Kwentong Kengkay

Hulyo 9, 2011

Pinas: call center capital of the world?

Filed under: Duon sa Amin,Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 11:31 umaga
Tags:

wow. ang galing naman.

ngayon ko lang nalaman ha. call center capital of the world na pala ang pinas! pinatalsik nya ang India sa trono. kelan pa kaya?

nabasa ko lang dito na nagsabing:

India recently lost its crown as the call center capital of the world to the Philippines but still accounts for 55 percent of the global outsourcing market.

congratulations Pinas! congratulations call center heroes 😀 pagbutihin ninyo para yung 55% ng India ay maiungos pa ng pababa at ang bansa natin ang tumulak sa itaas at manatili dun sa tuktok.

yun nga lang, huwag sana ibaba din ang sweldo ng mga call center goodies. at sana maayos ang inyong mga benepisyo. at sana ang mga walanghiya sa kalye na kayo ang binbantayan para salbahihen ay matigok sa kanilang kinatatayuan ngayon din!

ayan, enjoy call center boys and girls! heroes din kayo, alam nyo ba yun! congratulations at ipagpatuloy ang kaunlaran (mag-impok sa bangko at hindi sa gimik!!!)

P.S. meron akong sasabihin, nung asa Pinas din kami, nag apply din ako sa call center. hindi ko alam na call center opis pala yung pinuntahan ko. andun sya sa may Bonifacio Global City, naligaw-ligaw pa ako pero nahanap naman namin bago ako ma-late sa appoinment. konti lang kasabay kong nag-aapply.

interview muna, one on one sa isang maliit na silid sa sulok ng isang opis. tapos merong written test (eeekk, hindi ako handa) pero nagkunyari akong alam ko pinaggagawa ko pero siyempre am sure bagsak ako sa test kasi naman inglish yung test ano, hehehe!

tapos pinaharap ako sa computer. eekk, hindi rin ako handa kasi yung computer ko aleman so nalito-lito ang mga daliri ko sa mga dapat pindutin. ayun, listening test naman. kainis, german naman, so bagsak na naman ako sigurado.

e tapos mag aalas dose na so kailangan ko na umuwi kasi susunduin ko pa mga little kengkays sa iskul nila. edi nagpa-alam na ako dun sa tester ko. mabuti na lang daw at natapos ko agad yung computer-listening-decoding test. yung final interview daw i schedule na lang namin.

apter ilang beses akong hindi nakarating sa final interview, na final interview din ako. hindi na sa sulok yung opis, sa gitna na. hindi na madilim, mailaw na. speaking english kami — am sure bagsak din ako kasi buyoy na ako mag inglis e. pero dahil hindi sya marunong mag-aleman at yun ang number one reason kung bakit ako nakaabot hanggang final interview kahit alam kong failing grade ako sa written at hearing tests — na impress sya sa akin.

natatawa naman ako kasi hindi ako impress sa pang ookray ko sa kanya ano. bad yun. dapat be yourself! hmmfp!

so what happened? wala. may attemps sila na gawin akong be yourself kaso mo iba ang naging takbo ng tadhana. sa sunod na isyu: ang pangalawang call center interview ni kengkay, dun naman sa makati — dun sa lumang makati na ayala center naman.

Advertisements

9 mga puna »

  1. go call center guys..call center kase me h.hehehe..very nice

    Komento ni ramir096 — Hulyo 10, 2011 @ 11:21 umaga | Sagutin

    • ang galing ng pinas, ang galing ng mga call center agents!

      Komento ni kengkay — Hulyo 19, 2011 @ 6:15 umaga | Sagutin

  2. Congrats sa mga call center agents! All the best!

    Komento ni Dorm Boy — Hulyo 10, 2011 @ 1:03 hapon | Sagutin

    • hi dorm boy, anong URL ng blog mo? hindi tuloy kita mabisita e

      Komento ni kengkay — Hulyo 19, 2011 @ 6:17 umaga | Sagutin

  3. DI na nakakapagtaka. kung inglisan lang naman, Maganda accent nating mga pinoy compare sa India, mabango pa mga pinoy. hehehe

    Komento ni Dennis — Hulyo 11, 2011 @ 10:46 hapon | Sagutin

    • eeekkk, kakaibang usapan yang amoy, hahaha. pero ang pinoy kasi magaling gumaya, kaya kapag accent ang pinauusapan, kayang kaya kahit ano.

      Komento ni kengkay — Hulyo 19, 2011 @ 6:16 umaga | Sagutin

  4. ay miss kengks! C Mine to. i dont know kung tanda u pa.(Dampa w/ maru, selvo and def ) Di na nga kc ako nakaka pag blog ngaun at super bz and that’s bcoz sa call center ako nag wo work 🙂 super demanding work kaya ala na time mag blog. sana nga wag kami pinagti tripan pag sweldo kc feeling ata ng mga holdapers eh madali kitain ang pera 😦

    Komento ni MINE — Hulyo 19, 2011 @ 5:49 umaga | Sagutin

    • hi mine, op kors naman, kilala kita 😀 alam mo kaya dapat mailaw ang paligid sa mga call center buildings at saka sana meron kayong shuttle bus ano? ingat!

      Komento ni kengkay — Hulyo 19, 2011 @ 6:12 umaga | Sagutin

      • ay tnk u nmn at la ikaw amnesia 🙂 may shuttle naman kaso sa ortigas ung abangan ng shuttle madami nadidisgrasya :-s anyways, kmusta sa mga little kengkays. sana mauwi kayo uli at magkasama uli tayo nila mamaru 🙂 tc always

        Komento ni MINE — Hulyo 23, 2011 @ 8:45 umaga


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: