Kwentong Kengkay

Mayo 4, 2011

ang mga nakaka-miss sa pinas

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 2:23 hapon
Tags:

sa mga pinoys na nasa abroad, am sure meron din kayong listahan ng mga bagay na nami-miss ninyo sa pinas. hindi nyo man ito ilista sa kahit na anong papel, nakatatak lahat ng ito sa inyong utak, sa inyong puso at sa inyong bituka.

ang listahan na ito ay galing sa mga little kengkays.

1. si candy — sya yung aso namin na hindi namin nadala dito sa alemanya. kasi kailangan pumasa sya sa blood test, at ang blood test ipapadala pa sa switzerland. aabutin ng tatlong buwan, kapag hindi sya nakapasa; dapat gamutin sya. aabutin ng ilang buwan. kapag pumasa na sya, quarantine naman pagdating ng alemanya. kawawa naman yung aso. kaya iniwan namin sa isang kaibigan. si bunso, hanggang ngayon, sa sobrang miss nya kay candy? binili namin ng stoff dog na kamukha nung aso namin. bitbit nya yun kahit saan. kahit sa eskwelahan, asa bag nya si candy. basta wish lang nila, makilala pa sila ni candy kapag nagkataong makabalik ulit ng pinas.

2. Mall of Asia — siyempre naman, halos hindi yata lumalampas ang isang buwan ng hindi kami nagpupunta ng mall of asia. ang paborito nila dun ay yung fireworks, ang kumain sa Burgoo o kaya sa Sizzlin Pepper Steak, mag panghimagas sa joghurt corner o kaya dun sa isang ice cream corner, magtapon ng singko dun sa kulay itim na paikot-ikot na laro sa gitna ng mga walkways, maglaro sa Time Zone, magpabili ng kung ano ano sa Club Princess at siyempre, ice skating!

3. SM Sucat — dun sila parati nanonood ng sine kaya miss din nila ang popcorn at ang french baker’s

4. barbecue sa kanto — gustong gusto nila yung nasa sidewalk, kasi daw mas masarap yung amoy!

5. isda at hipon — fresh kasi, masarap kasi. ayaw nga lang nila sumama sa palengke kapag bibili dahil ang baho daw!

6. shakey’s — wala lang, mas gusto lang nila ang lasa ng shakey’s kesa ng pizza hut

7. mercury drug — malay ko kung bakit miss nila ang mercury drug, siguro dahil may mga grocery items na rin dun

8. si Gloria — ang aming kasama sa bahay. lab na lab nila kasi naman lab na lab din sila. magiipon daw sila para makapunta dito sa alemanya si gloria.

9. water dispenser — oo naman, kasi parating malamig yung tubig. kaya naman walang problema ang monitoring ko sa kanila sa paginom ng tubig dahil tuwang tuwa sila sa water dispenser at kakaiba nga naman dahil wala sa alemanya

10. pandesal — iba ang lasa ng pandesal made in pinas

11. mangga — walang kasing sarap ang mangga ng pinas, pati kamo buto nangangatngat nila ng todo!

12. mais — yung nilagang mais, mainit init pa.

13. mani — yung nilagang mani, mainit-init pa. pati na rin yung mani na may asukal. nagho-hoard talaga kami kapag bagong luto!

14. yung mga kalaro nila — wala ng kumakatok sa bahay kahit anong oras, kahit na anong araw — dito kasi nanghihingi ng appointment ang mga bata

15. walang seatbelt — siyempre, basta sa likod sila naka-upo, walang seatbelt. tuwang tuwa sila. ngayon sa alemanya, naka auto seat sila at dapat may seat belt parati. boring daw sabi nila.

16. swimming pool — may pool sila sa school, may pool na malapit sa bahay, may pool kahit saan.

17. dagat — tubig, tubig, tubig… miss nila ang magpunta sa dagat ng kahit na disyembre ay pwede.

18. ang mga ate nila — lalo na si ate kathy. miss nila ang mga ate nila kasi wala na silang ate dito; at siyempre dahil magaganda ang memories nila kapag na-alala nila ang mga ate nila

19. at siyempre, ang walang kamatayang jollibee, kahit saan, kahit kailan; hindi nga lang sila nakaranas ng delivery 😀 hindi nila miss ang mcdo kasi meron dito

ayan, according to my little kengkays — kaya daw gusto nila bumalik ng pinas!

Advertisements

4 mga puna »

  1. hello ms. kengkay.. may FB page po ba kayo? or fb account? gusto ko kayo magng friend eh… ahehe

    Komento ni edikenkoy — Mayo 4, 2011 @ 3:02 hapon | Sagutin

  2. makakatulong ang blog ko para di mo ma-miss ang pulitika dito sa Pilipinas. 🙂 try mo. hahaha

    Komento ni pulpolitika — Mayo 6, 2011 @ 10:44 umaga | Sagutin

  3. nakabalik na pala kayo dyan. at least nagustuhan ng mga little kengkays ang Pinas. masasayang memories.

    ako pag umalis ako siguro dito, ang mami-miss ko yung laid back na lifestyle. wala lang feeling ko pag tumira ako sa ibang bans puro trabaho ang gagawin ko.hehe

    mabuhay po!

    Komento ni hitokirihoshi — Mayo 17, 2011 @ 3:47 umaga | Sagutin

  4. […] ang mga nakaka-miss sa pinas […]

    Pasa ni masarap maligo sa ulan « Kwentong Kengkay — Mayo 19, 2011 @ 2:16 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: