Kwentong Kengkay

Abril 8, 2010

halo-halo

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 2:18 umaga
Tags: ,

tag-init na naman, ang usong usong pagkain sa lahat ng kanto ay: halo-halo!

paborito ko pa naman yan. tulo laway ko kapag nakakita ako nyan. kahit picture pa lang!

gusto ko hintuan lahat ng kanto na may tindang halo-halo at subukan kung masarap nga ba. at lalo na, gusto kong makita kung ano ang halo nila. di ba nga iba iba din ang halo ng halo halo? at saka sa mga bumibili, minsan namimili din sila ng gusto nilang ilagay.

ano nga ba ang normal na sahog ng halo-halo?

nata de coco
kaong
may kulay na gulaman
may kulay na sago
minatamis na beans
minatamis na garbansos
minatamis na saging
minatamis na kamote
pinipig

at kapag espesyal merong toppings ng:
langka
ice cream
leche flan
macapuno
ube

at sempre andun na rin yung:
kinaskas na yelo
may isang kutsarang asukal
ilang ikot ng ebaporada

ang paborito ni kengkay? yung saging, camote, sago, nata de coco. yung langka pinalalagay ko sa loob – kasi yung ice cream at ube at leche flan na toppings, kinakain ko ng hiwalay yon.

ayaw ko syang isali sa halo-halo.

kayo, anong halo ang gusto ninyo?

Advertisements

12 mga puna »

  1. err… kengks, kung lalagyan ko ng hipon ito, pwede rin ba? ahehe!

    Komento ni rllqph — Abril 8, 2010 @ 2:46 umaga | Sagutin

    • anong hipon? hilaw o luto? dipindi pa rin, hehehe. ako lagyan ko pa yan suman sa latik, yum!

      Komento ni kengkay — Abril 8, 2010 @ 3:52 umaga | Sagutin

      • hilaw siguro. wah! di ata masarap, T_T

        Komento ni rllqph — Abril 10, 2010 @ 2:16 hapon

  2. ako rin gusto ko halo-halo.yan na nga lag kinakain ko halos sa Chowking. though mas gusto ko yung sa Razon.

    gusto ko may ice cream, ube, leche flan, yung beans na brown, saging na minatamis, kamote etc. ang pinakaayaw kong halo e yung pinipig. parang off. hehehe

    Komento ni hitokirihoshi — Abril 8, 2010 @ 6:24 umaga | Sagutin

  3. Ate Kengks, puede din yata ang sweet corn? Or baka maging mais con hielo na ang halo-halo. hahaha

    Komento ni Mel — Abril 8, 2010 @ 9:41 umaga | Sagutin

  4. Ako gusto ko may langka, ube, saging, kamote sago at leche flan. ayoko ng garbanzos at pinipig. Masarap di yung Masi con yelo. My finiture sa “Kapuso mo Jessica” yung halo-halo sa baguio may macaroni. sinubukan ni mrs.callcenterguy…… masarap nga! šŸ˜€

    Komento ni callcenterguy — Abril 9, 2010 @ 12:00 umaga | Sagutin

  5. ako, mareng kengks, feel ko talaga yung minimalist version ng halu-halo. piling ingredients lang para lasa talaga bawat isa.

    fans din ako ng mais con yelo šŸ™‚

    btw, got the latest issue of The International Filipino. Padadala ko half sa CMA Office. Salamat uli. Regards to Kengkoy and and Kenkettes.

    Komento ni taroogs — Abril 10, 2010 @ 2:38 umaga | Sagutin

  6. nakakatakam naman. makapunta nga ng bayan at makapaghanap ng halo-halo. hi mami kengks, long time no read.

    Komento ni bem — Abril 10, 2010 @ 7:57 umaga | Sagutin

  7. Hi, Ate Raquel you na po ba this incident?

    Give justice to the 2 filipina in UAE

    Nakakaawa po…

    Komento ni Gabriel — Abril 11, 2010 @ 8:56 umaga | Sagutin

  8. ako gusto ko ng kaong mami kenks…

    basta gsto ko ng texture niya habang nginunguya…

    at ayoko din ihalo ang ube at ice cream sa halo halo… hehe

    Komento ni yhen — Abril 12, 2010 @ 12:46 umaga | Sagutin

  9. ako naman saging, ube, nata at ice cream. ayoko ng kamote.

    Komento ni tim ang — Abril 14, 2010 @ 5:23 umaga | Sagutin

  10. Do you people have a twitter fan page for halo-halo Kwentong Kengkay? I looked for 1 online but couldn’t come across one, I’d really like to become a follower!

    Komento ni Lucy Peters — Abril 27, 2011 @ 2:57 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: