Kwentong Kengkay

Abril 23, 2010

The International Filipino

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 3:59 umaga
Tags: ,

commercial muna… ang aming dyaryo bow.

bisitahin nyo muna ang The International Filipino newspaper.

baka lang meron kayong pwedeng i-share?

PAGBATI: kung may kapitbahay, kamag-anak, kaibigan, kapatid, kapuso at kapamilya kayong OFW o migrant o asa abroad, baka gusto ninyong magbigay ng konting pagbati? o kahit marami, pwede na rin. kasama na pati kaway, sempre. mag iwan lang kayo ng comment dito at babalikan ko kayo per email o per text o per telepono.

FEELING SHOWBIZ: at kung habang asa labas kayo ng bansa e biglang nakasalubong ninyo, nakasabay ninyo sa pila, nakatabi ninyo sa upuan, naka-chika ninyo o basta, meron kayong pechur ng isang kilalang tao, kahit na ano sya – artista, feeling artista, politiko, feeling politiko — ah basta mga taong famoso… o kahit na yung pinasa sa inyo ng inyong mga kakilala (basta magpa-alam lang kayo ha) — pwede nyo ring ishare sa amin.

KAMUSTAHAN: o kaya naman basta kamustahan lang. kwento ng buhay-buhay. kwento ng kung ano kinain mo sa umaga hanggang sa anong ginawa ninyo bago matulog. basta ba may tonong interesado ang mga mambabasa e okay lang din naman. kung ano ang gusto ninyong iparating sa mga naiwan sa Pinas o sa mga andun sa abroad. palitan ng kuro-kuro.

OPINYON: at kung meron isang bagay na gustong gusto ninyong ilabas, na gustong gusto ninyong isigaw, na gustong gusto ninyong isambulat, pwede rin. hinay hinay nga lamang ang chika dapat at baka mabatukan ako ng aming editor in chief.

ang lahat ng iyan ay pwede ninyong ibato dito sa aking blog o kaya naman mag email sa: raquel.erhard@gmail.com

o kaya ay bumisita sa theinternationalfilipino.com

salamat po.

Advertisements

4 mga puna »

  1. nakita ko na ang dyaryong yan! live at fresh na fresh! hohohoh

    mamikengk.. babatiin ko lang mga tito tita ko sa florida..

    hi tita mitz! hi tito chito!
    hi tito carlo! hi tita sarah!
    hi karla!

    Komento ni jason — Abril 23, 2010 @ 4:20 umaga | Sagutin

  2. Going strong ang dyaryo natin a! Happy for you my friend. 😀

    Komento ni callcenterguy — Abril 24, 2010 @ 2:35 umaga | Sagutin

  3. Yahoo… ang cool ng dyaryo na yan :D…

    Komento ni Gabriel — Abril 27, 2010 @ 3:31 umaga | Sagutin

  4. hello blogger, i was reading your posts on The International Filipino Kwentong Kengkay and i genuinely liked them. one thing that i observed whilst browsing throughout your blog that some of the hyperlinks aren’t working and giving error. this makes the reading experience a bit bad. you’ve a nice blog and i will request you to revise the links so that interested people can get all the details they want to have. By the way are you on twitter?? i would genuinely like to follow you and also get updates on your blog.

    Komento ni Ethan Gonzales — Abril 27, 2011 @ 2:56 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: