Kwentong Kengkay

Mayo 19, 2011

masarap maligo sa ulan

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 2:16 hapon
Tags: , ,

pagkatapos ng pagpasok ng init at biglang pagtuyo na hindi normal para sa buwan ng april at mayo, ay nagsimula uling umulan dito sa alemanya. pagkatapos ng pagpipiknik ng mga little kengkays sa puno ng cherries sa aming bakuran; ay biglang nadismaya sila kasi pagkatapos ng ulan ay nagbagsakan na yung mga natirang bunga nito. sayang daw, dapat daw ay kinain na lang nila agad lahat-lahat.

naku naman, sa bilis ng pagbunga ng puno, para namang kayang-kaya nilang ubusin ang lahat. pero bago tayo malayo sa usapang masarap maligo sa ulan ay; totoo namang masarap maligo sa ulan di ba?

nung bata pa ako, konting ambon lang ay takbuhan na kaming mga bata sa labas. kapag ambon lang, kulang ang saya. kapag ulan naman, ay, ibang klaseng sarap! takbuhan, habulan, taguan, basaan. walang pikon. ang mapikon, uwi ng bahay.

kapag bagyo, nyay!!! ibang klaseng adventure siyempre. baka tamaan ng kidlat. baka madaganan ng puno. baka mapuno ng putik. at baka malunod sa baha. pero kesyo ano pa yan, masaya pa ring maglaro dahil basa pa rin ang mga kalaro.

kapag nasa dagat naman at umulan? ganun din, baka tamaan ng kidlat, baka malakas ang alon, baka matangay ng bangka at baka malunod ng tubig. pero tuloy pa rin ang ligaya. minsan lang makarating ng dagat atsaka asa dagat na nga kaya dapat hindi na matakot sa ulan. kahit anong gawin, basa pa rin.

at ang pinakamasap, kapag tapos na ang laro sa ulan; kapag naligo na, ay ang tubig na galing sa gripo o sa poso ay super init. dun yata nagsimula ang natural na wellness at fitness adventure ko e 😀

kung nabasa nyo yung post ko tungkol sa mga sobrang nami-miss ng mga little kengkay sa pinas — dagdagan ko daw, sabi nila. gusto daw ulit nilang maligo sa ulan.

naikwento ko kasi sa kanila na sa pinas ay mainit sa katawan ang ulan. hindi katulad sa oyropa na kahit anong gawin ay malamig talaga ang ulan. pinapayagan ko naman sila maglaro sa ulan dito; kaya lang talagang naka payong at naka- jacket sila kasi naman akala nung mga kapitbahay namin ay pabayang nanay ako, hahaha. pero paminsan-minsan, lalo na kapag kasama nila ako, ay wala akong kiber — tatlo kaming nagtatampisaw sa ulan. kahit kulay asul na ang labi!

kaya naman nung unang ulan nila sa pinas, naku, yung bunso ko ay naghanap ba naman ng bathing suit daw!! kasi maliligo daw sila sa ulan. naku sabi ko kahit anong isuot nila ay pwede bastat maliligo sila sa ulan. ayun, tumakbo sa kalye. nung nabasa ang mga damit, ang bigat na daw. kaya hindi nagtagal ay naka-undies na lang din sila. enjoy na enjoy naman sila.

ayun, bastat umuulan, ready to shower sila. kaya eto, ang hirap nilang pigilan kapag may ulan dito sa alemanya. pero sabi ko nga, basta enjoy sila at kaya naman ng katawan, why not chocnut? sa totoo lang, kadalasan ay ako pa ang nauuna!

e masarap naman talaga maligo sa ulan!

Advertisements

4 mga puna »

  1. naku di ko na nagagawa ito. simula noong mag-high school ako. parang may malisya na kasi. hehehe

    pero wag ka gustong-gustong kong gawin. ehehhe

    Komento ni hoshi — Mayo 20, 2011 @ 3:27 umaga | Sagutin

    • kami kahit na nung college na at kahit naka uniform, naku, nagtatampisaw kami sa ulan. lalo pa at parating baha sa lugar ng aming unibersidad 😀

      Komento ni kengkay — Mayo 20, 2011 @ 1:06 hapon | Sagutin

  2. ang susyal naman po dyan, may cherries sa bakuran.. haha.. 😀

    Komento ni myfilthyroom — Mayo 22, 2011 @ 4:25 umaga | Sagutin

  3. hi mommy kengkay. ngayon lang ulit ako nakabalik dito… nakakatuwa pala basahin itong blog mo…bihira lang ako makabasa ng tagalog blog na maganda… nung isang linggo naranasan ko ulit maligo sa ulan pagkatapos ng matagal na panahon, pero di yung inaasahan, wala kasi akong dalang payong ng biglang bumuhos ang napakalas na ulan.

    Komento ni Wena of Uncomplicated — Mayo 26, 2011 @ 1:59 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: