Kwentong Kengkay

Agosto 9, 2010

Mag-ingat sa EDSA-Guadalupe

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 4:20 umaga
Tags: , ,

malakas ang ulan nuong nakaraang miyerkoles. galing kami ng bataan. nakipag-EB at bakasyon grande na rin kina PM.

trapik sa EDSA. pabugso-bugso ang ulan. silip kami ng silip ng pwedeng malusutan. kasi may i go out na daw ang mga little kengkays.

ng may mapansin ako sa harapan. mga batang paslit. tumatakbo sa gitna ng mga sasakyan. titingin-tingin sa mga loob ng sasakyan. at biglang magbubukas ng pinto.

may sasabihin sa driver. pagkatapos ay tatakbo. iiwang nakabukas ang pinto ng sasakyan!

ay naku, siniguro kong naka lock ang mga pinto ng sasakyan namin.

kasi napansin ko, bumabalik ang mga kulokoy. umiikot na naman sa mga sasakyan. at nagbubukas ng mga pintuan!

lintek!

ang mga naging biktima nila ay mga taxi na hindi naka-lock ang pintuan. siguro ay humihingi ng pera; at kapag walang binibigay ay iniiwang bukas ang mga pintuan. napaka-delikado talaga.

yung isang taxi driver nagalit. itinabi yung sasakyan. balak habulin yung mga bata. pero mas mabilis ang mokong at nawalang bigla.

kaya kung sakaling mapadpad kayo dyan sa EDSA-Guadalupe at maipit kayo sa trapiko, siguraduhing sarado ang mga pintuan ng sasakyan! mas mabuti ng nag-iingat!

Advertisements

9 mga puna »

  1. hindi lang bukas pinto ang mga yon. nagnanakaw din, kumukuha ng mga gamit sa taxi. minsan sinasalisihan ang driver, kinukuha yong pera kung merong mga pera na nakapatong sa dashboard. Kasi na-experience ko yan minsang nakasakay sa Taxi, sinubukan nila buksan ang pinto at kinuwento nga ng taxi ang modus. Kaya ingat. Laging i-lock ang mga pinto baka matiyempuhan kayo at hablutin ang bag at cellphone nyo.

    Komento ni nina — Agosto 9, 2010 @ 6:41 umaga | Sagutin

  2. Para safe, i-lock ang pinto ng sasakyan kahit saan ka pa dumaan. Sa Moriones nga e. Hindi bata ang mag bubukas ng pinto. Matatandang mukhang pang kontrabida sa peikula talaga ang mga itsura. si misis nga e, sinumpang di na kami dadaan sa Pier kahit na anong oras pa.

    Komento ni dennis — Agosto 9, 2010 @ 10:46 hapon | Sagutin

  3. salamat sa abiso ate kengkay!

    dati lagi dyan nanay ko e, at baka mapadpad ulit. sariling pag-iingat na talaga ang kailangan ngayon.sa aking opinyon, minsan yung ibang tao na ang nagpapa-realize na sa iyo na okay maging paranoid at mapanghinala.

    hayyyy

    mabuhay!

    Komento ni hoshi — Agosto 10, 2010 @ 2:16 umaga | Sagutin

  4. sa hirap ng buhay, iba-iba na ang style ng mga rumaraket 😦

    Komento ni taroogs — Agosto 10, 2010 @ 3:10 umaga | Sagutin

  5. abutan niyo na lang kahit piso.

    Komento ni metaporista — Agosto 11, 2010 @ 1:23 hapon | Sagutin

  6. ayos ka pre sa iyong mga sinasabe. nakakaaliw, nakakabaliw ang iyong mga mensahe. salamat at akoy napadpad ng di sinasadya, sapagkat kahit papano ako ay iyong napatawa. 😛

    Komento ni boards — Agosto 13, 2010 @ 11:28 hapon | Sagutin

  7. buti na lang wala ako sasakyan.. toinks! 😀

    Komento ni myfilthyroom — Agosto 16, 2010 @ 2:17 umaga | Sagutin

  8. When I came over to Mag-ingat sa EDSA-Guadalupe Kwentong Kengkay I can only see portion of it, is this my internet internet browser or the internet website? Should I restart? Cheers Dexter Hyde

    Komento ni Dexter Hyde — Abril 27, 2011 @ 11:25 umaga | Sagutin

  9. official? jingle ng GMA Pinoy Tv. in short, original song made for Pinoy Tv.. . maganda rin yung Kapuso jingle hehe….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Mirna — Nobyembre 25, 2012 @ 1:06 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: