Kwentong Kengkay

Abril 29, 2010

salagubang

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 1:48 hapon
Tags: ,

ang salagubang, yung insekto ah, hindi yung may hawak, hehehe

anong sinabi ng mga barbie dolls at ng mga battery operated the kotse-kotsehan sa mga paborito naming laro nung bata pa kami?

pwes, wala! wala sa kalingkingan yan ng excitement na nararamdaman namin kapag nakahuli kami ng salagubang.

hindi yon kulay pink na may glitters na tulad ng barbie, hindi rin yon nauubusan ng baterya.

ang salagubang, bow!

isang araw na may kadiliman na, biglang may pumasok sa loob ng bahay namin. isang kulay itim na insekto na ang kulit kulit. naghahanap ng malalabasan, e sya naman may kasalanan dahil papasok-pasok sya sa loob ng bahay namin ano.

ayun, nagtakbuhan tuloy ang mga little kengkays. nagtitili. akala mo kung napano na. e ang kalaban lang namin nila e ang pagkakulit-kulit at pagkaliit-liit na salagubang.

edi hinuli ng aming dating drayber. siguro nahilo na rin yung salagubang dahil sa mas makulit pa pala sa kanya ang mga little kengkays, naubusan siguro ng lakas dahil sa ingay ng alingaw-ngaw ng sigaw ng mga little kengkays. kaya ayun, huling huli talaga sya.

pagkakataon para lumapit ng dahan dahan ang mga little kengkays. nung binuksan ng aming dating drayber yung kamao nya, eeekkkkkk – nakalipad ulit! edi sempre, sigawan, takbuhan, tilian, taguan — ay ano ba tong mga anak ko, ang kukulit.

ayun, dahil nahilo siguro sa mga kasabayan nyang paikot ikot din.. nagsawa ang salagubang at hinayaan na nya ang sarili nyang mahuli ulit. sa pangalawang pagkakataon, nilagay na nila ito sa isang garapon na espesyal na ginawa at binili para sa mga ganyang insekto para maobserbahan sila ng mabuti.

tuwang tuwa ang mga little kengkays. unang pagkakataon nilang makakita ng salagubang. lalo pa nung tinalian at biglang paikot ikot itong parang elisi ng helikopter. e sempre, kasabay pa rin ang pagtitili ng mga little kengkays, pero ngayon, happy na ang tono ng kanilang tili ;D

at dahil mabait sila sa mga hayop at insekto; at alam nilang bawal itong ikulong, nagtagal lamang ang salagubang sa amin ng isang gabi. kasi nung umaga, pinakawalan na nila ito.

malungkot man sila dahil nawalan ng laruan, natuwa na rin sila dahil sa maiksing pagkakataon na makaranas maglaro ng salagubang.

kayo ba, nagkaron din ng pagkakataon pagmasdan ang pagikot ng salagubang?

Advertisements

9 mga puna »

  1. Op kors! Inaaming kong elementary na ko si Marcos pa presidente ng Pilipinas. At ang favorite gawain ng barkada pag uwi galing school, ay ang manghuli ng salagubang. Bawal tumili kasi daw bading. hahahaha

    Komento ni callcenterguy — Abril 29, 2010 @ 8:38 hapon | Sagutin

    • hahahaha, ayan, umamin tuloy dahil na excite magkwento tungkol sa salagubang ;D

      Komento ni kengkay — Abril 29, 2010 @ 11:14 hapon | Sagutin

  2. hala tinatalian namin sa leeg tapos pinapaikot tapos

    a. lilipad
    b. matatanggal ang ulo.

    wahhhhh

    Komento ni jason — Abril 30, 2010 @ 2:50 umaga | Sagutin

  3. ay syempre.. kung hindi namin tinatalian sa ulo para paliparin, nilalagay namin ang maraming salagubang sa kamay tapos patagalan ng paghawak..grabe nakakakiliti siya..^_^

    Komento ni madz — Abril 30, 2010 @ 6:21 umaga | Sagutin

  4. “kayo ba, nagkaron din ng pagkakataon pagmasdan ang pagikot ng salagubang?”
    op kors, laking probinsya yata ito.

    Komento ni doroastig — Abril 30, 2010 @ 11:48 hapon | Sagutin

  5. kami nuon, pagkatapos umulan, yuyugyugin lang namin mga puno, naglalaglagan na sila!

    Komento ni roni — Mayo 1, 2010 @ 5:57 umaga | Sagutin

  6. Hahaha. Kapag kasi hawak nila Kuya yan, hindi naman ako nalapit! 🙂

    Komento ni gudang — Mayo 2, 2010 @ 12:42 hapon | Sagutin

  7. Kinakain pa nga yan dito eh…maraming nahuhuli sa taBing ilog twing takip silim..para sakin,laruan lang yan…hindi ko gustong kainin…tinatali namin ng sinulid yung paa tapos yun lilipad…pag pinagtali po yung dalawa sa isang sinulid,maBilis ang ikot nila…

    Komento ni Kikayjologs — Mayo 28, 2010 @ 12:18 umaga | Sagutin

  8. Your website (salagubang Kwentong Kengkay) won’t render properly on my android – you might want to try and repair that 🙂 Ira Velazquez

    Komento ni Ira Velazquez — Abril 27, 2011 @ 11:27 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: