Kwentong Kengkay

Hulyo 18, 2011

Barbecue

Filed under: Kwentong Kengkay,Masarap sa Pinas — kengkay @ 9:42 umaga
Tags: , ,

sino ba naman ang hindi masasarapan sa barbecue?

maamoy mo pa lang sa kanto, tulo na ang laway agad. kapag medyo kita na ang usok, ang saya ng feeling kapag walang nakapila, di ba? ako una, yeheyyyy!!!

kahit anong oras, pwedeng kainin ang barbecue! pero bakit parang mas masarap sya kapag hating-gabi? siguro kasi kagagaling lang sa gimik kaya iba ang panlasa.

may mga taong may paboritong barbekyuhan. kami? kahit saan, basta may usok, masarap na.

na-alala ko si panganay. nung bumisita kami sa pinas at nagkataong visita iglesia. sumama kami. e bawat yata simbahan na puntahan namin merong nagtitinda ng barbecue sa labas.

hindi na nakatiis si panganay. nagtanong na sya kay kengkoy. pwede bang humingi ng pera daw, dahil meron syang bibilhin. binigyan ng bente pesos pero tinanong muna kung para saan.

naku nung tinuro ng ang barbekyuhan ay hindi natuloy ang palitan ng pera. takot si kengkoy na baka sumakit ang tyan, kasi alam nyo namang may problema si panganay ko tungkol sa ganito; kaya extra careful.

e pero talagang type na type nya yung barbecue kaya alam nyo na ang nangyari. nagwala!!! eeekkk, visita iglesia yun ano at asa loob kami ng ermita church nung mga panahon na iyon!

mabuti na lang nakalma agad — dahil nagpramis kami na pagkatapos ng visita iglesia ay barbecue agad hahanapin namin. o ayan, kaya naman ang pechur ng barbecue ay made in alemanya.

nagbarbecue kami kahapon dahil may bisita at talagang pinas barbecue ang inorder ng mga little kengkays!

meron akong biniling barbecue book at andun ang recipe daw ng barbecue ala pinas at yun ang ginaya ko:

barbecue ala pinas recipe:
– banana ketchup (tomato ketchup ginamit ko kasi wala dito)
– sibuyas na ginayat
– 7-up (sprite ginamit ko dahil hirap hanapin dito ng 7-up e)
– toyo
– kalamansi (lemon siyempre dito, asa abroad yata, hehehe)

dinagdagan ko ng konting pepper (ano nga pepper sa tagalog ulit)

edi ayun, isang kilong para sa goulash (parang menudo type na luto dito) ang ginawa kong pang barbecue. isang araw kong iniwan sa ref.

kinabukasan, tinusok-tusok ko sya.

at ang sauce? dahil walang kalamansi at siling labuyo, ang ginawa ko ay toyo at sambal oelek na lang. masarap din!

ubos agad ang barbecue sa mga maliliit na bisita pa lang. si panganay ko talagang tatlo agad ang kinuha at takot maubusan!

o baka meron kayong kakaibang barbecue recipe? pa share naman!

ang tanong e bakit daw nabalot yung parte ng sticks sa folie? kasi para hindi masunog yung sticks πŸ˜€

at ang mga bisita kong aleman? nasarapan din, pati sa maanghang na sauce. wagi ang barbecue ala pinas!

Advertisements

10 mga puna »

  1. Wala parin tlagang tatalo sa lasa ng barbeque ala pinas! kahit anong lahi makakarelate sa lasa… isa sa mga favorite ko yan!!!

    Anyway salamat sa pagbisita sa inaamag kong blog hehehe, medyo tinatamad ako magupdate musta naman po!

    Komento ni davmel — Hulyo 19, 2011 @ 1:15 hapon | Sagutin

    • hi davmel, matagal ding inamag itong blog ko. medyo naglilinis ako kaya nakakapag update, hehe

      Komento ni kengkay — Hulyo 20, 2011 @ 6:31 umaga | Sagutin

  2. ang sarap naman! πŸ™‚
    it has been months since i last tasted pork bbq. alam mo naman dito sa penang, ms. kengkay, bihira ang pork. at every weekends lang sa palengke may tindang porkie.

    nice to be here again… πŸ™‚

    Komento ni docgelo — Hulyo 20, 2011 @ 12:27 umaga | Sagutin

    • hi docgelo, talagang weekends lang may baboy? oink oink!!

      Komento ni kengkay — Hulyo 20, 2011 @ 6:32 umaga | Sagutin

  3. sarap naman aheheh parang gusto ko tuloy ng bbq mommy kengkay πŸ™‚

    masarap din mommy kapag garlic ang nilagay tapos asukal na pula , toyo at kalamansi tapos paminta yun ang tagalog ng pepper hehehe ….

    Komento ni Lambing — Hulyo 21, 2011 @ 4:01 umaga | Sagutin

    • naku yun pala ang gusto kong i try, yung may asukal na pula dahil yun ang sangkap nung barbekyuhan sa kanto namin dati. salamat sa paminta, hehehe

      Komento ni kengkay — Hulyo 21, 2011 @ 12:17 hapon | Sagutin

  4. hello, mukha pong masarap… πŸ™‚

    Komento ni doon po sa amin — Hulyo 24, 2011 @ 9:17 umaga | Sagutin

  5. Uy ang sarap naman mag-barbecue! Meron din daw barbecue rito pero sa summer lang. Nakaka-miss naman yan!

    Wala akong recipe for barbecue Mommy Kengks. Salamat dito sa tip mo! Ta-try ko yan dito kapag pwede na magluto ng barbecue sa labas at hindi ako manginginig sa lamig.

    Komento ni emilayskie — Hulyo 27, 2011 @ 6:08 umaga | Sagutin

  6. nakakagutom naman tong blog mo..ang sarap kumain!…

    Komento ni ramir096 — Agosto 1, 2011 @ 5:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: