Kwentong Kengkay

Abril 13, 2010

0915-2306933

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 3:38 umaga
Tags: ,

musta na kyo dyn?snga pala i2 bgo roming q na simblack kc ung dti q gmit next week ppdla aq ng pera dyn!mis q na kyo lhat dyn. w.

pumasok ang text na yan nung april 9, mga alas singko ng hapon

yan ang text sa akin ng isang taong may celfon number na natatak sa titulo nitong akong post. sa totoo lang, halos sampung beses pumasok yang text na yan sa aking telepono. hindi ko namalayan yan.

nabuksan ko lang yang text nung mga alas siete na ng gabi.

obvious bang hindi ko kilala si w? obvious din bang scam yang text na yan? obvious din bang may halong panloloko at panggagantso ang text na yan?

ano ang come on nya? na magpapadala daw sya ng pera…

ano ang mysteryo nya? na bago daw ang kanyang celpon pero di naman nagbigyan ng buong pangalan

ano ang panlolokong gagawin? dahil magpapadala sya ng pera… kapag excited ka naman na may perang darating sa yo, mag text back ka naman. hanggang paikutin ka na nya at malaman na nya yung pangalan mo, yung bahay mo, yung pangalan ng pusa mo, yung password ng facebook mo, at hindi mo kamalayan e na dugo-dugo gang ka na nila — napautang mo na rin sila in exchange dun sa ipapadala nga nyang pera.

ay pwede ba. tigil tigilan nyo ako ha.

sa inis ko, sinagot ko nga:
wala ako panahon sa mga manloloko dahil mas malaking loko tong tinext mo. I am tracing ur call now and be sure nagpadala ka talaga ng pera kundi e humanda ka kakatok ngayon dyan sa inyo.

ayun, hindi naman nag text back. lokohan na lang tayo. langya naman e. kung sino ang mas may taller stories, yun ang panalo.

mag-ingat po sa mga nakukuha ninyong text na hindi ninyo kilala ang numbers lalo nat tungkol sa pera ang nakalagay. ignore. hindi po totoong madaling kumita ng pera… nangyayari lang yon kapag nanalo kayo sa lotto at sa pagtaya ng lotto ay dapat din pong maglabas ng pera….

Advertisements

8 mga puna »

  1. Madalas din akong makatangap ng ganyan. I just ignore them. pero pag ayaw akong tigilin. Ignore to death.

    Komento ni callcenterguy — Abril 13, 2010 @ 6:16 hapon | Sagutin

  2. OH my, nakatanggap na ako ng ganito dati ahaha.. at ang sabi pa nya, may papadalang pacakage at dun sa package na ung may gift para sa akin. nagkataon naman na bday ko dun bwahaha at may relative talaga ako sa US na magpapadala ng package at may gift talaga para sa akin wahaha… tas tinawagan ko.. di ko naiisip na scam pala ahaha. e kaso di naman nag reply haha

    Komento ni pehpot — Abril 13, 2010 @ 11:49 hapon | Sagutin

  3. ako rin may natanggap na rin akung ganyan, pero death treat yung sa akin. buti na lang wront sent… hehehehe

    Komento ni jonathan — Abril 14, 2010 @ 7:51 umaga | Sagutin

  4. musta ate kengs?

    ilang beses na ako nakakakuha ng mga ganyang text… nakakainis nga eh kase talagang naghahanap sila ng maloloko nila!

    basta ako kapag hindi ko kilala… ignore ko lang lagi 😀

    Komento ni Lalaine — Abril 14, 2010 @ 3:21 hapon | Sagutin

  5. pagkagaling ko sa tokyo 3 weeks ago at eksaktong pina-deactivate ko roaming ko, naka-received din ako ng ganitong text message mula sa number na ito…what i did was i ignored it, deleted it.. pero makulit, text ulit, text na naman! e makulit din akong mag-ignore at magdelete. haha 😀

    Komento ni docgelo — Abril 14, 2010 @ 10:23 hapon | Sagutin

  6. hehe. marami din akong ganyan; can i c u tonite? (jowks)

    Komento ni roni — Abril 17, 2010 @ 10:56 umaga | Sagutin

  7. madami dito sa nigeria what they call the 419. all kinds of scams, expecially through email. na kesyo may makukuha ka na milliones, pero in the end, dapat mag bayad ka ng “processing fee” para malakad ang “bank papers”, through western union, and wag ka! maraming naniniwala, and meron na rin mga pinoy na naloko nitong 419 scammers.

    sa phone naman, meron nag text sa akin na nanalo ako sa raffle, to please buy the person load sa cellphone para they can call me back regarding kung san makukuha ang premyo ko. ha!ha!ha! didn’t even bother to reply. sayang load ko sa kanya. lolz!

    pero nakaka awa ung mga simpleng tao na walang masyadong alam, maka kuha ng text or email na ganyan, and they would think… oh what an opportunity!

    ay teka, now meron kumakalat na email ngayun, galing sa pilipino daw. na stranded daw sya dito sa nigeria with no money dahil ninakawan or kung anu man, so kung pwede tulungan. pero scam lang daw ito sabi ng iba.

    anyways, ingat nalang, mga kababayan. as the saying goes….

    if it’s too good to be true, it probably is 🙂

    Komento ni sheilamarie — Abril 23, 2010 @ 12:41 hapon | Sagutin

  8. nakakatuwa nga at ang dami nilang imbento sa buhay, akala naman nila eh hindi natin alam ang modus nila, tama takutan lang yan, im sure magpapalit lang yan ng sim kasi nakalat na ang number nya hehehe 🙂 ingat po taung lahat sa mga ganyang manloloko.

    Komento ni nhilocampo — Hulyo 30, 2010 @ 6:08 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: