Kwentong Kengkay

Agosto 8, 2011

Prutas at Gulay

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 1:23 hapon

patalastas: kung gusto ninyo kumita ng konting pang-shopping, join kayo dito sa clubshop.com easy lang, just click and be a member. at ang masarap, libre!!!
clubshop.com

namimitas ng blackberry

Alam nyo bang bawal na kaming bumili ng prutas at gulay?

kamatis

E kasi naman, sobrang dami ng bunga ng prutas at gulay sa aming hardin, kaya bakit nga naman kami bibili pa? E libreng-libreng mamitas sa aming bakuran, o kundi naman ay sa bundok?

Ibang klase nga itong hardin namin e, parang magik. Kasi baga pa kami lumipat sa bahay na ito, parang gubat na ang bakuran. Ang taas ng mga talahib, ng mga damo, ng mga halaman at pati mga puno halos hindi na makapasok ang sinag ng araw. Pero nung medyo pinagtiyagaan naming linisin, naku, ibang klaseng biyaya ang binalik sa amin.

Nagdagdag din kami ng mga pananim para sa pang-araw-araw — tulad ng strawberry, kamatis, zucchini, pipino, labanos, rucola, carrots, peas at mga herbs and spices; (dati nga meron pa kaming ampalaya) pero kakaiba talaga ang bunga ng ibat ibang klaseng plum trees, mansanas, ubas, cherries, at mga ibat ibang klase at kulay ng mga berries. Lalo pa’t ni hindi nga sila naalagaan ng ilang taon!!! Pero ang daming bunga! Kahit na ipamigay pa namin ang halos sampung kilo sa isang araw ay sobra sobra pa rin sya.

Ang pinaguusapan pa lang natin ay yung sa bakuran namin ha; papano pa kapag napunta sa bundok? Mas marami. At duon, halos hindi rin naalagaan, ang dami ring bunga!

yellow plums

Feeling ko talaga asa paraiso ako kapag nakikita ko ang mga prutas at gulay na iyan. Kaya lang, nakakapanghinayang dahil sa sobra-sobra nga ang bunga, karamihan ay nalalaglag na lang sila dahil sobrang hinog o kaya naman ay nabubulok sa mismong puno! Sayang talaga. Sa totoo lang, minsan ay kahit araw-araw akong mamitas, kinabukasan may hinog na bunga ulit!

Kung ano-anong luto na nga ginawa ko e. Daming experimento sa kusina. Exciting.

Sana ganyan din sa atin sa Pinas ano? Masanay tayong magtanim, lalo pa at kahit buong taon ay pwedeng may ani sa atin. Dito sa Alemanya ay may ilang buwan lang pwedeng magtanim at mag-ani. Kaya nga ang dami kong nilagay sa container na mga sobrang prutas at gulay — frozen sila para kahit na winter ay meron kaming tira.

Kapag may sariling tanim, walang masyadong gastos. Kapag may sariling tanim, kahit anong oras walang gutom.

Nung isang araw na nakalimutan ni kengkoy ang kanyang susi ng bahay? Dun lang sya tumambay sa bakuran namin ay nabusog na sya sa ka-aantay sa amin. Kaya nga yung mga kalaro ng mga little kengkays mas gusto sa amin tumambay kasi feeling paradise din daw yung garden namin — may libreng snacks na, may libre pang palaruan!

At dahil dyan, pangarap ko ng maging isang farmer. Mabuhay sa prutas at gulay. Pinagiisipan kong mabuti talaga. At kung meron kayong tips, gimme, gimme, gimme 😀

Advertisements

5 mga puna »

  1. ang ganda po ng yard nyo, pramis! kayo na ang sagan sa puno. ako na ang nagsusulat lang tungkol sa puno habang dadalawa naman ang puno sa aming bakuran dine sa ncr, ahaha…. 🙂

    wala ho bang mapagbigyan ng sobrang prutas? 🙂

    Komento ni doon po sa amin — Agosto 9, 2011 @ 7:05 umaga | Sagutin

    • doon po sa amin, sobra-sobra ang bunga talaga. nuong may pasok pa ang mga anak ko (bakasyon sila ngayon e), parati silang may dalang isang kilong prutas para ipamigay. namigay na kami sa mga kabitbahay, sa mga kaibigan, sobra pa rin. kasi kadalasan may mga tanim din ang mga tao dito e. sa mga vacant lots naman, dun makikita rin ang mga prutas na nasasayang lang dahil walang pumipitas. in fact kapag naglakad ka sa mga gubat, mabubusog ka sa mga mapipitas mong prutas!!! sa atin kasi wala ng gubat, wala ng nagtatanim.

      Komento ni kengkay — Agosto 9, 2011 @ 7:31 umaga | Sagutin

      • hello, mrs. kengkay!

        noong 70s daw, ganyan pa rin sa maraming communities sa pilipinas. kaso, over the years, nauubos ang mga gubat dahil ginagawang bahayan o taniman. so, yon… saka, kokonti na rin po ang nagtatanim ng puno. mas marami ay cash crops (vegetables) ang itinatanim instead na mga punong mas matagal bago mamunga at maani. ‘yon po ang malungkot, kumbaga… musta po? salamat sa pagdaan doon sa amin… 🙂

        Komento ni doon po sa amin — Agosto 26, 2011 @ 6:59 hapon

  2. […] ba nung isang post ko ay nagyaya ako sa mga may gusto na sumugod sa amin para mamitas ng prutas sa aming hardin dahil sobra-sobra […]

    Pasa ni Sayang Talaga « Kwentong Kengkay — Agosto 23, 2011 @ 5:39 umaga | Sagutin

  3. hi doon po sa amin, sayang ng walang puno, kaya tuloy bumabaha. pero yung cash crops naman (naks, ngayon ko lang narinig yan at feel kong gamitin) ok din naman sya basta may tanim, pero mas maganda yung may puno. yun nga, dun sa dati naming bahay ang daming puno din. ayun, ginawang bahayan, edi nawala ang puno, nawala din ang sariwang hangin…

    Komento ni kengkay — Agosto 27, 2011 @ 4:52 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: