Kwentong Kengkay

Abril 1, 2010

pagninilay

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 5:35 umaga
Tags: ,

balik tanaw dun sa aking post na kick out o kick in?

mabait talaga kami e. ang ginawa ko muna, tinuro ko sa kanya ang mga dapat nyang gawin. ang mga nalimutan nyang gawin. para yan sa taga linis. dun naman sa taga maneho namin, wala pa e. pero kahapon, si kengkoy na nag nag drive. mahirap yon, kasi unang una, buhay dun ang nakasalalay e.

kaya naman magninilay nilay muna ako. sabi ko kay kengkoy, mahirap talagang maghanap ng kasama sa bahay. kasi nga kailangan tutukan at turuan. kung hindi magbago, dun na dapat palitan. kung kukuha ka ng mas mahal na marunong talaga, di mo rin sigurado kung makakasundo naman lalo na ng mga bata.

kung wala talaga, kailangan mag sakripisyo. kailangang umumo ni kengkay sa manibela. kailangan magluto at maglinis ulit ng bahay. hanggang may mahanap na mas matino.

sa ngayong semana santa? nagbabalik tanaw ako sa mga nangyari sa amin dito sa pinas. hunyo 2009 kami umuwi, nalindol agad ang buhay namin. naloko ng isang pastor doktor dahil sa mga pekeng titulo at bogus na business deals.

nalubog sa ondoy dahil sa ang nilipatang bahay ay lumulutang pala. nagkaron ng kuting-tingan sa barangay hall at sa istasyon ng pulisya dahil sa samot saring bagay. at kung ano ano pa.

mga bagay bagay na kapag inilista mo, pwede ka ng bumigay at bumalik sa dating lungga. kung saan tahimik ang buhay.

pero kasi kahit na magulo, kapag nakakita ka ng sarili mong katahimikan sa puso, isip at kaluluwa mo — ayaw mo ng umalis. kapag nakakita ka ng saya at pagmamahal sa mas nakakarami — ayaw mo ng umalis.

at ayan ang tunay na dahilan kung bakit kahit na ilang beses kaming nagbagok, nadulas, natapilok, at tuluyang nababaon sa sakit ng ulo dito sa Pinas, ay kumakapit pa rin kami sa pagka angkla namin dito. alam naming sa mga susunod na panahon, magiging okay rin kami.

positive thinking lang po.

Advertisements

9 mga puna »

  1. tama ka kengks. kung ano man mangyari, balitaan mo kami!

    Komento ni rllqph — Abril 1, 2010 @ 6:04 umaga | Sagutin

  2. pasensya na wasn’t able to follow your previous posts although subscriber ako sa rss mo but I was able to catch on. anyway, kakalungkot man ang mga pangyayari sa pagbalik ninyo ng Pinas, napakaganda ng outlook mo sa buhay, yan ang magbabalik ng blessing sa iyo. and to the people giving Pinoys a bad name, it will come back to them hard… really hard. God bless kapatid… šŸ˜€

    Komento ni Jim — Abril 1, 2010 @ 8:51 umaga | Sagutin

  3. happy easter, kengkay!!!

    Komento ni raft3r — Abril 3, 2010 @ 10:33 umaga | Sagutin

  4. sad naman peoro at least ur positive.

    tama may bukas pa, aangat din tayo

    Komento ni hoshi — Abril 3, 2010 @ 3:15 hapon | Sagutin

  5. happy easter to you and your family, lagi namang mahirap pag nasisimula, God is good, later magiging smooth na rin ang life ninyo diyan

    Komento ni an2nette — Abril 4, 2010 @ 2:13 hapon | Sagutin

  6. Happy Easter Kengs!!!!! Keep your head up! Everthing will be ok!

    Komento ni callcenterguy — Abril 6, 2010 @ 2:54 umaga | Sagutin

  7. agreeng-agree ako sa sinabi mo, mareng kengks. mahirap talagang makahanap ng maayos na kasambahay. kami mismo, di hamak na mas maraming nakatagpong may-sayad kaysa sa matino šŸ˜¦

    Komento ni taroogs — Abril 7, 2010 @ 12:19 hapon | Sagutin

  8. good luck and, and as everyone is saying, keep your head up šŸ™‚ belated happy easter.

    Komento ni sheilamarie — Abril 7, 2010 @ 5:34 hapon | Sagutin

  9. Once I came over to pagninilay Kwentong Kengkay I can only look at portion of it, is this my internet browser or the web website? Should I restart? Cheers Yoshio Guerra

    Komento ni Yoshio Guerra — Abril 27, 2011 @ 11:27 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: