Kwentong Kengkay

Pebrero 8, 2011

kailangan ninyo ng katulong?

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 6:29 umaga
Tags: ,

alas dos ng madaling araw dito sa alemanya, ring ng ring ang mobile ni kengkoy. pero dahil napuputol, hindi namin masyado pinapansin.

kaso nung alas tres ng madaling araw ay nag ring ulit, mabilis na kinuha ni kengkoy yung telepono. baka nga naman importante. ang sumagot sa kabilang linya? yung dati naming kasama sa bahay, si gloria.

umiiyak. dahil umiiyak, binigay na sa akin ni kengkoy yung telepono. ayun, nagsabi na si gloria.

kailangan daw nya ng trabaho. kailangan nila ng pera para ipagamot yung anak nya.

kasi magmula nung 25 ng enero ay labas masok na daw sa ospital yung anak nyang babaeng 18 years old dahil bigla daw bumigay yung baga at pati daw puso ay naapektuhan na rin. inilabas na nila sa ospital, dinala sa mga albularyo. kahit ano gagawin para gumaling ang anak. pero kailangan nila ng pera.

trabaho ang kailangan nya. hindi sya nanghihingi ng pera. pero siyempre, kung may alam kayong charity institution na pwede nyang malapitan, sigurado matutuwa din sya. may kilala kayo?

pinutol ko na yung tawag nya. sabi ko mahal na yung tawag. magtatanong ako at kapag merong resulta, mag text ako sa kanya.

kailangan ninyo ng katulong? masipag si gloria. marunong magluto, maglaba, plantsa, maglinis ng bahay. maalaga sa mga bata. sabi nga ng mga little kengkays, second nanay daw nila si gloria. katunayan, nung umalis kami ng pinas? alam ninyo kung ano ang sigaw ng mga little kengkays? gloria, we love you! naiyak tuloy ang gloria. gusto daw nila isama si gloria sa alemanya kasi nga labs nila 😀

asa mulanay, quezon si gloria. pero kapag kailangan ninyo sya, luluwas sya ng maynila para sa trabaho. at dahil taga mulanay sya ay minsan lang sya mag day off. minsan nga kami pa nagsasabing mag day off sya dahil kahit na weekend ay nagtatrabaho. hindi sya lakwatsera dahil tinitipid nya yung pera nya para sa pamilya nya. at wala syang bisyo, hindi rin chismosa 😀

mag iwan kayo ng komento kapag matutulungan natin si gloria. salamat!

Advertisements

5 mga puna »

  1. Kengkay! Seryoso ba to? May friend ako kailangan talaga ng katulong, well yaya actually. Email mo naman sa akin yung details. thanks! 🙂

    Komento ni Dennis — Pebrero 8, 2011 @ 6:47 umaga | Sagutin

  2. honga, kelangan ko talga ng yaya para sa anak ko salamat denz!

    Komento ni toji — Pebrero 8, 2011 @ 11:23 hapon | Sagutin

  3. Hala! Tinawagan namin Kenks. Di daw siya makakapasok pa kasi, nasa ospital daw anak niya. 😦

    Komento ni Dennis — Pebrero 10, 2011 @ 4:45 umaga | Sagutin

  4. -bigla bigla akong papasok. wala lang . nagbasa lang ako. visit mo rin po ako ^^

    Komento ni bugoy (basurero) — Pebrero 18, 2011 @ 7:13 umaga | Sagutin

  5. great post, i have learned a lot from your post http://www.replicawatchesgeek.com/watches/replica-fucda-1776.html

    Komento ni meghanyyuu — Marso 22, 2011 @ 6:04 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: