Kwentong Kengkay

Marso 25, 2010

proud gate crashers :D

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 1:15 hapon
Tags: , ,

linggo. tahimik ang mundo sa aming barangay. napansin namin na bukas ang gate ng kabilang barangay. naki usyoso kami.

paliko-liko, silip ng kanto ng may kanto. humaba ang leeg sa katitingin ng may bahay ng may bahay. nag imagine na may mga kung ano anong makikita sa mga lumang bahay na walang laman.

dumilim. bukas pa rin yung gate. naghapunan. at biglang umalingawngaw ang ingay. naka microphone, may musik…

oopps. may party sa kabila! dali daling tinapos ang pagkain. holding hands ang buong pamilya, naki usyoso ulit.

kilala na kami nung sekyu. pinapasok agad. gud ebning mam, ser!

sabi ko, uy balik kami ulit. makiki usyoso ulit.

ang daming kotseng naka park, double parking na nga e. ang daming tao sa labas. naka bihis ang karamihan. bukas ang gate, may mga palamuti. may mga nagpipiktyuran. may mga tarpaulin. may mga tents at may catering pa  kasi nakita ko yung mga naka uniform na waiters…. may mga lumalabas na may dalang loot bags at souvenirs. ang saya!

napatunganga na naman ang mga little kengkays. di kasi sanay ng mga ganong kagarbong children’s party pala. one year old po ang may birthday. at bakit ko naman alam?

kasi, kahit na naka pambahay lang ang pamilya ni kengkay? naku, napansin mo kami ng isa sa mga kamag anak nung may ari ng bahay. pinuntahan kami at nagsabing ‘uy, tuloy tuloy — come inside. there’s enough food (inglis kasi nga andun si kengkoy ano).

sabi ko naman, naku wag na. nakiki usyoso lang kami. hindi kami invited. atsaka nakakain na kami (hmpf, sayang, hahaha)

sagot naman, hindi sige lang. go inside. enjoy the food, enjoy the party.

e bakit ko naman daw alam na kamag-anak yun nung may ari ng bahay? wala lang. kasi merong brace yung mga ngipin nya, hahaha. ganon lang.

aba, kakatulak sa amin nung mama e pumasok na rin kami. una naming pinuntahan yung buffet. grabe, ang daming pagkain. ang sarap sarap. kung alam ko lang nagdala na ako ng tupperware!

may mga bakanteng upuan pa, hmmm.. pero walang pumansin sa amin. in fact, inalok kami agad ng pinggan nung mga waiters. sabi ko mamya na. (binalak ko kasing kumain nung fruit salad!)

e may nakitang mas maganda yung mga little kengkays. mas maraming palamuti. mas maingay. mas makulay (parang gulay!) punta naman ako agad dun. nakapwesto na ako nung napansin kong nahiya bigla ang pamilya ko. huminto ba naman at naiwan ako dun sa malapit sa entablado!

pinilit kong lumapit sila. ano ba naman, success na nga yung aming pagiging gate crashers e ayaw pa nilang lubusin, di ba? so nakahanap kami ng pwesto. nakinood ng games. umikot ang paningin kasi dun pala kami napapwesto sa dessert station, yum! chocolate fountain, krispy kreme, ice cream, basta lahat ng nakasakit ng ipen andun.

nakinood kami. walang pumapansin sa amin, kahit nga siguro punuin ko yung plato ko walang papansin. feeling ko guest na din kami e. tapos biglang may lumapit.

excuse me, i’m something, why dont you get something to eat? to drink?

sabi ko naman, i’m kengkay, we’re ok. nakikiusyoso lang po.

sagot naman, ok lang yun, eat something.

edi nag chika na ako. sino pala may birthday, sino nanay, sino tatay? sino iboboto nyo?

sagot naman si ms something.

umalis bigla at pagbalik may dalawang malaking baso na puno ng ice cream. eeekkk, flavor nya e langka at ube. ibig sabihin, si kengkay lang ang kakain nun,waaaa. di yun type ng mga anakis ko ano. muntik ko na tawagin yung sekyu ng lahat ng barangays para makikain dun, sa totoo lang.

may dumating ulit. hi i am miss someone.

pareho na naman sagot ko, naku, nakikiusyoso lang kami.

sabi ni miss someone, okay lang yun, kain kayo. kain!

sabi ko, gate crashers po kami!

sabi ni miss someone ulit, sige lang, kain kain kayo.

edi nainis na si bunso, pumunta na sa krispy kreme at dumakot. sumama na rin si panganay, at pati na rin si kengkay 😀

ay ang sarap maging gate crasher. especially kung successful!

sabi ko sa mga little kengkays, ano, gusto nyong mag antay pa?

ayaw na daw nila, pero may request sila.

alam nyo kung ano? akala ko yung lobo o yung loot bag o yung souvenir. o magpapabalot kami.

hindi po, yung malinis daw na paper cups na sesame street ang nakalagay. happy na sila dun!

i therefore conclude: kapag ang kasama mo e dayuhan, madaling maging successful ang gate crashing sa party ;D

sa tingin nyo kapag ako lang at ang mga little kengkays andun, papapasukin kami agad agad? that is the one hundred dollars question.

Advertisements

8 mga puna »

  1. Ang saya naman Ate Kengks! Maaari ngang pinayagan kayong mag gate crash dahil kasama mo ang iyong hubby. Puwede rin namang likas lang silang hospitable neighbors. Experiment mo kaya ulit na kayo lang ni little kengkays? Bilib naman ako sa little kengkays mo, simple lang ang kaligayahan sa buhay. 😀

    Komento ni Jayme — Marso 25, 2010 @ 10:55 hapon | Sagutin

  2. Hahahahaha. Ang sayang adventure nito! ma try nga minsan! Sana naman papasukin din kami. 😉

    Komento ni slaveboi — Marso 26, 2010 @ 1:34 umaga | Sagutin

  3. parang ang sarap mag gate crash dun ah. natuwa ako kay ms something at miss someone. ahehe

    napadaan po. 🙂

    Komento ni choknats — Marso 26, 2010 @ 3:23 umaga | Sagutin

  4. palagay ko kahit wala si hubby iimbitahan pa rin kayong pumasok dahil sa mga bata, sila na kaya ang magkaron ng guests na imported

    Komento ni an2nette — Marso 26, 2010 @ 5:55 umaga | Sagutin

  5. hehehe… ang super friendly nmn nla.. kht mostly tumataas ang kilay ng may party pag hnd nla kilala ang bisita! hahhah.
    basta ang importante e nabusog ang mga lil kengkay mo…:)

    Komento ni kayedee — Marso 27, 2010 @ 4:36 hapon | Sagutin

  6. hahaha….katuwa naman kengs itong kuwento mo, tama si kayedee – oks lang as long na nabusog ang mga little kengs. 😛

    Komento ni Snow — Marso 28, 2010 @ 5:33 umaga | Sagutin

  7. ang galeng naman ng pamilyang kengkay. nakapasuk kahet walang embitasyon. hihi

    Komento ni Chimmie — Marso 29, 2010 @ 10:20 umaga | Sagutin

  8. pa-gate crash din, nag-balik na kasi ako ha!ha!ha!mahaba-habang basahin to 1 taon din..whew!

    nakita ko ung link mo sa dati kong blog na khzr4u..nagbagong buhay este bahay ako 😀

    Komento ni twistedisme — Abril 14, 2010 @ 6:34 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: