Kwentong Kengkay

Nobyembre 26, 2010

lamay sa alemanya at sa pinas

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 8:20 umaga
Tags: ,

kapag sakit na lamang ang nararamdaman, ipagdasal na lang natin na maalis ang sakit — kahit na ang maiiwan ang masasaktan at malulungkot. ang importante, wala ng sakit at tahimik na ang katawan. ganyan ang nangyari nitong nakaraang linggo sa amin. nawala ang aming opa.

minsan tinatanong ko sa sarili ko, ako ba ang may sala? kasi pinadasal ko sa itaas na kunin na sya, kung iyon lamang ang paraan para wala ng sakit. parang ako rin ang nasasaktan kapag nakikita ko sya. imagine, kung dati ay naka motorsiklo pa sya kapag umaakyat ng bundok para sa asikasuhin ang kanyang hardin — ngayon wala na. hindi na sya makagalaw, nakahinga na lang at parati na lang sumisigaw sa sakit. hindi ko matiis na makita syang ganun.

tapos alam naman naming lahat na sobrang miss na nya si oma, na naunang umalis dalawang taon na ang lumipas. kaya naman sa dasal ko, kinausap ko din si oma. kung nasaan man sya, sabi ko, bulungan na nya si opa. pwede na silang magsama ulit.

pati ang mga little kengkays — ganun din. kapag dumadaan kami sa sementeryo, tahimik nilang kinakausap ang lola nila. kasama ko rin sila sa pagdarasal. ayun na nga, nangyari na. magkasama na silang dalawa. malungkot man, masaya na rin.

walang tanong, kailangang makita ng mga little kengkays ang lolo nila. yung ibang tao kasi dito, tinatanong pa kung dapat ba daw makita nila. hindi kasi lahat ng tao dito, tumitingin sa bangkay.

sabi ko naman, sa pinas nga, naglalamay sa patay sa loob pa mismo ng bahay e. wala namang nangyayari sa mga bata o kahit sino pang mga tao na dumarating para makiramay, di ba? may mga pagkain pa kamo atsaka ilang araw ang lamay. may tao parati.

dito? nakalagay ang bangkay sa kabaong, at ito ay asa loob ng isang salamin. nakadamit na puti, may kumot na puti at unan na puti. at malamig sa loob. kapag gusto mong makita, kailangan pumunta ka sa tamang araw at sa tamang oras. kung hindi naman, dapat gumawa ka ng appointment. ang viewing room ay asa chapel sa loob ng cementeryo. sa tingin ko, kahit na nga kamag anak hindi tumitingin e. ako, proud ako sa mga little kengkays ko — dumalaw sila at nagbigay pugay sa namatay nilang lolo. ni hindi nga sila natakot o nananginip man.

kapag gusto mong magpadala ng card o ng abuloy — nakaipit na rin iyon sa loob ng card. at kadalasan ay matatanggap mo sila galign sa kartero.

kapag libing naman, naka announce sa dyaryo kung kailan. darating ang mga tao. depende sa yo kung nakasara ang kabaong o hindi. merong pari, na nakausap na ng mga kamag anak bago ang libing dahil aalamin nya ang kwento at tungkol sa taong namatay; at syempre kayo di ang magdesisyon kung anong kanta ang gusto ninyo. ang pari ang gagawa ng lahat ng ritwal at magsasalita. kapag tapos na, merong magtutulak ng karo papunta sa libingan at kasunod ang prusisyon ng mga nakikiramay. una ang mga kamag-anak.

sa libingan, magdarasal ulit ang pari at merong naka-abang na dalawang timba na puno ng lupa, andun rin ang pala. ang pari ang unang magtatapon ng lupa; kasunod ang mga kamag-anak at ang mga nakipag libing. pagkatapos, merong mga bisitang kasama sa konting salo-salo; ang ibang bisita naman ay uuwi ng tahimik.

pagkatapos ng salo-salo — uuwi ang lahat sa kanya-kanyang bahay.

malaking pagkakaiba sa pinas ano?

Advertisements

13 mga puna »

  1. NOOOO! Wala na si Opa??=(

    pero sabagay..don na lang sa mabuting side ang tingnan natin…mas ok na sa taas wala na syang proproblemahin pa!

    condolence Kengkay at Kengkoy!

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 26, 2010 @ 3:35 hapon | Sagutin

    • no talaga 😦 salamat, sabi nga namin, at least no more pain.

      Komento ni kengkay — Disyembre 1, 2010 @ 6:15 hapon | Sagutin

  2. condolences po, mareng kengks, sa malungkot na pangyayaring ito.

    Komento ni taroogs — Nobyembre 29, 2010 @ 4:08 umaga | Sagutin

    • salamat taroogs, malungkot man pero dahil wala ng sakit, ok na rin

      Komento ni kengkay — Disyembre 1, 2010 @ 6:16 hapon | Sagutin

  3. Condolence sa family nyo, no more pain for Opa, may he rests in peace.

    Komento ni tonette — Nobyembre 30, 2010 @ 1:01 umaga | Sagutin

  4. Condolences po. My prayers are with you and your family.

    Komento ni ness — Disyembre 2, 2010 @ 12:03 umaga | Sagutin

  5. Please accept my condolences.

    Komento ni callcenterguy — Disyembre 2, 2010 @ 3:44 umaga | Sagutin

  6. maraming salamat

    Komento ni Brandy Miranda — Disyembre 24, 2010 @ 7:17 umaga | Sagutin

  7. hello admin. i must say that you simply have a really nice blog(lamay sa alemanya at sa pinas Kwentong Kengkay) and i was actually impressed with it.i’m a newcomer to blogs and i would love to know other blog writers and learn from them. My blog(http://www.delicious.com/margaret.cisneros) is very new and i’m still figuring out to work with it. i hope i will get to know a whole lot from bloggers like you. cheers for this well-written post.

    Komento ni Hashim Armstrong — Abril 27, 2011 @ 1:24 hapon | Sagutin

  8. Why do you think Koreans are getting popular now a days?….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Elayne — Nobyembre 24, 2012 @ 3:20 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: