Kwentong Kengkay

Marso 23, 2010

Game Plan Yellow

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 7:08 umaga
Tags: , ,


Aamin po si kengkay, nung wala sya sa Pinas ng ilang taon; wala po akong paki-alam sa politika. Sabi ko sa sarili ko, manigas kayong mga asa Pinas. Kahit anong palit ng lider ninyo, ako ay wala na dyan, hindi na ako apektado! O ayan tuloy, bumalik pala ako sa Pinas. Dahil ang aking mahal na aleman na si kengkoy e na inlove dito sa ating lupang sinilangan.

Anong magagawa ko? Andito ako. Andito buong pamilya ko. Ang mga little kengkays ko. Dito din pala ang lagkapak namin. Dito rin pala kami sa hulit huli. Na realize ko, kailangan ko pa lang manindigan para magkaron ng husto ang buhay dito sa Pinas. Kailangan ko pala talagang may kampihan para malaman ko kung ano talaga ang gusto ko para sa aking bansa. At biglang naisip ko, si Noynoy ang nakararapat. Hindi mabilis ang desisyon. Matagal. Ang tagal tagal. Bakit ko naisip si Noynoy?

Huwag na natin pansinin si Kris; kasi kapansin-pansin na sya.

Naisip ko si Noynoy kasi ibang klase ang dating nya. Hindi sya naging milyonaryo dahil asa polika sya. Hindi sya umiiwas na hindi sagutin ang mga pangyayari sa gobyerno ni GMA. At bakit gusto ko sya? Anak sya ni tita cory… na isang kagalang-galang na persona. Naniniwala ako na naaani ng anak ang biyayang punla ng ina. Kaya naman, nag volunteer ako!

P.S. Respetuhin natin ang desisyon at kandidato ng ating mga kasama ;D

Ito ang gameplan nating mga volunteer (500,000 na po tayo, kaya kayang kaya ito!).

Humina si Noynoy Aquino ng ilang linggo ayon sa mga survey. Ngunit lumilitaw muli tayo. The latest survey shows 39% ang presidente natin, samantalang ang katunggali ay lumulubog sa 28%.

11% ang agwat. Kailangan natin itulak sa 20% dahil sa ganyang agwat, siguradong-sigurado na kapag hindi si Noynoy ang nanalo, i-Ginarci ang mga boto natin. Patuloy ang dulas ni Villar dahil ang dami niyang mga iskandalong hindi masagot ng maigi. At saka, hindi naman natin style ang paninira (di tulad ng iba). Kaya ang trabaho natin ngayon ay itulak ang ating kandidato patungo sa finish line (diba karaniwan, dilaw din ito?)

The strategy is simple. The other camps have shamelessly abused our campaign materials, ripping them apart, tearing them down, etc, etc. And they’re all over the radio and TV. But one “ad space” they cannot own is People – YOU.
Tie a yellow ribbon wherever you can, wear yellow and join the Friday marches in Makati or start your own. Organize groups and go on a pulyetas field trip. If you’re in Davao, join the prayer rallies every Monday. This Holy Week, take campaign materials home. Read up about Noynoy on http://www.noynoy.ph, and be ready with the truth at http://www.truthaboutnoynoy.com (the truth will set us free).

This country is yellow and there’s nothing they can do to silence us if we don’t let them.

Ito ang unang hakbang upang maipagLaban natin ang kinabukasan natin at ang dangal ng ating bansa. Ilang idlip nalang, makakamtan din natin ang tagumpay.

Advertisements

9 mga puna »

  1. hindi ako registered voter pero please please please kung registered kayo, botohin niyo si noynoy. common sense lang ang akin.. kung naka 1.4 Billion pesos na ang gastos ni Villar sa TV ads PALANG (lumabas sa abs-cbn) idagdag pa natin ang gastos sa radyo tsaka sa mga poster, etc etc.. paano babawiin yan???

    Komento ni rona — Marso 23, 2010 @ 7:27 umaga | Sagutin

    • rona, hindi rin ako nakaregister. ang dami kasing hinihinging papeles e na-ondoy na nga kami, papano ko pa uunahin yun? pero kahit na, volunteer pa rin ako para marami tayo 😀

      Komento ni kengkay — Marso 23, 2010 @ 7:41 umaga | Sagutin

  2. of course noynoy din ako, nakaboto na ako dito as absentee voter, gumastos talaga ako para lang makapagregister sa frankfurt at maexercise ang karapatan ko dahil future ng mga anak at apo natin ang nakataya dito

    Komento ni an2nette — Marso 23, 2010 @ 7:33 umaga | Sagutin

  3. yes to the yellow color, yes to the man!

    Komento ni Thess — Marso 23, 2010 @ 7:50 umaga | Sagutin

  4. haven’t decided who to vote for, but I admire your attitude towards the country, kasi yung iba sa mga expat dito, nawalan na ng gana, pag-asa at pakialam. kaunti na nga lang nakiki-alam, at konti lang ang nako-contribute ng ilan sa amin na nagpipilit na ma-promote ang pakikialam sa mga isyu diyan sa atin, pero sa pagboto namin via OAV, i hope maramdaman ang boses namin. cheers mate! 😀

    Komento ni Jim — Marso 24, 2010 @ 2:09 umaga | Sagutin

  5. Until now, I still don’t know sino dapat i-vote. I hear a lot of things about the most popular candidates naman, both good and bad. Ang hirap. 😦

    Komento ni slaveboi — Marso 25, 2010 @ 12:44 umaga | Sagutin

  6. of course i respect your vote ate!
    nanay ko sure na sure na rin na noynoy, minsa sa tindahan eh, nagtatawag pa yan. akala noong mga tao pabibilhin sila. sasabihan lang pala na Noynoy tayo ha. hehehe

    ako 2 lang ang option at isa na roon si Noynoy.

    mabuhay!

    Komento ni hoshi — Marso 25, 2010 @ 2:32 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: