Kwentong Kengkay

Hulyo 13, 2011

nagsipaan si schumacher at vettel!

dati wala akong paki-alam sa Formula 1, pero dahil big fan si kengkoy — medyo nahawa na rin yata ako.

pati mga paro-paro ko sa tiyan ay nagkakagulo kapag oras na ang Formula 1 race e. ayaw ko pa naman ng sobrang exciting na mga ganyan. hindi ako mapakali.

ni hindi ako makapanood ng matino kasi nga ang gulo ng paru-paro ko sa tyan e. akala mo minsan ay nakakatakot ang pinapanood ko kasi nagtatakip ako ng mata. o kaya naman ay umaalis sa harap ng telebisyon; lalo na kapag hindi ko alam kung mananalo ang idol ko!!

pero teka, sino nga ba ang idol ko sa Formula 1? dati type ko si mika hakkinen — wala lang, para kasing gentleman ang dating. parang hindi tungkol sa sports yata, ano 😀 tapos si raikkonen, dahil iba ang dating. naku, parang crush ang pinag-uusapan yata!

kasi nung natuto akong manood, number wan na si schumacher e. wala ng makatalo sa kanya. medyo ang boring na ng F1. pero nung biglang dumating si sebastian vettel, ayan, pinabilib ako ng boy-next-door na yan. medyo asiwa ako kay niko rosberg e, macho boy ang dating (ano ba, crush pa rin ang pinaguusapan!).

lalo ako natuwa kay vettel nung pinagtawanan nya yung sarili nya nung nakuha nya yung driver’s championship — kasi daw naiyak daw sya at dyahi daw!!! ay, talagang gusto ko syang kurutin (ngek, naging pet show)

at kelan daw nagsipaan si schumacher at vetterl? DITO. ngek, magsisipaan pa lang pala. merong charity football at kasali ang mga mama ng F1 laban sa mga celebrities ng alemanya. neks wik na, sana makapanood kami.

eto ang kwento. puntahan nyo plis para naman masaya si kengkay:
DITO

Advertisements

2 mga puna »

  1. Kakatuwa naman ito Mommy Kengks! Hindi pa ako nakakapanood ng buong laban ng Formula 1 pero parang matutulad ako sa iyo. Kung anong gusto ni mister ay siya ring makakahiligan natin. Haha.. Kakamiss naman itong blog mo mommy!

    Komento ni emilayskie — Hulyo 13, 2011 @ 11:43 hapon | Sagutin

  2. hello, kengkay. kakatuwa naman ang iyong pagka-kwento, lalo na ‘yong paru-paro sa tyan… 🙂

    Komento ni doon po sa amin — Hulyo 24, 2011 @ 9:21 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: