Kwentong Kengkay

Enero 21, 2011

nakatikim na ba kayo ng tubo?

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 8:28 umaga

huwag ninyong sabihing hindi pa? ang tubo ay sugar cane sa inglis.

o, nakatikim ba ka bayo ng sugar cane? mabuti pa ang mga little kengkays, nakatikim na sila ng tubo.

nung bata pa si kengkay, sa likod ng bahay namin ay hitik na hitik sa tubo. minsan sobrang haba na ng tubo hindi pa rin sya pinapansin. pero kapag napansin naman namin sya ay biglang ubos sya agad. kasi naman super tigas nya, tapos kailangan talaga itak ang gamitin para maputol sya. at dapat ay matibay ang ngipin mo dahil kapag naalis na yung balat ng tubo, kailangan ay ngipin mo ang gamitin para kagatin sya. pwede namang putol-putulin din sya ng itak; pero iba ang feeling kapag ngipin ang ngangata.

mas namnam agad ang tamis, tulo agad ang gata. ang style ng pagkain ng tubo ay ganito: kumagat ng kaunti tapos sipsipin ang tamis nito; tapos ay ibuga ang tira ;-D ganon lang kasimple!

edi tinuruan ko ang mga little kengkays sempre naman. nung una ay dinidilaan nila yung tubo, tapos sinisipsip. nung sinabi ko sa kanila kung papano, aba, bigay na bigay naman sila. may ebidensya, kitang kita nyo naman sa pechurs!

at saan naman galing ang tubo? siyempre wala na kaming tanim na tubo sa likod bahay ngayon.

pero kasi, kapag naglilibot kami, mahilig kaming huminto at mang usyoso. nung papunta kami ng batangas ay napadaan kami sa mga tubuhan. huminto kami at nakiusyoso.

ayun, nabigyan tuloy kami ng tubo ng mga mama. tuwang-tuwa naman ako kasi ibang kaalaman na naman ito sa mga little kengkays, at ibang lasa din. nung una ayaw pa daw nila, nung huli — ayun, sarap na sarap naman.

ang nakakatawa, ang mga tubo pala na iyon ay tira-tira na lamang at para na sila sa pagkain ng baboy! hahahaha

Advertisements

11 mga puna »

  1. .. ngumangata rin ako nyan nung bata ako! sineryoso talaga ng mga little kengkays ang pagngata ah! ngayon meron na sa grocery sa pinas na nabibili na sugarcane juice.

    Komento ni rob — Enero 21, 2011 @ 10:38 umaga | Sagutin

  2. Peborit ko yan nung bata pa ko. Ang plano ko ay ipatikim yan sa aking significant other para naman ma-enjoy nya rin yan! Sarap, di ba?

    Komento ni joy — Enero 21, 2011 @ 11:55 umaga | Sagutin

  3. Ang sarap kaya ng tubo. Kaso parang ang tagal-tagal na nung last time na ngumata ako nan. Madalang sa Malabon yan e. ๐Ÿ˜ฆ

    Komento ni Dennis — Enero 21, 2011 @ 7:13 hapon | Sagutin

  4. Oh I love tubo. paborito ko yang nginangata noong bata pa ako, at meron na din nyan sa SM Supermarket and I will never get tired of making ngata-ngata the tubo. Luv it. thanks for this post, reminded me of my childhood charlar! ๐Ÿ˜€

    Komento ni iprovoked — Enero 26, 2011 @ 5:29 hapon | Sagutin

  5. nakatikim na rin naman pero matatanggal yata ang ngipin ko kakangatan n’yan. haha! yung katas na lang siguro ang pagi-interesan ko. ๐Ÿ™‚

    Komento ni Den Relojo — Enero 30, 2011 @ 11:12 umaga | Sagutin

  6. naaalal ko tuloy din ang dating itsura ng likod bahay namin, maram rig nakatnim na tubo. nung nawala ang mga yun di na rin ako nakatikim na.

    Komento ni hoshi — Enero 31, 2011 @ 9:07 umaga | Sagutin

  7. helo ate kengkay. ang sarap kaya ng tubo. ang tames!

    Komento ni Chimmie — Enero 31, 2011 @ 1:25 hapon | Sagutin

  8. maganda yan, mareng kengks! natural sweetness na… pampalakas (at panglinis) pa ng ngipin. ๐Ÿ™‚

    Komento ni ben gorilya — Pebrero 1, 2011 @ 12:24 umaga | Sagutin

  9. Kung Hei Fat Choy ๆญๅ–œๅ‘่ดข
    click here

    Komento ni doroastig — Pebrero 2, 2011 @ 6:57 umaga | Sagutin

  10. I worked in Bacolod and Negros Island for some time and, wooow, Sugar Capital kung Sugar Capital!

    Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain or nakakapapak ng tubo! ๐Ÿ™‚

    Komento ni Alps — Pebrero 4, 2011 @ 6:31 hapon | Sagutin

  11. they were so happy http://www.replicawatchesgeek.com/watches/replica-fucda-1776.html

    Komento ni meghanyyuu — Marso 22, 2011 @ 5:58 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: