Kwentong Kengkay

Abril 10, 2011

Bakit bumalik si Schumacher sa F1?

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 8:38 umaga
Tags: , ,

asa malaysia ngayon ang formula 1.

kung hindi nyo alam kung ano ang formula 1, sport yan na car racing na pinangungunahan ng ferrari, mercedes, bmw, etc.

dahil super number one fan si kengkoy, lahat kami nakatutok sa telebisyon. ako nakikinood na rin. pero matanong ko lang sa mga may alam, bakit kanyo bumalik sa formula 1 si michael schumacher? di ba nag retire na sya nuong 2006; habang nasa tuktok sya ng kanyang formula 1 career? medyo boring na nga nun manood ng race dahil parati na lang si schumacher ang nananalo e.

talagang natuwa ako para sa kanya dahil hindi lahat ng sikat na sports e bumaba sa podesto kapag asa tuktok pa sila di ba? proud talaga ako.

e kaso mo, bumalik? 2010 andun ulit sya sa karerahan. bakit kaya sya bumalik? sabi ni kengkoy dahil sa pera, op kors. sabi ko naman dahil kailangan nung asawa ng mas maraming kabayo (meron kasi silang kabayohan sa switzerland na yung asawa yata ang manager e).

ano sa tingin ninyo, bakit kaya sya bumalik? napapailing talaga ako sa mga pangyayari. bakeet?

p.s. bakit kaya ang mga officials at players sa F1 bumisita sa thailand, sa indonesia, sa australia at sempre magiikot sila sa malaysia. bakit hindi sila dumalaw sa pinas? mas maganda yata ang pinas kesa sa ibang bansa. kulang ba talaga ang exposure natin internationally? kung alam lang nila na malaki ang namimiss nila sa hindi pagbisita sa pinas!

Advertisements

4 mga puna »

  1. Wala lang, baka bored siya, pero sayang, nasa pedestal siya, kaya ngayon, ang anak ko hindi bilib sa kanya sana daw “retayerd na lang siya sa f1”, hindi na kasi niya inabot si Schumi nung sikat ito dahil 9yo pa lang siya. Nakapanood naman siya ng mga lumang video pero yun, yung nakikitang performance ngayon, hindi siya bilib, naaawa pa daw siya 😦

    Ayaw nila makidnap malamang kaya di sila punta dito, 😦

    Komento ni Julie — Abril 10, 2011 @ 9:53 umaga | Sagutin

  2. schumacher loves f1
    f1 needs driver
    therefore, schumacher is a driver 🙂

    Komento ni foobarph — Abril 11, 2011 @ 8:09 umaga | Sagutin

  3. bakit hindi bumisita ang F1 officials sa pilipinas. low interest, mas interesado kasi ang mga pilipino sa basketball. magastos walang gagastos para magpatayo ng circuit.

    bakit bumalik sa F1 si schumacher? siguro nga dahil sa pera, or na miss lang niya ang thrill. tipong not racing is like dying. di po ba eh dati may lumabas pa na article na nirelyebo niya ang isang taxi driver dahil malalate na sila? haha.

    Komento ni Solid Liquid Gas Plasma Matter — Abril 27, 2011 @ 7:08 umaga | Sagutin

  4. nice blog man.. how can i follow you..

    Komento ni snoop — Abril 28, 2011 @ 10:55 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: