Kwentong Kengkay

Nobyembre 9, 2010

may tabo sa alemanya

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 8:21 umaga
Tags: ,

sobrang napagalitan ako ng mga little kengkays.

sukat ba namang kalimutan ko daw magdala ng tabo sa maleta namin papunta ng alemanya?

mga isang linggo din sila nagtiis na wet ones ang ginagamit; o kaya naman may i shower sila pagkatapos gawin ang kanilang toilet bisnis — pero kailangan talaga nila ng tabo e.

nung di na talaga makatiis kasi daw mas malinis kapag may tabo, nagpunta kami sa sentro ng aming barangay na may 12,000 pipols lamang. 12,004 na kasi kasama na kaming pamilya πŸ˜€

ang sentro ng aming barangay ay merong isang pharmacy, isang bookstore, dalawang bakery, dalawang hair salon, isang toy store, isang office supply store, isang post office, isang bangko, isang drogerie, isang tea and decors store at isang all-around store.

saan kami nagpunta? sa all around store sempre. sabi ko sa mga little kengkays, hala, maglibot kayo at maghanap ng kahit na anong container na plastic na pwedeng gawing tabo. ikot ikot ikot ikot!

nakakita ako ng isang measuring cup. pwede na rin.

naghalughog pa rin dun sa may bandang bathroom accessories — aba, aba. parang meron akong nakikitang pwede. takbo ang mga little kengkays – huwaw!! merong tabo sa alemanya!!!

as in — iba-ibang kulay, pink daw gusto ng mga anak ko – sempre pa, gurls sila ano. pero pula ang kinuha namin para hindi masyado dumihin!

sobrang proud naman ako sa barangay namin dito sa alemanya, merong tabo!

nung umuwi na kami at pinakita kay kengkoy, aba ang sabi ba naman ay para daw yun sa pagluto ng sopas. hehehehe — pwede nga kasi meron syang korte sa may bunganga e. yung parang tea cup ekek ba. kasi sa pinas simple lang ang bunganga ng tabo, dito sosyal — may daanan pa ng tubig!

1.69 oyro ang binayad ko. mga 2 dollars yun o kaya naman ay 130 pesos sa atin.

masaya na naman ang mga pwet ng mga little kengkays πŸ˜€

Advertisements

10 mga puna »

  1. pwede rin ang empty plastic bottle ng mineral water or kahit anong drinks πŸ™‚

    Komento ni nina — Nobyembre 10, 2010 @ 4:16 umaga | Sagutin

  2. korek si Nina..yun lang ang ginagawa ko..ahahaha

    Kengks!!!! nandito na kayo ulit?? kailan pa?? for good na ba ulit???

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 10, 2010 @ 2:01 hapon | Sagutin

  3. ahehehehe. tru blu pinays na talaga ang mga mini-me mo πŸ™‚

    Komento ni taroogs — Nobyembre 12, 2010 @ 8:36 umaga | Sagutin

  4. .,ahahaha kahit saan naman yata eh may tabo diba? pero measuring cup wag naman ahahahah natry ko nayan ang hirap tlaga pagwalng tabo hindi ko mafeel na clean yung pwet ko pag tissue lang ahahaha kadiri yung feeling πŸ™‚

    Komento ni ianyce — Nobyembre 12, 2010 @ 11:11 umaga | Sagutin

  5. Ang cute naman ng mga anak mo! Pinoy na pinoy kahit half-german sila. Galing! Wala na pala kayo dito sa Pinas. Kelan pa?

    Komento ni callcenterguy — Nobyembre 12, 2010 @ 11:18 umaga | Sagutin

  6. Hi Raquel, akala ko nasa Pinas pa kayo. anyway, take care and God bless sa family mo, schΓΆne Grusse!

    Komento ni tonette — Nobyembre 14, 2010 @ 9:33 umaga | Sagutin

  7. hallluuu pooo.. nakikidalaw lng po.

    Komento ni athena — Nobyembre 14, 2010 @ 1:57 hapon | Sagutin

  8. ayos pala.. may daluyan ng tubig.. panalo..

    Komento ni potsquared — Nobyembre 18, 2010 @ 4:59 umaga | Sagutin

  9. Anong nangyari sa lumang tabo? hehehe. Sana may picture para maimagine ko tlga ang sosyal na tabo na yan. πŸ˜›

    Take care!!!

    Komento ni Laarni — Nobyembre 24, 2010 @ 11:20 umaga | Sagutin

  10. im glad you are back in Germany, or you can install a spraying device too, we had that in the Phils, so instead of tabo meron hose na malapit sa toilet

    Komento ni lrn — Disyembre 5, 2010 @ 4:35 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: