Kwentong Kengkay

Agosto 4, 2011

Ako ay si Christopher Lao din

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 10:49 umaga
Tags:

Hindi ko lang matiis na hindi mag-react.

Kilala nyo ba si Christopher Lao? Kung hindi pa, i-search nyo lang sa internet at lalabas sya agad at malalaman nyo ang kwento tungkol sa pagsugod nya at ng kanyang kotse sa baha. Kung papano sya ininterview sa telebisyon pagkatapos syang tulungan ng mga mababait na Pinoys.

At siyempre dahil asa telebisyon, ang dami-daming nakapanood. Ang daming may opinyon, ang daming may mas alam, ang daming nagsalita, ang daming kiber at ang daming nang-lait!!

E kung kayo kaya ang asa lagay ni Christopher Lao?

Minsan may pagkakataon na kakaiba ang desisyon natin sa mga kundisyon ng buhay. Kay Christopher Lao, yung desisyon nya na itawid ang kanyang sasakyan sa hindi nya akaling super lalim na baha.

E kung isa kayo sa mga nag-antay sa tabi at hindi tumawid, e congratulations. E iba nga ang naging takbo ng isip ni Christopher Lao kesa sa inyo e.

Kung kayo kaya ang asa lagay ni Christopher Lao? Nakakatakot din yatang biglang lumutang na lang ang sasakyan. Edi ang kaba na, di ba? Mabuti na lang mababait ang mga Pinoy, uulitin ko yan. At may tumulong agad sa kanya.

Siyempre, halo-halo na ang naramdaman nya. Tapos may sumulpot pa na reporter na may pagka-excuse din ang mga tanong??? Ano kaya ang reaction ninyo? Kaba, takot, lungkot, galit, atbp.

Bilib nga ako sa kanya kasi nakapagsalita pa sya e. E kung ako kaya yun? Magiiyak siguro ako, tapos yayakapin ko yung mga taong nagligtas sa akin at siguro hahanap din ako ng masisisi dahil sa nangyari (naku naman, feeling life and death yun ano) at pagkatapos dahil ligtas na nga ako ay babasain ko yung reporter at magfe-feeling ate guy at pip na parang nagtatampisaw sa beach — in slow motion pa. Magandang copy yun sa telebisyon, di ba?

Ano naman kaya nag lalabas na opinyon ng mga tao? Ano sa tingin ninyo? Hinay-hinay po.

Ako ay si Christopher Lao din. Normal na tao, normal na may reaction na kakaiba sa ibang normal na tao. Dahil tayo ay hindi magkapareho, kahit ano pang sabihin ninyong halos lahat ay may Facebook na!

Kababasa ko lang ng isang sinasabing Official Statement from Christopher Lao —

4 August 2011

The past few days have been very disheartening for me and my family. As you know I have been a subject of a viral video that showed my helplessness during a trying moment. As it stands right now, I have several hate pages in Facebook and Twitter with hurtful and derogatory messages attacking my person. The reputation that I built the past years has been besmirched. A bad day has now turned into wounded feelings and sleepless nights for me and my family.

I have been silent the past few days as I want this to go away soon but not before saying sorry and thank you to people who matter.

I would like to apologize for my behavior that was seen on nationwide television and now on the internet. It was unfortunate that I was caught on camera immediately after an overwhelmingly stressful mishap.

I would like to again sincerely thank those who braved the flood to help a distraught stranger like me. Their selfless act reminded me of how dependable Filipinos are in times of crisis.

Lastly, I would like to thank my family, friends and all of those who showed empathy, consideration and support throughout these trying times. You have given me strength and courage to rise above and be a better person.
Sincerely yours,
Christopher Lao

Nakuha ko sya dito.

Alam mo Christopher Lao, sinabi ko na ito sa kumento sa isang FB ng isang kaibigan. You are brave to be apologizing, though you should not have. Iba-iba ang reaction ng mga tao pagkatapos ng isang experience na kakaiba talaga. At nakita mo rin naman na iba-iba rin ang reaction ng tao sa nangyari sa iyo.

Sorround yourself with people who loves you and everything would be good.

Ayan, napa-english tuloy si kengkay. Ah basta, ipagpatuloy ang buhay. Isa lamang parte ito.

Good luck!!

Advertisements

19 mga puna »

  1. tsaka di ba may tao naman dun, bakit nga ba di siya pinigilan? hmmm… bakit?

    Komento ni TJ — Agosto 4, 2011 @ 10:57 umaga | Sagutin

    • bakit nga ba? siguro gusto rin nila makita kung ano mangyayari? nung ondoy, ganyan din naman nangyari sa amin e. kung sino malakas loob, sya ang sugod — ayun, lubog. pero tinulungan namin sila ng walang kahit anong diskusyon.

      Komento ni kengkay — Agosto 4, 2011 @ 11:12 umaga | Sagutin

      • May nabasa ako sa isang forum tungkol jan sa isa sa mga nadoon nung panahon na un.. ang sabi nia sila daw ung sasakyan na nauuna kay Mr. Lao.. pero nung nkita nila na baha bumalik sila at pagbalik nila bigla nalang daw umandar ng mabilis si Mr. Lao so hindi na siya nasabihan ng mga tao.. kc nga mabilis siya.. I read that about 2 days ago na so dko maalala kung san.. peo kung gusto niyo search niyo nalang :))

        Komento ni mark — Agosto 8, 2011 @ 12:05 hapon

  2. I second the (your) emotion dear kengkay 🙂 I never made any comment, nor contributed to any of the postings about him & the incident. Kagaya mo, ako rin at isang Christopher Lao. Tingin ko, lahat tayo ay isang Christopher Lao iba’t iba nga lang na oras o okasyon. Well, now I feel brave enough to comment like you. Wow, I didn’t think aabot sa ganun…. the perils of netizenship. 😦 Unfair yun para sa kanya at sa pamilya niya. Yun lang muna ang masasabi ko.

    Komento ni Leslie — Agosto 4, 2011 @ 11:05 umaga | Sagutin

    • hi les, ako din, nagbasa lang din ako. i was sure it would go away, kaso mo affected talaga ang pamilya ng bata kasi nga naman below the belt naman talaga ang ibang opinyon e. kung yung mga nag iwan ng opinyon may oras sila magisip ng sagot nila, si christopher lao wala dahil may panic pa sya sa nangyari, di ba? there’s really something wrong!

      Komento ni kengkay — Agosto 4, 2011 @ 11:17 umaga | Sagutin

  3. Nakakatakot isipin na ganun nalang kadali sa ibang mga tao ang humusga ng kapwa at pahiyain ito sa madla. Grabe, may mga iba pa na inisip pagkakitaan ang pangyayari. Maglabas ba naman ng t-shirt na may caricature ni CL! Grabe! Sobra naman yun. Sa mga taong nangapi, nanglait, tignan ko lang kung ano ang mararamdaman nila kung sila ang sunod na makaranas ng di kanais nais sa baha.

    Komento ni Rachel — Agosto 4, 2011 @ 1:34 hapon | Sagutin

    • hi rach, totoo yang sinasabi mo. kapag sila kaya ang lumagay sa katauhan ni CL nung mga panahon na iyon? may mga pagkakataon na mali ang desisyon natin, pero hindi naman sana maging paraan iyon para uriratin na nag buong buhay kapag ganun ano.

      Komento ni kengkay — Agosto 4, 2011 @ 5:40 hapon | Sagutin

  4. Sabi nga ni Christopher Lao, kung di niya sinugod yung kotse niya di malalaman na ganun kalalim ang baha. He was brave enough para isugod ang kotse niya. At kung di tumirik ang sasakyan niya eh di bumilib pa tayo sa kanya. Yan ang hirap sa mga Pinoy, ang daling manghusga. At ang dali rin mapabilib. Sino kaya ngayon ang di marunong mag isip?

    http://www.orangesenorita.com

    Komento ni OSeñorita — Agosto 4, 2011 @ 6:59 hapon | Sagutin

    • tumpak ka dyan, Osenorita, kung umabot yung sasakyan nya sa kabilang dulo ng walang tirik, am sure hero ang dating nya. bakit kaya ang bilis mang husga ng mga tao ano?

      Komento ni kengkay — Agosto 5, 2011 @ 10:28 umaga | Sagutin

  5. hello, ms. kengkay. updated kayo talaga sa news and happenings, ahaha… bukod sa naninindigan. 🙂

    Komento ni doon po sa amin — Agosto 5, 2011 @ 2:07 hapon | Sagutin

    • actually, hindi ko rin alam kung ano istorya na yan, kaso mo parati syang namemention tapos kakaiba ang mga opinyon ng mga tao kaya nakichismis na rin ako. at dahil hindi nga ako makatiis, ayan.

      Komento ni kengkay — Agosto 5, 2011 @ 2:15 hapon | Sagutin

  6. Tamang may mga pagkakamali tayong may magagawa sa buhay. Ngunit hindi dahilan iyon upang manisi ka ng ibang tao sa obvious namang pagkakamali mo. Sus imbes na pasalamatan niya yung mga tumulong sinisi niya pa. Just shows how corrupt his character is.

    Komento ni van — Agosto 5, 2011 @ 8:13 hapon | Sagutin

  7. san ba nakatira si mr. lao ng malagyan ng sign mula bahay nya hanggang sa school o kung saan man sya nag pupunta at baka masisisi na naman ang mmda o kaya mga tao pag may ginawa syang katangahan…. wag nga kayong plastic unang reakyos nyo din nung napanood nyo ung video eh, “tanga naman ng taong to”……….

    Komento ni Nil — Agosto 5, 2011 @ 10:39 hapon | Sagutin

    • ikaw ay si nil, ako ay si kengkay. reaction mo, reaction ko. magka-iba, peace!

      Komento ni kengkay — Agosto 6, 2011 @ 5:05 hapon | Sagutin

  8. But still…. :))))))))))))))))))

    Komento ni ehem — Agosto 6, 2011 @ 4:39 hapon | Sagutin

  9. Hi ate kengks. Sabi ko nga eh, watching the video was funny, but the racist remarks, etc, were totally uncalled for. Lumalabas lang talaga ang irresponsibility ng mga Pinoy dahil dito sa social media and technology.

    Komento ni Iris — Agosto 9, 2011 @ 3:39 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: