Kwentong Kengkay

Marso 31, 2011

Japan in our minds

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 1:10 hapon
Tags: ,

Sigurado ko, hanggang ngayon ay pati kayo ay hindi pa rin makapaniwala sa mga napanood ninyo na lindol, tsunami at nuclear problems sa Japan.

Habang pinapanood ko yung mga news clips nung araw mismo ng lindol at tsunami, wala lang, napapanganga ako. Minsan napapalunok, nakakamangha naman talaga. Parang hindi totoo. Sana hindi totoo.

Pero totoo sya e. Nung sumunod na araw, talagang nakatutok ako sa telebisyon, pati radyo. Napapailing sa mga naririnig at nakikita. Pati mga little kengkays, nakinood na rin. Nagtatanong na rin sila. Nadagdagan na ang problema sa Japan dahil sa nuclear power plants.

Si kengkoy, nung nangyari ang chernobyl? Sinabi sa kanila wala daw epekto sa Alemanya. Edi ayun, asa hardin si kengkoy nung umulan nung araw na sumabog ang chernobyl. Sagap nya ang radiation sa buong katawan. Wala nga kayang epekto? Eto na nga at may cancer na sya. Hindi agad malalaman ang epekto ng radiation, lilipas ang taon. Yung mga kakilala namin na nakasagap ng radiation sa Alemanya? Ayun, halos lahat may problema sa thyroid. At siyempre, dito sa bahay namin ngayon, kitang kita yung isang nuclear power plant. Halos kapitbahay lang namin. Dapat ba akong matakot?

Siyempre nagiisip na rin ako, lalo na nung nagkakaubusan na daw ng pagkain, tubig at gasolina sa Japan. Kapag bibili ba ako sa grocery, dapat bang mag-ipon na rin ako ng mga pagkain na hindi perishable? Ng pagkain na hindi kailangang lutuin sakaling walang kuryente at walang gas? Magiipon na rin ba ako ng tubig? Ng kandila at posporo? Hindi maiiwasang mag-isip ng ganyan e. Lalo na kapag nanay ka. Matagal-tagal din bago ko sinipa sa isip ko yan. Nakakapraning kapag nakatutok ka sa telebisyon talaga e.

Tapos madagdagan pa ng mga forwarded emails ng tungkol sa secret message of Fatima.

Ewan ko, basta ang alam ko, kasama sa dasal namin ang Japan gabi-gabi. Sana sa inyong dasal din.

Advertisements

5 mga puna »

  1. Pero bumilib talaga ko sa mga hapon. Kahit wala ng makain, o mainom. Naa pila pa din. walang nag rereklamo, walang nang-aaway at walang nang lalamang sa kapwa, Disiplinado. Nakakalungkot isipin kung sa Pilipinas nangyari yan, E yung nga lang nawalan ng tubig ng ilang araw nung nakaraang taon, may nag away na sa pila, dahil sa mga sumusingit. Speaking from experience yan ha. Sana maging ganun din ka disiplina ang mga Filipino. Hindi lang sa ibang bansa, lalo na sana pag nasa Pilipinas.

    Komento ni Dennis — Marso 31, 2011 @ 11:30 hapon | Sagutin

  2. yes, mareng kengks, japan is in my thoughts constantly. pero tiyak akong malalampasan din nila itong matinding pagsubok na ito. they have it in themselves as a people, same as we pinoys do (kahit minsan mukhang imposibleng isipin na kaya rin natin). 🙂

    Komento ni ben gorilya — Abril 2, 2011 @ 1:02 umaga | Sagutin

    • wqqRjN Got it! Thanks a lot again for hlnepig me out!

      Komento ni Boss — Abril 16, 2011 @ 5:37 umaga | Sagutin

  3. kumusta po si kengkoy? sana gumaling sya agad.

    Komento ni ness — Abril 5, 2011 @ 11:47 hapon | Sagutin

  4. hello blogger, i’d been reading your posts on Japan in our minds Kwentong Kengkay and i genuinely liked them. 1 issue that i noticed while browsing throughout your blog that a few of the links are not working and giving error. this makes the reading experience a little bit sour. you’ve a good blog and i will request you to update the hyperlinks so that interested people can get all of the info they intend to have. Btw are you on twitter?? i would really like to follow you and get up-dates in your blog.

    Komento ni Mercedes Hendricks — Abril 27, 2011 @ 1:24 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: