Kwentong Kengkay

Abril 20, 2010

harap-harapan

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 12:29 umaga
Tags: , ,

napapailing na lang ako.

pero minsan parang gusto kong buksan ang bintana ng sasakyan at sumigaw. at mang saway ng tao.

kasi naman, ang daming makukulit talaga sa kalye.

nakita na ngang sidewalk – walk na nga — walk. lakad ibig sabihin non. pero may mga dumaraang naka bisikleta, naka motorsiklo, naka tricycle at may mga sasakyan na isinasampa pa ang gulong nila dun para lang mabilis ang lakad nila.

ano ba, side walk nga e — walk — lakad ibig sabihin. pag gusto ninyong dun dumaan – bumababa kayo sa mga sasakyan ninyo at itulak lamang ito.

isa pa, sa mga foot bridges — foot na nga di ba? foot – paa ang ibig sabihin. bawal nga tumawid nakamamatay, kaya naman may foot bridges. o sempre, meron pang aakyat dun para hindi sila mamatay?

hindi po. mas masarap makipagpatintero sa mga sasakyan. kadalasan, harap harapan pa ng mga MMDA, pulis at kung ano pang traffic enforcer dyan. pero hindi man lang pagsabihan yung mga nag sho-short cut sa mga bawal tumawid at nakamamatay.

at yung one way na nga e pilit ginagawang two way. ano ba ang hindi ninyo maintindihan sa one way? one po yun, isa ang ibig sabihin. hindi po ibig sabihin na porket isa kayong nagdesisyon e tama na yung way na tinatahak ninyo ano. at hindi po ibig sabihin lagi e mali yung kasalubong ninyo… minsan e kayo din ang mali. one way nga e, edi kapag may nakasalubong kayong nag two way, merong mali dun!

ay ewan ko ba, paulit ulit na lang tong rant ko sa traffic situations dito sa maynila. wala namang nagbabago, ay, meron pala. dumarami ang mga violators!

Advertisements

3 mga puna »

  1. Pero pag nasa ibang bansa, super masunurin yang mga yan.

    Komento ni callcenterguy — Abril 20, 2010 @ 2:45 umaga | Sagutin

  2. hehehe… dami na talaga pasaway ngayon, kung saan ang enter na na lumalabas ang mga tao, pag exit naman dun sila pumapasok. hahahaha

    Komento ni jonathan — Abril 22, 2010 @ 2:15 umaga | Sagutin

  3. minsan parehong civilians at law enforcers ang may mali e.
    sa ibang bansa, lahat ng batas lansangan (at kung anu-ano pa) ay nasusunod ng maayos kasi naipapatupad ng maayos din. dapat talaga may ngipin ang batas para ginagalang. mga tao naman, dapat obedient, responsible, at higit sa lahat may respeto sa kapwa at sa sarili. sabi nga ng isang kanta, “oh when will they ever learn?”

    Komento ni docgelo — Abril 24, 2010 @ 1:40 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: