      Komento ni kengkay — Marso 8, 2010 @ 8:35 umaga | Sagutin

  4. saludo ako sa ginawa ninyo kay felix, binigyan ninyo siya ng panibagong pag asa sa buhay na may life pa pala after construction, na ang buhay ay patuloy na pag aaral, baka next ay may facebook account na rin siya

    Komento ni an2nette — Marso 8, 2010 @ 6:39 umaga | Sagutin

    • nyay, wag din muna FB, baka magbalik farm sya sa farmville, hahaha

      Komento ni kengkay — Marso 8, 2010 @ 8:36 umaga | Sagutin

  5. inspiring ang wentong e2…. panalo!! 🙂

    Komento ni kayedee — Marso 8, 2010 @ 8:37 umaga | Sagutin

  6. Very inspiring momi kenks..di nya sinayang ung chance na binigay nyo..btw, ngayon ko lng nbasa ung comment mo sa blog ko..di na ako kc nakakapagblog..sayang asa pinas me that time..jan ako ng xmas and new year..uwi ulit ako sa june sana that time makapag EB tayo..san po pala kayo sa pinas nagsstay?

    Komento ni LoV — Marso 9, 2010 @ 7:54 umaga | Sagutin

  7. kabog. antaray naman ni felix. hehehe! pero he deserve it naman.

    Komento ni Prinsipe ng Pangarap! — Marso 9, 2010 @ 9:21 umaga | Sagutin

  8. this is very inspiring kengs! pang-barrio siete ang kanyang story, winner. 🙂

    Komento ni Snow — Marso 10, 2010 @ 12:31 umaga | Sagutin

  9. Woah, ang galing ni Sir Felix!

    Saludo rin ako sa kanya! (Baka mas mataas pa sweldo niya sa akin. Hehe.) Go Sir Felix, kahit pinagtsismisan ka namin, mas humanga ako sa’yo! Yey.

    Komento ni aksoriyalmo — Marso 10, 2010 @ 3:02 umaga | Sagutin

  10. tumabling naman ako dito, inspiring ng kwento. go sir felix! basta stay humble at wag lalaki ang ulo, malayo pa ang mararating mo.

    Komento ni taympers — Marso 10, 2010 @ 1:01 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: