Kwentong Kengkay

Mayo 22, 2011

Fiesta Filipina 2011 in Dietzenbach, Germany

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 2:02 hapon

Sa mga kababayan kong Pinoy dito sa Alemanya na naghahanap ng tunay na Pinoy piesta, pwes, sugod na sa Dietzenbach!

Sa ika-2 ng Hunyo, 2011 ay gaganapin ang ika 15th Fiesta Filipina 2011 sa Dietzenbach!

Ano: Fiesta Filipina 2011
Saan: Bürgerhaus, Offenbacherstr. 11 603128 Dietzenbach
Oras: Alas Dos ng Hapon

At dahil piesta, merong haranahan, sayawan, at siyempre mabubusog kayo sa mga na-mimiss ninyong Pinoy food. Kasama na rin ang San Miguel Beer, siyempre. Marami ding mga booths na makikita dun na nagtitinda ng native souvenirs pati na ang walis tinging at walis tambo!

Para dagdag sa excitement, meron ding tombola o raffle prizes. (Ibig sabihin may ibinebentang ticket na am sure ay sa Dietzenbach na rin bibilhin). Ang first prize ay roundtip ticket to Pinas na regalo ng Herbst Travel. Ang susunod na premyo ay laptop at may mga surprises din.

Sayang at hindi masyadong mabasa yung poster na nakadikit sa website nila. (http://www.pci-frankfurt.de/artikelliste/Fiesta%20Filipina%202011.html) Meron din daw best in dressed guest in Filipina costume contest!

Ang programang ito ay pinangungunahan ng Philippine Cultural Institute e.V.

Nung nagpunta kami duon nuong 2009 (eto ang mga links: http://homeworked.blogspot.com/2009/06/fiesta-filipina.html at (http://kwentongkengkay.com/2009/06/16/fiesta-filipina-sa-alemanya/), naamoy namin agad yung barbecue! Ang sarap. Tapos tabi-tabi na yung mga tindahan na para kang asa carinderia kasi nakalatag talaga yung mga ulam tulad ng adobo, pansit, mechado, dinuguan na may puto, sisig, longganisa, binagoongan na parating may kasamang kanin; meron ding mga sapin-sapin, kutsinta, halo-halo, siopao, hopia, itlog na pula, at may goldilocks din, atbp. Basta marami kayong matatagpuang paborito dito. Pwede ring take-out!

At meron ding nagtinda ng real estate, ng balikbayan boxes, ng TFC, ng mga pampaganda at ng mga bling-bling sa katawan.

Merong program din sa loob ng auditorium, may bayad yun; hindi na kami nanood kasi nabored na yung mga bata atsaka ang daming tao talaga e. May mga naka barong tagalog at ang ibang mga kababaihan ay naka-baro at saya din.

Sana makapunta ulit kami.

Advertisements

1 Puna »

  1. Galing naman. May ganyan pala sa ibang bansa ano? 🙂 That’s the good thing of being a Pinoy kasi. Hindi nakakalimot sa tradisyon. Lalo sa pagkain. 🙂 E.add mo ako sa blogroll mo. Visit my blog din. I added you na. Thanks.

    Komento ni Ryan Adik Nga Lambay — Mayo 29, 2011 @ 7:13 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: