Kwentong Kengkay

Agosto 13, 2011

Free Fun in Alabang Town Center?

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 5:53 hapon
Tags:

ang mga little kengkays, bored na bored kapag nag-yayaya kami sa mga malls sa Pinas. hindi sila impress nang window shopping e. medyo impress sila kapag kainan lalo na sa Jollibee at sa Shakey’s — pero kailangan talaga merong adventure.

pero ang gusto nila yung spontaneous, yung biglaan ba, yung tipong may kasaling excitement… at gusto nila, yung libre (kaltas kasi sa allowance nila kapag sobra sa budget).

so anong matagal na nilang nirerequest sa amin? ang maglaro sa fountain dun sa may alabang town center. type na type nilang dumaan-daan dun, konting mabasa, enjoy na sila.

pero nakapangako kasi ako na, one day isang araw — i saw nakakita—- na pagdadala kami ng extra na damit at tuwalya at pwedeng pwede silang maglaro dun sa fountain!!!

yipeeee!!! at eto ang ebidensya…

nag-kape kape muna kami dun sa mismong tapat ng fountain para may pwesto agad. tapos nag-alis na ng sapatos ang dalawa. at nagsimulang magtampisaw!!

ang daming dumadaan, napapangiti, natatawa. ang mga batang napapadaan? gustong gumaya. yung iba pinayagan, yung iba, ayun, nakatingin lang. super saya ng mga little kengkays.

e ang kaso, dumami ang mga batang nagtampisaw! ayun, dumatina ng kill joy na sekyu. bawal daw maglaro dun sa fountain. pinalayas ang mga nag-eenjoy na bata. natakot pati mga anak ko. ano ba naman yun???

ay ewan. kung bawal man, bakit walang nakalagay na bawal magtampisaw? atsaka minsan lang naman may mag enjoy ng ganun sa fountain nila ano… hindi pa pagbigyan, mabuti sana kung magulo ang mga bata. e hindi naman. atsaka para namang isang oras na nagtampisaw ang mga bata, e kakapiranggot na minuto lang naman ng libreng kaligayahan.

mabuti na lang at nawala ang dismaya nung mga bata nung nakitang may order ulit akong pagkain para sa kanila.

ayan, mukhang wala talaga yatang free fun sa alabang town center??? kayo, ano sa tingin ninyo?

Advertisements

4 mga puna »

  1. Nakakatuwa naman yan! Noon ko pa gustong gawin yan pag nakakakita ako ng fountain sa mga malls. Tama ka, walang free fun sa Alabang Town Center. Mukhang lahat kailangan may bayad.

    http://www.orangesenorita.com

    Komento ni OSeñorita — Agosto 18, 2011 @ 5:49 hapon | Sagutin

    • hindi ko maintindihan kung bakit tinaboy yung mga bata, e kung makikita mo naman sa mga pictures e hindi naman magaslaw ang mga bata.

      Komento ni kengkay — Agosto 19, 2011 @ 10:56 umaga | Sagutin

  2. gusto ko rin gawin yan kaso baka hindi lang ako itaboy ni manong guard, bakada dalhin ako sa Mandaluyong. Taga-Muntinlupa nga pala ako 🙂

    Komento ni tadonggeniuskuno — Agosto 29, 2011 @ 11:27 hapon | Sagutin

    • bakit ka papapigil kay manong guard? may ganyan din sa ayala center di ba? nagtampisaw na ako dun, at dyan sa ATC, nagtampisaw na din ako. hindi ako patatalo sa mga little kengkays 😀 at hindi ako nadala sa mandaluyong at lalong hindi rin sa muntinlupa ( sa loob, i mean!!!).

      Komento ni kengkay — Agosto 30, 2011 @ 4:16 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: