Kwentong Kengkay

Agosto 23, 2011

Sayang Talaga

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 5:39 umaga

Nakakapanghinayang talaga.

Kung sa atin sa Pinas, siguradong hindi masasayang ang mga prutas na ito.

Di ba nung isang post ko ay nagyaya ako sa mga may gusto na sumugod sa amin para mamitas ng prutas sa aming hardin dahil sobra-sobra talaga sya para sa amin at para sa mga kaibigan at kapitbahayan?

May mga nagpunta naman. Ilang basket din ang napuno, pero super sobra pala talaga. Eto ang ebidensya. Yan ay ang mga nakunan ko lang ng litrato ha. Kasi yung iba kailangan na talagang walisin dahil napupuno kami ng bubuyog at takot na takot ang mga little kengkays.

at ang wild grapes na nakapulupot sa yellow plum tree... sobrang taas ng puno nya



Itong wild grapes, medyo maasim sya. Kakaiba ang lasa nya sa normal na ubas. At sobrang taas nung puno nya, ni hindi nga namin alam kung saang sya nanggaling dahil nakapulupot sya dun sa puno ng yellow plums namin. Mahirap sya kunin, kaya ayun, natutuyo na lang sya sa puno. Sayang ano?

ang mga yellow plums na dahil hindi rin masungkit sa sobrang taas ng puno ay nahulog na lang din

Ayan naman ang yellow plums. Gusto ko pa naman syang sungkitin kaso ayan na, bumitaw na lang sila sa puno ng isang araw. Sobrang hinog na talaga. Dalawa ang puno namin ng yellow plums, yung isa medyo mababa kaya marami kaming napitas, pero itong isa ay sobrang taas tapos nasa gilid na sya ng mala-bangin sa gilid ng hardin. Kaya ayan, nasayang na lang din. Ang sarap pa naman syang gawing cake!

ang mga mansanas na nabulok sa puno at ayan, nalaglag na lang sa lupa

Dalawang puno ng mansanas meron kami sa aming bakuran. At mas marami pa sa bundok. Ano naman ang gagawin namin? Ang alam ko, hindi pwedeng i-freeze ang mansanas ng fresh, dapat gawan muna ng hokus-pokus at hindi ako marunong e. Ang daming bunga, konti lang ang bunganga. Pero madali lang gumawa ng dried apple rings. At dinadagdag ko rin sya sa pagkain ng aming kyut na miyembro ng pamilya na si Rikki. Walang katapusang merienda ng mansanas. Sayang din ano?

ang pinakamasarap na prutas, greengage (pero kulay pula ang bunga ng sa amin kaya mas special sya)

At lalong sayang na sayang, itong greengage. Ni hindi ko nga alam na may greengage pala na prutas ano. Isang puno lamang sya pero hitik na hitik sya sa bunga. Kakaiba ang sarap nya, talaga, pramis! Pero eto, nalaglag lang din. Natuyo sa puno. Hay…

Advertisements

10 mga puna »

  1. ang shala ng bakuran nyo mami kengks! (feeling close)

    mansanas at ewan ang halaman…sa amin kakasawa na ang santol at bayabas.. hahahha

    cenxa na ngayon lang ako nakadalaw…. na coma ako for 3 years…

    Komento ni Geisha — Agosto 24, 2011 @ 1:17 umaga | Sagutin

  2. uy, mabuti naman at nabuhay ka ulit after three years!!! palit tayo, gusto ko ng santol at bayabas… babatuhan kita ng mansanas at ubas! ready???

    Komento ni kengkay — Agosto 24, 2011 @ 6:42 umaga | Sagutin

  3. hahahahha ibato daw ba?

    ang tagal ng comatose ko sa wordpress…

    sa blogspot kasi ako nagkakalat eh.. đŸ™‚

    Komento ni Geisha — Agosto 24, 2011 @ 6:56 umaga | Sagutin

    • di bale, na update ko na yung link mo sa blogspot… i love your blogspot. kakaiba ang ganda mo đŸ˜€ o ready ka na talaga ha, ibabato ko na talaga.. wan, tu.. tri (ilag!)

      Komento ni kengkay — Agosto 24, 2011 @ 10:07 umaga | Sagutin

  4. ako kengkay papitas din! grabe nakakatuwa naman yung mga puno nyo kaso lang oa sila sa pagbubunga nahuhulog tuloy.

    Komento ni PM — Agosto 24, 2011 @ 12:35 hapon | Sagutin

    • hi PM, nakakatuwa kasi alam mo bang halos tatlong taon na walang nag alaga sa mga puno na yan? pero ayan at buhay na buhay pa rin sila. yun na nga lang, wild na yung pagbunga nila kaya hindi na mapitas yung iba. kailangan putulin muna sila para ma control e. at kapag ginawa namin yan, mabuti na lang ang dami kong nakurakot at frozen ko muna silang i enjoy!

      Komento ni kengkay — Agosto 24, 2011 @ 5:07 hapon | Sagutin

  5. omg sayang! maganda rin siguro ang mga yan gawing ice candy dito sa ‘Pinas then ibenta. sang katutak siguro araw-araw magawa mo ;))

    Komento ni everydayannie — Agosto 24, 2011 @ 2:48 hapon | Sagutin

    • hi annie, ginawa ko na lahat… nagsawa na nga yata mga bata kasi halos hindi na rin nila magalaw yung cakes and cookies e. ayun, freezer muna sila. pati iscrambled ginawa ko pa kamo, hehehe. kung sa pinas lang, ang laki na ng kita ko!

      Komento ni kengkay — Agosto 24, 2011 @ 5:05 hapon | Sagutin

  6. Ang galing naman ng punong yan. Daming bunga. Sarap mamitas!!!

    http://www.orangesenorita.com

    Komento ni OSeñorita — Agosto 25, 2011 @ 6:29 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: