Kwentong Kengkay

Marso 13, 2010

congratulations, you’ve won!

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 7:31 umaga

marami akong ka-ponpal. ganito parati ang sinasabi nila sa akin —-

‘ma’am, are you mrs so and so?’

‘did you attend the exhibit so and so?’

‘you registed so and so.’

‘i just want to check if the info are okay, blah blah blah (proceeds to read everything i wrote down on the piece of shit sheet.’

‘what is name of your husband?’

‘congratulations, you’ve won!’

‘ you will get a three days, two nights stay for free from our resort in _________, or our resort in ________. it’s your choice’

‘please attend a dinner (lunch, snacks, merienda sena, brunch, cocktail) tonight (or tomorrow);  you simply need to attend a short seminar and you will get your gift certificate for free!’

ganyan-ganyan parati ang dialog!

nakakairita na, parang ayaw ko na ngang mag attend ng mga fairs and exhibits dahil expect such kind of calls after visiting one.

dahil napundi na ako at gusto kong malaman kung ano ba talaga, sabi ko, ok, pupuntahan ko na ito.

sabi ko, pupunta ako.

sabi nila, dapat kasama daw asawa ko, for couples daw kasi.

sabi ko hindi pwede asawa ko kasi walang maiiwan sa bahay.

sabi nila, wala ba daw kaming babysitter.

sabi ko hindi uso sa amin yon.

sabi nila sa ibang araw na lang daw, kapag may babysitter na kami.

sabi ko wala kaming babysitter kahit kailan; kung aalis kaming mag asawa e kasama parati ang mga bata.

sabi nila, pwede daw sa linggo, isama mga bata.

sabi ko, ano ba yan? children’s party?

sabi nila, hindi daw.

sabi ko, pwes, kung ayaw nyong ako mag isa mag-attend e di bale na lang.

sabi nila, kasi po dapat mag sign din daw yung husband ninyo.

parang nadulas pa na sabi nung kausap ko. whopps, ano yang sign sign na yan ha?

anong klaseng gimik na naman yan? may pinagdaanan na akong ganyan din: eto

so kanina, may tumawag ulit. oo naman, kahit sabado at linggo may tumatawag, ibat ibang hotels or resorts. ibat ibang tao kausap mo, pero same same pa rin ang kanilang dialog. actually nga, dalawang tawag ang nakuha ko kanina.

‘congratulations, you’ve won!’

ngayon tinatapat ko na sila. sabi ko, kung free yan, pwede paki deliver na lang o kaya papuntahin ko dyan yung messenger namin at pakibigay na lang sa kanya.

pero sempre, hindi nga sila papayag kasi nga may libreng food and drinks! at libre nga yung gift certificate, ano ka ba kengkay!

sa totoo lang, kapag hindi ako tinigilan ng mga ito, lahat yan pupuntahan ko. mangongolekta ako ng gift certificates, magpapabalot ako ng pagkain, mag-antay lang kayo.

—-

pwede rin nyong bisitahin ito

up na sya!

Advertisements

15 mga puna »

  1. Tingin ko kengs, yung credit cards namimigay ng info natin kaya natatawagan tayo ng ganyang raffle. ako rin, ‘biktima’ nito eh….pero dedma mo lang…

    pero minsan nakakasawa na rin yang mga yan, makukulit. pero hindi mo naman masisi yung caller, may quota rin yata sila eh… 😦

    Komento ni Snow — Marso 13, 2010 @ 1:00 hapon | Sagutin

    • wala akong credit card dito sa pinas e, kaya sigurado akong yung mga binisita kong mga fairs and exhibits yan. masyado kasi akong mahilig magpipirma, hahaha

      Komento ni kengkay — Marso 15, 2010 @ 2:23 hapon | Sagutin

  2. weheheh malimit yan dito Kengs, ang kaibahan yung consumers puwede ma-protektahan diyan sa atin, we’re almost sitting ducks… tama approach, mo, ‘kayo may gusto, ideliver nyo!’ 😀

    Komento ni Jim — Marso 14, 2010 @ 10:25 umaga | Sagutin

    • ganyan na ngayon ang ginagawa ko, deretsahan na. kasi naman sa isang linggo e araw araw may tumatawag sa akin, ayoko nang makipagplastikan kasi sayang oras e

      Komento ni kengkay — Marso 15, 2010 @ 2:24 hapon | Sagutin

  3. Hay naku Ate Kengks, ilang beses na rin akong natawagan ng mga ito. Dapat pag bumibisita ka sa mga fair, may option ka kung gusto mo makatanggap ng mga promotional na tawag. Hindi yung basta na lang puwede tawagan. After all, they’re also consuming our precious time. I found out kaya kailangan mo pumunta ng seminar kasi may iaalok na membership para sa mga hotel hotel na yan. Okay din yung technique nila, para bang mahihiya kang hindi mag-sign up kasi pinakain ka ng libre at nagpunta ka na rin lang doon. Malamang nga tulad ng sinabi ni Snow, may quota sila. Pero sana diba upfront na lang nilang sabihin para parehong di masayang ang oras niyo. Buti na lang I always manage to turn down their offers politely and then never answer their calls again. (Halata bang asar Haha… 😀 )

    Komento ni Jayme — Marso 15, 2010 @ 2:05 umaga | Sagutin

    • membership pala ang binebenta nila kaya pala dapat mag asawa ang pumunta kasi may pipirmahan, huh. pero tunay ka nga, mas ok pa kung upfront esp since wala ng ganyang approach ngayon e. lahat paligoy ligoy na lang!

      Komento ni kengkay — Marso 15, 2010 @ 2:26 hapon | Sagutin

  4. haii naku.. inis n inis aq s mga gnyn!! hnd q nmn mbastos ewn q b shy aq ehhhe..
    kya hnd q nlng cnsgot ang pone!hahhaha

    Komento ni kayedee — Marso 15, 2010 @ 5:26 umaga | Sagutin

    • ay, kawawa naman yung ibang tumatawag pag di mo sagot ang phone, hehe

      Komento ni kengkay — Marso 15, 2010 @ 2:26 hapon | Sagutin

  5. Funny mo talaga mag kwento. Kengkay na kengkay. LOL. 😉

    Komento ni slaveboi — Marso 15, 2010 @ 5:49 umaga | Sagutin

    • ay, pero kapag asa telepono ako at kausap sila, funny din talaga ako. kaya lang, funnying asar na 😀

      Komento ni kengkay — Marso 15, 2010 @ 2:27 hapon | Sagutin

  6. hmmm scam lang po yung mami kenks…

    ewan ko ba bakit ba may mga nanloloko…

    kc di cla gnun mangungulit kung talagang nanalo ka… kc once na nalaman mo naman na panalo ka at totoong raffle ikaw pa nga ang lalapit sa kanila eh, pero ung ganyan, yung ganyan kakulit, ay ewan ko nalang… hehe

    Komento ni yhen — Marso 15, 2010 @ 6:50 umaga | Sagutin

    • tunay ka nga dun, pag tunay na panalo, walang pahirapan. sa alemanya, dumadating na lang sa post yung panalo ko e, minsan nga wala kang alam, may regalo ka na, hahaha. kasi dun kahit di mo na ibalik, ayos na rin. basta tawagan mo sila na hindi mo sila pag aksayahan ng panahon, ayun, pag gusto nila kunin, kunin nila, pero karamihan, sa yo na yun 😀

      Komento ni kengkay — Marso 15, 2010 @ 2:29 hapon | Sagutin

  7. nakow madami din akong natatangap na ganyan tapos may strategy pa yun iba na kung tatanga tanga ang kausap mabibigay na nya information ng credit/debit card nya. Nakakainis ngang talaga! Napaka-obvious na nagkalat na ang call center sa buong mundo lolz

    Komento ni scart — Marso 15, 2010 @ 3:30 hapon | Sagutin

  8. hay ako din, may time na 3x a day ako tinatawagan…nakaka bad trip…sabi ko na paulit ulit na hindi ako interesado sa prizes nila…ayaw pa din akong tantanan…may nabasa pa ako na may pagka-scam ang istilo nila, kaya dineretsa ko din minsan, sabi ko “scam naman kayo eh, kaya tantanan niyo na ako”…aba ayaw pa din at malimit pa din ang tawag at pangungulit to get my credit card number.

    Komento ni mousmous — Marso 16, 2010 @ 6:55 hapon | Sagutin

  9. Nag trabaho ako sa gayan dati (hiya)
    Malamang presure selling yan. pupunta kayo dun, may ipapakitang product na talaga namang maganda. Ang di maganda. Kailangan mong bilhin yung product nila sa araw din mismo ng pag punta mo. kung hindi wala kang discount. Nung nagtrabaho ako sa ganyan membership sa isang resort sa Boracay, Legit naman yun. Ewan ko lang kung anong product yan. Dyan ko nakilala si Misis e. Hehehe

    Komento ni callcenterguy — Abril 10, 2010 @ 5:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: