Kwentong Kengkay

Agosto 24, 2010

kengkay’s report on the hostage situation

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 12:51 umaga

kahapon. nood ako ng tv ng hapon. pindot-pindot ng remote. napadpad ako sa abs-cbn, napansin ko may isang screen sa gilid na may bus.

hindi ko pinansin yon.

fast forward. may meeting kami ng kengkoy nung gabi. pag-uwi namin ng bahay ng bago mag alas otso, sinalubong kami nung kasambahay namin. may hostage-taking daw sa manila. quirino grandstand nga.

pati mga little kengkays nakikinood. pag-upo ko, mas mabilis pa yung tanong nila sa akin kesa sa pag-intindi ko sa mga nangyayari.

bakit daw may hostage-taking? ano daw gusto nung pulis? bakit daw ang daming pulis sa bus? pulis daw yung nang hostage edi ba mabait dapat ang mga pulis? buhay pa ba daw yung mga tao sa loob ng bus? ano daw gagawin nung mga pulis? ano daw gusto nung nang hostage? bakit daw hindi ibigay yung gusto nung nang hostage para matapos na lahat? bakit kailangan daw sumugod? at kung ano ano pang tanong.

sabi ko magbabasa muna ako sa internet para malaman ko ang nangyari. naku, ang kulit ng mga little kengkays. bilisan daw at gusto nila maintindihan kung bakit ganyan ang nangyayari.

nalaman ko na pina-alis pala yung pulis. at ang hinihingi ay ang maibalik sya sa pwesto. sinabi ko sa mga little kengkays.

ang sabi ng mga little kengkays? o bakit hindi muna nila ibigay yung gusto nung pulis para matapos na. dahil pulis sya, siguro magiging mabuting tao ulit sya. ang laki ng tiwala nila sa mga pulis, ano?

habang pinapanood ko ang hostage-taking, napapanga-nga ako. napapatalak. napapangisi. napapa-tsktsk. napapa-iling. napapa-iyak at sa huli, napagod ako.

isipin mo naman, pinasakay nung drayber yung hostage taker e samantalang hindi naman kasali yun sa pasahero nya. ang bait kasi ng pinoy o baka natakot kasi naka uniporme ng pulis?

tapos umabot ng sampung oras ang hostage-taking. tapos naging violent ending pa.

ang mga highlights hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan at nakakapagod na intindihin.

merong blow by blow account ang media. na napapanood ng lahat ng gustong manood. at naririnig ng lahat nmg gustong makarinig, kasama na rin duon ang hostage-taker.

nakatakas ang bus drayber at nagsisigaw na lahat daw ay patay na sa loob ng bus. sempre, napanood at narinig ng lahat. kasama na nung hostage-taker.

hinuli ang kapatid ng hostage-taker ng mga pulis. ano kayang approach yung tawag dun? hmmm. at sempre, narinig nung hostage-taker.

ayun na nagpaputok na. sumugod na rin ang mga pulis. nagtago sa gilid ng bus. meron sa likuran ng bus. meron pang tumatakbo at may mga mobile patrol cars sa may gilid, anong ginagawa nung isa? mukhang balak pumasok sa loob ng bus, teka muna, yung isa namang patrol car ay mukhang aalis. ayan, may dalang gamit yung isang pulis, babasagin yung salamin ng bus sa likuran. pati sa harapan, may dalang baril yung isa, susugod. teka, mukhang kailangan nila ng isa pang sasakyan para akyatin yung bus. teka, may bumibili ng rc cola sa tindahan sa kanto na mukhang gusto ring makiusyoso…. sa totoo lang, media pipol? hindi kaya nakasama din yung blow by blow account ninyo? ewan ko pero parang may mali.

sa mga rescuers naman. pinukpok ng sledgehammer ang bus, walang nangyari. nagtapon ng tear gas, bumalik ang canister. pinukpok ang harap, wala. pinukpok likod naman, wala. tinalian yung pinto ng bus at hinila ng sasakyan, napigtas yung tali. yun pala naman, may emergency exit sa likod ng bus! nakaka-awa naman. tulongan natin, yung ang reaction ko. bayanihan na lang. parang, hindi nila alam ang gagawin nila?

sa mga taong nakapaligid sa hostage-taking area. ano naman daw at nakikinood pa kayo ng live? e blow by blow account na nga ang binibigay ng media sa inyo. bawat kilos nga sinasabi na kahit pa minsan ay hindi nila alam kung ano talaga yung ginagawa ay meron silang sarili nilang opinyon kung ano yun. over na over na nga yung kwento ng media, at wala ng tinago. kahit na yung batang tinamaan ng ligaw na bala, siyempre pinagkaguluhan muna ng media bago dalhin sa hospital.

at nung sinabi nung media na, ayan, tapos na ang putukan, sumesenyas na ang pulis na tapos na. ano ang nangyari? sumugod ang mga usisero. party time. yuhooo!

mas mabilis pa sila sa ambulansya! kahit pa ang lakas ng ulan. may dala silang payong sempre. may nagtitinda na nga sigurado ng mani at balut at mineral water sa tabi-tabi. o baka may nagpo-popcorn pa habang nilalabas yung mga patay at mga sugatan? walang crowd control, walang pasintabi ng crime scene. dapat ikinulong din ang mga usisero na yan.

ibang klase talaga ang mga pinoy. ewan ko, pero hindi ba sila napapagod ng ganun?

ngayon, papano ko ikukwento sa mga little kengkays ko na namatay yung pulis na inaakala nilang magbabagong buhay? mas napagod ako.

Advertisements

6 mga puna »

  1. ewan ko ba kengkay… pag lumaki na ang mga little kengks, for sure, magbabago din ang mga tingin nila sa pulis… from good–to–bad.

    we cant blame them. in fact, baka nga sabihan pa natin sila na “wag kang sasagot sa pulis, baka harasin ka ng mga yan. blah blah”

    such a pity talaga…

    Komento ni foobarph — Agosto 24, 2010 @ 6:11 umaga | Sagutin

  2. Kawawa nman tlaga ang mga hostage…. Hindi kasi cguro tama ang plano ng mga pulis… Pero wla na tayo magawa eh dahil tapos na… Black listed na tuloy tayo sa Hong Kong nako nman…. Wawa ang mga pinoy hihina na nman ang turista dito sa pilipinas…

    Nakikiraan lng po… Exchange links po tayo.. Na add na kita salamat… 😀

    Komento ni Frankie — Agosto 24, 2010 @ 11:33 umaga | Sagutin

  3. yan din yung dilemma ko, mareng kengks. ang hirap ituro ang pride of country sa mga bata kapag andaming instances na ganito that only inspires disappointment, even shame.

    Komento ni taroogs — Agosto 27, 2010 @ 7:29 umaga | Sagutin

  4. Nakakalungkot talaga kengkay ang nangyari. Nagpapakita lamang eto ng kabulukan sa umiiral na sistema ng kapulisan. Nagagalit ako at naiinis dahil kitang kita kung gaano nagpakasasa ang mga naunang naka-upo sa pwesto ng gobyerno nang hindi pinagsasanay ang mga kapulisan at naturingan pang SWAT team pero palpak sa mga ganitong hostage crisis.

    Nakapanlulumo!!! Sana sa paglaki ng little kengks mo, magkaroon na ng pagbabago at manumbalik ang respeto sa kapulisan.

    Komento ni coffeebreak — Setyembre 7, 2010 @ 9:19 umaga | Sagutin

  5. haha

    Komento ni limewire download — Setyembre 16, 2010 @ 12:57 umaga | Sagutin

  6. kengkay’s report on the hostage situation Kwentong Kengkay is really a very well put together blog. I dont think my web-site http://www.diigo.com/user/elenoreser has a lot in common with yours, although I can (and have) learnt heaps from you, cheers, Urielle Schroeder

    Komento ni Urielle Schroeder — Abril 27, 2011 @ 11:21 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: