Kwentong Kengkay

Marso 29, 2010

kick out o kick in?

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 12:48 hapon
Tags: , , , ,

tulungan nyo akong mag desisyon.

kick out o kick in? yes or no? oo o hindi? payag o huwag?

ang mga kasama namin sa bahay.

mag asawa sila.

housemaid at drayber. nung unang panahon, maayos naman ang trabaho nila.

nitong mga nakaraang buwan, panay paltos na.

si housemaid halos hindi na makita yung alikabok kahit na gabundok na sya. bumili na nga ako ng dalawang feather duster… aba ayun, yung feather duster napuno na lang din ng alikabok sa isang sulok.

si drayber parati na lang kami naliligaw kapag may meeting. kahit na ilang beses ko ng sabihin sa kanya yung saan kami pupunta, ayun, naliligaw pa rin kami.

si housemaid daming nasasayang na pagkain. nabubulok ang gulay at prutas sa ref. ang kanin napapanis.

si drayber ang laki ng gasgas ng kotse, hindi daw nila alam kung bakit. e mantalang sya lang ang may hawak ng sasakyan. nung araw na yon.

si housemaid hindi na naglilinis ng banyo at ng toilet. halata ko dahil halos tatlong buwan ng hindi kami bumibili ng panlinis. at sempre, dahil madumi na nga ang banyo at toilet.

si drayber, nakabangga ng isang bisikleta ng walang ka-abog abog. nakita na nya sa harap nya yung tao e binangga pa rin. ayun, may gasgas yung kotse, ang masama nito, sira yung bisikleta. hindi man lang sya huminto. (bakit daw wala akong ginawa? kasi hindi ko naman alam na ganon na pala ka grabe, akala ko e bump lang; nalaman ko na lang na malaki ang disgrasya nung napansin ko yung rubber na nadikit sa bumper ng sasakyan at nagtanong ako).

si housemaid di na naglilinis ng kusina ng maayos. bakit ko nalaman? nagkaron kami ng bubwit sa bahay at sa kusina nakatambay! yikess. hindi namin sinabi sa mga little kengkays. sabi namin yung binili naming tig-350 pesos na pandikit e para sa mga ipis (ipis pa nga lang diring diri na sila e pano pa kaya kung daga? yayyyy) nahuli naman namin ang mga daga pagkatapos ng isang linggong paglalagay ng pandikit sa buong kabahayanan. sana di na bumalik, nyayy.

si drayber pinakiusapan namin isang araw na magpunta ng linggo ng gabi dahil maaga kami aalis ng lunes. pumayag naman. ayun, lunes ng umaga e hinanap namin sya. kinatok sa kwarto nya. wala. edi si kengkoy nag drive. ayun, nung hinanap namin, dahil sa lasing; nakatulog ng mahimbing sa kwarto nya sa bahay namin. hindi narinig yung ingay namin! ano ba yun.

si housemaid hindi gumagamit ng vaccuum cleaner, kasi daw sayang kuryente. e sabi ko basta sa paglilinis, huwag magtipid dahil mas mahal magkasakit. ayun, hanggang ngayon hindi pa rin ginagamit yung vaccuum. napagalitan na pati sya ni panganay ko kasi daw ang dumi dumi na ng kwarto nya at halata nyang hindi daw nalilinis yung ibang sulok dahil may agiw na. (hindi nila pwedeng isahan ang mga little kengkays kasi sa alemanya e kasamang naglilinis yang mga yan kaya alam nila kung ano ang malinis)

si drayber ilang beses ng may mabangga. ilang beses ng may masangga. at nahulog na nga yung isang gulong ng sasakyan sa kanal dahil nga sinabi ng mag ayos ng parking e ayun, sinaksak pa rin sa gusto nyang pagsaksakan. kundi pa tumulong yung mga tao e hindi kami naalis dun sa kanal na yon.

si housemaid hindi nakikita yung dumi sa loob ng toaster, sa loob ng microwave, sa loob ng rice cooker, sa loob ng ref, sa loob ng drawers.

si drayber hindi nakikinig kapag may sinabi sa kanya. tumatawa lang at hindi sasagot. kasi nga, hindi muna makinig bago tumawa. ayun, kaya naman palpak halos lahat.

si housemaid di na nakikita yung dumi sa labas ng toaster, sa labas ng microwave, sa labas ng rice cooker, sa labas ng ref, sa labas ng drawers.

si drayber iniwan ako na nagwi-widraw sa isang atm machine kahit na nagsisigaw na ang mga little kengkay sa kanya na naiwan na nga ako. pinagtawanan lang daw yung mga anak ko. (tiningnan ko lang sya nung nag drive sya paalis, hindi ko akalain na aalis talaga kasi dapat titingnan mo muna kung lahat ng pasahero mo andun di ba?) ayun, tumawid ako sa kabilang kanto at dun sila inabangan. imagine nyo na lang kung isa sa mga little kengkays yung naiwan — hmpf! nung nakita nya ako sa kalye, dun lang nya nalaman na naiwan nya ako!!! grrrrr

ay ayoko ng magkwento pa. sampol lang yan.

ako mabait akong tao. si kengkoy mabait na tao rin.

kaso mo, ako ang na stress dahil ako napapagalitan ni kengkoy pag may mali ang mga kasambahay namin. ako naman, gusto ko muna pagbigyan kasi nga napagkatiwalaan na, at sanay na sa kanila ang mga bata.

pero naman, kapag ganyan na — sa tingin ko, pwede na silang i kick out di ba? kawawa nga sila, pero mas kawawa naman yata kami kapag patuloy na ganyan.

ano sa tingin ninyo?

Advertisements

19 mga puna »

  1. kengkay, sumakit ang ulo ko…kick out na…for peace of mind saka baka mamaya yong driver nyo maka-aksindente pa ng tao…

    Komento ni nina — Marso 29, 2010 @ 1:37 hapon | Sagutin

  2. Hi mami kenks!siguro pagsabihan mo for the last time..pag di padin nagbago i-goodbye mo na sila..atleast wala sila masabi na di mo sila binihyan ng chance..goodluck mami kenks..

    Komento ni LoV — Marso 29, 2010 @ 5:21 hapon | Sagutin

  3. I agree, may basis naman yung pagkick-out eh. Pwede nyo rin bigyan ng one-week pa na warning. Kung hindi pa rin okay ang performance, kick out na. At kung maulit ang di maayos na service in the future, kick out na right away, wala nang palugit.

    Komento ni LS — Marso 29, 2010 @ 5:21 hapon | Sagutin

  4. KICK THE F@$KING OUT!! There’s a thin line between mabait and nagpapaloko! Good luck! 🙂

    Komento ni Cheche Chavez — Marso 29, 2010 @ 9:34 hapon | Sagutin

  5. Incompetence is so irritating talaga, lalo na if you repeatedly tell them what to do or how to do things right. Pero siguro, to be fair, give them a week or two to improve. Pa’g wala talaga, goodbye na lang. 😦 Kesa naman ikaw Kengks ang palaging ma purwisyo diba?

    Komento ni slaveboi — Marso 30, 2010 @ 1:49 umaga | Sagutin

  6. sorry, kick out.

    Komento ni rllqph — Marso 30, 2010 @ 2:29 umaga | Sagutin

  7. last chance at sabihan mo sila ng mga dapat nilang gawin for the last time at within a week pag ganoon pa rin, let them go, at least nabigyan mo sila ng huling pagkakataon

    Komento ni an2nette — Marso 30, 2010 @ 6:27 umaga | Sagutin

  8. bigyan prin ng change bka kulang lng sa sermon..hihihi

    Komento ni iamronel — Marso 30, 2010 @ 6:29 umaga | Sagutin

  9. tama!..pagsabihan for the last time and give ultimatum..if di pa rin nagchange..kick out..no mercy! 🙂

    Komento ni kristine — Marso 30, 2010 @ 7:51 umaga | Sagutin

  10. while there’s due process if you give them 1-2 weeks notice, I’d rather not. Siguro masyado lang ako negative pero if you give them one week chance baka mamaya instead na magbago lalo lang sirain mga gamit nyo. Meron talaga tao na natural na masinop, maingat at masipag. Siguro noong una, pina-dama lang kayo. Tapos ngayon lumabas na ang tunay na nature. Ingat ka sa valuables nyo.

    Komento ni nina — Marso 30, 2010 @ 8:12 umaga | Sagutin

  11. KICK OUT!

    Komento ni dencios — Marso 30, 2010 @ 12:16 hapon | Sagutin

  12. Kick out!

    They don’t deserve another chance you know why?

    1. Unang -una alam nilang mabait kau kaya malakas loob nilang magkamali.
    2. Hindi nila mahal ang kanilang trabaho.
    3. Hindi nila kayo mahal.

    Komento ni Dorm Boy — Abril 1, 2010 @ 3:26 umaga | Sagutin

  13. […] pagninilay Isinalansan sa: Uncategorized — kengkay @ 5:35 umaga Tags: katulong, semana santa balik tanaw dun sa aking post na kick out o kick in? […]

    Pasa ni pagninilay « Kwentong Kengkay — Abril 1, 2010 @ 5:35 umaga | Sagutin

  14. Kick out! Wag na pagsabihan.
    Mahirap yan, mag-asawa, hahakutin gamit nyu ng pa-utik-utik. Kumuha ka yung rekomendado para siguradong maayos.

    Mahirap talaga yung among me-puso, inaabuso!

    Komento ni roni — Abril 1, 2010 @ 6:48 hapon | Sagutin

  15. kung sakali paalisin mo sila mami kenks siguraduhin na alang dalang susi ng bahay or palitan lock ng pinto. meron kami naging karanasan tungkol jan at meron sila kakutsaba ibang tao sa paligid. pati ung lock ng bintana sinungkit nila na itinaon ala kami lahat sa bahay.
    sana mapagisipan nyo mabuting mag-asawa ang mas angkop at praktikal na kapaligiran para sa mga anak nyo na pareho pang babae.

    Komento ni mtoni — Abril 2, 2010 @ 5:11 umaga | Sagutin

  16. when in doubt, kick out
    hehe

    Komento ni raft3r — Abril 3, 2010 @ 10:37 umaga | Sagutin

  17. wakeke.. marunong na din ang mga little kengkays! hehe..

    sakit sa ulo nyan..

    Komento ni Junice Lopez — Abril 5, 2010 @ 10:52 umaga | Sagutin

  18. Isang lang ang payo ko. tawagin mo sila at paupuin sa sala. Alokin ng kape. page prente na sila sa pagkakaupo. abutan mo ng sobre ng huling sahod nila at sabay sigaw ng…………”YOU’RE FIRED!”

    Komento ni callcenterguy — Abril 6, 2010 @ 2:42 umaga | Sagutin

  19. howdy blogger, first of all thanks for putting up a nice blog like %BLOGINTITLE%. i truly hate the fact that blog owners nowadays concentrate more on making money and fill up their blogs with irritating ads.. i liked the way you have arranged all the content here. are you on facebook or any social networking website. i would love to connect with you and know you well. cheers

    Komento ni Britanney Browning — Abril 27, 2011 @ 3:03 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: