Kwentong Kengkay

Agosto 26, 2011

is tagalog Not the language of the learned?

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 7:40 umaga

ano sa tingin ninyo?

kailangan nyo lang ba ang tagalog para makipag-usap sa mga taong nakakasalamuha ninyo sa labas ng bahay ninyo tulad ng mga tindero/tindera, draybers, katulong, at kung sino pa mang tao na gumagala sa labasan?

okay lang naman na mag-aral ang mga bata ng salitang inglis… pero dapat din nating isabay ang tagalog dahil ito ay atin.

huwag maliitin ang mga taong asa labas, mga nakapag-aral din yang mga yan. may mga tinapos din yan. yun nga lang, sanay silang gamitin ang wikang tagalog dahil siguro asa Pinas sila????

ewan ko kung anong opinyon ninyo… pero ang sa akin, nabuo itong blog na ito dahil nung mapadpad ako sa alemanya, nabobo ako sa tagalog. nakakatakot malimutan ang tagalog kaya sinumulan kong mag-practice ulit. ayokong malimutan ang wika ko, ang lahi ko.

pero dahil kailangan ko siyempreng mag-aral ng aleman. dahil asa alemanya ako. walang kabog dito ang inglis dahil wala ako a inglatera o sa amerika. aleman dahil asa alemanya ako. muntik ko ng malimutan ang mag-tagalog. nakakatakot yung feeling na naghahanap ako ng tamang salita, para lang makausap ang mga kaibigan kong pinoy.

tagalog, pinoy — gets ninyo?? tagalog ang salita naming mga pinoy dito sa alemanya. hindi inglis. at dahil gusto kong matuto ring matutong mag-tagalog ang mga anak ko, ang dami rin naming tagalog na libro. masaya ako dahil interesado naman silang matuto. proud sila na marunong silang mag-tagalog. at ako ang kausap nila, hindi ang mga taong labas. at hanggang ngayon, tabo pa rin ang gamit namin!!!

naalala ko tuloy yung isang pinay na nakilala ko nung nagtatrabaho pa ako sa thailand. na thai naman ang salita. kausap ko sya sa telepono, alam naman natin kapag pina ang kausap di ba?

so inglis muna, kasi asa thailand nga kami e. tapos nung natunugan kong pinay sya sabi ko ay pinay ka pala. sabi nya ‘yes, i am from the philippines but please talk to me in english because i have been working in thailand for nine years and i already forgot how to speak tagalog!’ toinkssss.. siyam na taon, tapos nalimutan ng magtagalog???

ganun pala ha, edi thai na lang ginamit ko sa kanya. bulol ako mag-thai pero kayang-kaya kong makipag-usap kapag kailangan. ayun, hindi rin nya ako maintindihan… inglis daw ulit. ano ba!!

siyam na taon sa thailand, hindi marunong mag-thai; siyam na taon sa thailand nalimutan na ang tagalog… kakaiba ano?

pero kakaiba din ang sabihin na is NOT the language of the learned…. basahin…

from google cashe

Language, learning, identity, privilege Ithink
By JAMES SORIANO
August 24, 2011

English is the language of learning. I’ve known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet.

My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English.

In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English.

Filipino, on the other hand, was always the ‘other’ subject — almost a special subject like PE or Home Economics, except that it was graded the same way as Science, Math, Religion, and English. My classmates and I used to complain about Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes.

We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”

These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino.

That being said though, I was proud of my proficiency with the language. Filipino was the language I used to speak with my cousins and uncles and grandparents in the province, so I never had much trouble reciting.

It was the reading and writing that was tedious and difficult. I spoke Filipino, but only when I was in a different world like the streets or the province; it did not come naturally to me. English was more natural; I read, wrote and thought in English. And so, in much of the same way that I learned German later on, I learned Filipino in terms of English. In this way I survived Filipino in high school, albeit with too many sentences that had the preposition ‘ay.’

It was really only in university that I began to grasp Filipino in terms of language and not just dialect. Filipino was not merely a peculiar variety of language, derived and continuously borrowing from the English and Spanish alphabets; it was its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols.

But more significantly, it was its own way of reading, writing, and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino that can never be translated into another. Try translating bayanihan, tagay, kilig or diskarte.

Only recently have I begun to grasp Filipino as the language of identity: the language of emotion, experience, and even of learning. And with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. My own language is foreign to me: I speak, think, read and write primarily in English. To borrow the terminology of Fr. Bulatao, I am a split-level Filipino.

But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned.

It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections.

So I have my education to thank for making English my mother language.

Advertisements

24 mga puna »

  1. Akala ko na-misinterpret ko lang siya, pero pagdating sa dulo, wala na talagang bawian eh. well, kanya-kanya naman yan diba ate kengks. Napaka-ironic lang isipin na kung sino ang dito sa Pinas lumaki, yun pa ang hindi maka-appreciate sa sariling wika.

    Kung sino naman ang napadpad sa ibang lugar, mas malaki ang pahalaga sa kanya. Pero ngayon lang din ako napaisip. Kasi mas nasasanay ko yung anak ko na maging primary language ang English. Malalaman mo naman yun kapag mas naeexpress niya ang sarili sa ingles ng mas mabuti. Kaya ngayon, tinatagalog ko siya ng derecho, at hindi “konyong taglish”. mas malala naman yun.

    Pero wow. medyo nainsulto rin ako na sinabing Filipino is not the language of the learned. I’d like to think I’m educated. But I am very proficient in my native tongue. However I wish to express myself, the more important thing is that I give pride to my country with what I do. diba? =)

    Komento ni Iris — Agosto 26, 2011 @ 8:05 umaga | Sagutin

    • hi iris, inulit-ulit ko ding binasa kasi ayoko ding mali pala ang pagkakaintindi ko. basta kapag wala ka na sa pinas, mamimiss mo ang tagalog. may kakilala nga ako sa pinas na inamin nya na sya ay naiilang makipag-usap ng inglis sa kapwa nya pinoy e. ako, medyo ganun din. tama lang din naman na mag inglis pero mali naman ung kalimutan ang sariling wika.

      Komento ni kengkay — Agosto 26, 2011 @ 8:45 umaga | Sagutin

  2. Natuwa ako sa Blog mo. Pero alam mo para sa akin kailangan narin mag salita ng English or matuto. It required my Job, the kind of job I have now and new media. Just recently nakilala ko ito New Yorker na ito. Na culture shock ako, na ang ka meeting ko pala eh Fil-Am na lumaki sa New York at may Masteral pa. Putsa eh di napalaban ako ng English…putsa dumaretso English ko minsan nagkakamali din. Eh di lumaban ako sa interview niya at mahilig akong magbasa ng mga New York Art and history etc. But napakalaking bagay mag english for better communication. So technical if you don’t understand the interviewer and be prepared for all the question. Sa dami raw ng na interview niya ay ako lang daw ang pumasang artist at iba raw ang mindset ko and he said that I understand him very well. But I said to him don’t compare me to others because they are some good applicant better than me. Hindi niya raw maintindihan ang mga na interview niya at sabi niyakung nahihirapan mag tagalog nalang daw. I realized we need to learn and speak English if we need a job kahit hindi perfect we must try to speak English or else it’s your lost. AFter a period of months na nakasama ko itong si New Yorker I see to him na maganda palang pagsamahin ang Filipino values even you grew up in New York, (sa dami ba naman ng klase ng lahing tao sa New York). Sa daming beses nyang nag punta sa bahay and eating Filipino foods like mais nilaga sa kalye, siomai at diniguan etc. , I see the Filipino values on him. Even I am not fluent in English, nakakatuwa ring magkaroon ng mga friend na katulad niya dahil nakakataas ng confident sa sarili hindi sa usapang payak…but the knowledge and thoughts he shared to me. We need to explore in able to learn something. I realized when I working with him, ang layo na ng napag aralan natin compared to him even in our technology.Hindi yata kaya ng powers ko ang IT pero I need to learn combine with Art. In this modern times kailangang sumabay ako sa panahon….tama ang taong ito kundi maiiwan ako sa Future at madali akong malalaos.

    Komento ni Edgar Granada — Agosto 26, 2011 @ 10:18 umaga | Sagutin

    • hi edgar, salamat at nagpursigi kang magiwan ng komento sa blog ko 😀 at salamat din sa pag-kwento ng iyong experience. nakita ko yata yung pictures ninyo nung dumalaw dyan itong sinasabi mong taga New York e. tama naman na mas mabuting marunong mag-inglis dahil iyan talaga ang ating pang-laban para sa ikabubuti lalo na sa international business. pero hindi naman dapat na kalimutan ang ating sariling wika. mag-blog ka na rin para mas masaya!

      Komento ni kengkay — Agosto 26, 2011 @ 10:26 umaga | Sagutin

  3. Kung may choice ang mga tindera, drayber at yaya, malamang hindi ganun ang trabaho nila pero nandiyan sila may paninindigan sa trabaho nila. Wish ko lang mawalan ng yaya, drayber at helper si Santiago, tignan natin 😛

    Komento ni Julie — Agosto 26, 2011 @ 11:24 umaga | Sagutin

    • hi julie, yung mga kakilala kong maids at drayber ang galing mag-inglis ha. yung isa nga pastor pa at talagang kagalang-galang at matino ang inglis… e yun lang daw nakila nyang trabaho at enjoy naman daw sya kaya ok lang. siyempre sa ayala alabang sya nakahanap ng trabaho 😀

      Komento ni kengkay — Agosto 27, 2011 @ 4:59 umaga | Sagutin

  4. even shared his ( JAMES SORIANO) article sa fb ko kahapon kase parang biglang kulo ng dugo ko pagkatapos kong basahin. pero napag isip-isip ko, meron talagang mga taong ganyan. gaya ng nakausap mo sa Thailand na 9 years lang nakalimutan na magtagalog. marami rin akong kilalang ganyan but siguro, psychological effect lang yan sa kanila.
    good to know ang mga little kengkays interesado maglearn ng tagalog para kahit gustuhin man nila manatili dito someday, they can blend in easily.
    pero, pagminura kaya natin si james in tagalog, maiintindihan kaya niya? =))

    Komento ni everydayannie — Agosto 26, 2011 @ 4:40 hapon | Sagutin

    • hi annie, hindi ako naniniwalang malilimutan nila ng ganun ang sarili nilang wika. ayaw na lang talaga nilang gamitin. kung ito ngang mga anak ko ilang bakasyon sa pinas lang, naalala pa nila yung mga salitang gamit e… pano pa kaya sila na ilang taong natira sa pinas at siguradong maraming kaibigang pinoys??? pwede ring psychological effect — o kaya pa-epek!! am sure alam nun mag-bad words kahit anong lengwahe 😀

      Komento ni kengkay — Agosto 27, 2011 @ 4:57 umaga | Sagutin

  5. Salamat, at ipinabatid mo na ang wika ng mga Filipino sa Alemanya ay Filipino (o sabihin nang Tagalog).

    Komento ni Roberto Añonuevo — Agosto 27, 2011 @ 2:05 umaga | Sagutin

    • hi kuya bob, kapag nagkikita kaming mga pinoys dito sa alemanya, tagalog/filipino ang usapan namin. kahit na baliko-liko ang usapan kasi yung iba sanay sa sarili nilang dialekto, pero ayun, tagalog pa rin. nakakamiss yatang magkipagusap gamit ang sariling wika.

      Komento ni kengkay — Agosto 27, 2011 @ 4:55 umaga | Sagutin

  6. I agree Keng’s cocky ang last statement na iyon pero bagama’t may punto ang kanyang salaysay. Ayon nga kay Tonyo, “biktima” lang siya ng ipokritong sistema sa atin na nagpapahayag ng pagiging makabayan pero Ingles ang nagiging marka ng mga elitista. tungkol naman sa nakausap mo na taga-Thailand… erm… kakaibang tao siguro yun.. may mga kausap nga ako dito na 25 years na pero matatas pa rin magbisaya, pero siyempre not surprising ‘di masyado maalam mag-Tagalog, pero fluent bisaya pa rin. hmmm.. 😉

    Komento ni Jim — Agosto 27, 2011 @ 8:29 umaga | Sagutin

    • hi jim, may punto sya kaso ang punto nya matunog na tongue of privilege daw ang inglis — sa totoo lang, i would have been very elated kung makasama ko ang mga sikat na filipinong manunulat na ginagamit ang tagalog/filipino 😀 yung taga-thailand??? ewan ko dun, may sariling mundo yata yung ale na yun e. may kaibigan din akong bisaya dun sa thailand, kapag sya na ang kausap namin halo-halo na kasi nga hindi sya sanay magtagalog.

      Komento ni kengkay — Agosto 27, 2011 @ 10:14 umaga | Sagutin

  7. Nung na kwento ng isang kaibigan ang nakilala niya dito sa Pransya na kababayan na in-ingles sya ng in-ingles, ang laking gulat (at inis) ko nung dagdag nyang kwento na kahit daw sagutin niya ng tagalog, patuloy pa rin ang ingles. Malamang tulad sya ng nag sulat ng article na yan. Kaya naman pag katapos ko sya basahin, nainis at nalungkot ako. Mas lungkot kasi wala ng atrasan, eto na, mawawala na sa susunod na generation ang sarili nating wika. Pero inis pa rin kasi ang pag salita ba ng tagalog ay para lang sa mahihirap at walang pinag-aralan ngayon? Nakakahiya. Ang tagalog, ingles at prances ay pareparehong buhay sa araw araw ko dito kahit na medyo nagkakahalo na ang tatlong lingwahe. Mayabng ko na masasabi na mas malalim pa daw ako mag tagalog ngayon kesa noong bago ako umalis ng bansa – kasi kung kailan ka lang wala na sa lupang hinirang, doon mo lamang mas mahahalagahan ang sariling inang bayan. Kaya sa article na yan, para sakin, “there was really no point but to disgrace our national language” – Nakakahiya! What a shame! Quel honte! Ang ingles ay madaling matutunan kung kailangan, tulad ko dito, natuto mag prances para maki-isa sa bansa na umampon sa akin at maka-trabaho.

    Komento ni Makis — Agosto 27, 2011 @ 3:31 hapon | Sagutin

    • hi makis, hindi ko din maintindihan kapag may mga nakasalamuha akong pinoy na tina-tagalog na nga, binabalikan ka pa rin ng inglis. lalo na kapag asa ibang bansa. ikaw at ako ay natutong ng ibang lengwahe para maging komportable ang buhay sa ibang bansa. yun lang yun, di ba? natuto tayong mag-inglis para maging komportable din ang buhay sa pinas at kung sakaling makalabas ng bansa, pero huwag naman laiitin ang ating pambansang wika dahil may sariling galing din ito.

      Komento ni kengkay — Agosto 28, 2011 @ 6:39 umaga | Sagutin

  8. Paulit ulit ko ring binasa upang di ko ma misinterpret. Ngunit may punto din siya. Hinayaan din natin na magkaganun. Mula pagkabata tinuturuan na ng mga magulang ang mga anak nito ng ABC at hindi abakada. At magbilang ng one, two, three at hindi isa, dalawa, tatlo. Masyado tayong na exposed sa wikang Ingles. Mapa textbook sa paaralan hanggang sa pelikula sa sinehan. Mas sikat ang wikang Ingles. Ngunit bakit hindi nating subukang Tagalog muna ang ituro natin sa ating mga anak. Tulad ng mga bansang Japan, Korea at China. Mas sanay sila sa kanilang mga sariling salita. At maunlad sila. Baka iyon ang dahilan kung bakit di tayo maunlad. Dahil pilit nating mag ingles at nawawala na ng sariling identity ang mga Pinoy. May kasabihan nga na “Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay mas mabaho pa sa malansang isda.”

    http://www.orangesenorita.com

    Komento ni OSeñorita — Agosto 31, 2011 @ 6:26 hapon | Sagutin

    • hi Osenorita, alam mo ako din, dahil andito ako sa alemanya, inglis ang unang salitang narinig sa akin ng mga little kengkays. para maintindihan din ng asawa kong aleman. pero di nagtagal ay natuto akong mag-aleman. kaya bigwas ako ulit, tinagalog ko naman sila. para sila naman matuto ng tagalog. hindi naman maling magpursigi na matutong mag-inglis, ang mali ay ang sabihing ang tagalog is NOT the language of the learned dahil andyan ang mga magagaling nating manunulat na filipino, di ba? hindi lahat ng gumagamit ng filipino ay walang pinag-aralan, at hindi lahat ng nagtitinda sa kalye ay walang pinag-aralan… at tama ka, at tama rin si gat jose rizal.

      Komento ni kengkay — Setyembre 1, 2011 @ 3:51 umaga | Sagutin

  9. tama dapat tangkilikin ang sariling atin hehe.padaan lang po..tagal ko ng d nakapag blog at nakapag open ng blog…

    Komento ni kiikay — Setyembre 1, 2011 @ 4:39 hapon | Sagutin

    • hi, kiikay, tumpak!!! pwedeng mag inglis pero bawal kalimutan at apihin ang atin! salamat sa pagdalaw.

      Komento ni kengkay — Setyembre 2, 2011 @ 6:55 umaga | Sagutin

  10. hello, ms. kengkay!

    nabasa nyo na po ba ang sagot kay james, ‘yong bekemon is the language of the learned? satire po ‘yon, ang saya lang…

    palagay ko ho, james soriano represents a sector and a point of view. cono at pwedeng sabihing medyo makitid but a point of view, nonetheless. sa karanasan ko ho, hindi lang iyong mga mestisong mayayaman ang may ganyang upbringing at pagtingin, e. meron ding ibang native na native pinoy naman ang itsura at pamumuhay pero ang tingin sa wikang Pilipino ay mababa at ang tingin sa ingles ay mataas. marahil siguro, dala na nga ng nangingibabaw na kultura sa atin. tama nga naman ‘yon – sa operating room, sa courtroom at sa boardroom, hindi Pilipino ang gamit na wika. kaya ayon, may mga Pinoy na hindi proud sa wika natin.

    ang pagtingin ko po ryan, dapat ituro ang mother tongue ng isang bata sa paraang matatas – pagbasa, pagsulat at pagsasalita. kung Pinoy tayo,e, di wikang Pinoy ang mother tongue nating dapat kabisahin. at mas maiging turuan muna ng puro kaysa sa halu-halo o taglish agad.

    btw, ako po ay mas sanay ring magbasa, magsulat at magsalita sa ingles kaysa sa Pilipino. kaya ko ho ginawang tagalog ang site ko. parang homage ko ho sa aking mga magulang at kamag-anak na makapagsulat ako, kahit minsan (mahabang minsan) sa wikang siya ko namang kinalakihang sinasalita o binibigkas.

    salamat po sa espasyo and regards,

    Komento ni doon po sa amin — Setyembre 2, 2011 @ 1:39 hapon | Sagutin

    • hi doon po sa amin, oo nabasa ko yung nakakatawang balikwas na artikulo. ang galing talaga mag resbak ng pinoy ano, hahaha

      nakakahiya dahil totoo — bulol na akong magtagalog, bulol pa akong mag inglis, bulol pa akong mag aleman, patagpi tagpi akong mag thai. kasi nga halo halo, walang matino. tama ka sa sinabi mo na dapat isang lengwahe muna ang kabisahin… taglish, englog — wala din yan. pero kahit anong desisyon ng magulang, kapag pinoy ka — hindi ka man marunong magtagalog, ay hindi dapat na mo apihin ang sarili mong wika.

      Komento ni kengkay — Setyembre 6, 2011 @ 3:40 umaga | Sagutin

  11. Alam mo bang kahit ang mga hapon na kilala bilang loyal sa kanilang lengguwahe ay inumpisahan ng ipaaral sa mga estudyante ang salitang Ingles? Bilang isang Global language na tinanggap na ng lahat, para maging competetive ka globally ay kelangan mo syempreng matutuhan ang salitang ito maliban na lang kung may sarili kang translator. Walang masamang matuto tayo ng ibang lengguwahe bukod sa pampadagdag kaalaman ay isa na itong requirement lalo na pag nakatira ka sa ibang bayan na hindi gumagamit ng ibang lengguwahe. Required ka dahil ikaw ang magaadjust para sa kanila at hindi sila ang magaadjust para sayo. Pero kung globally competetive naman ang tinitirhan sa ibang bansa ay maaaring mag-usap na lang ng english. (Pero hindi ibig sabihin na di gumagamit ng english ay hindi na competitive dahil bukod sa hindi nila ito pinagaaralan ay may nationalism din tayong tinatawag.. “Kaya namin naming mabuhay ng hindi na kelangan umalis pa sa aming bansa e bakit pa ako magaaral ng ibang lengguwahe”)

    Ang lengguwaheng dapat ituro sa bata ay yung lengguwaheng kung saan PINAKA magaling ang magulang. Kung mas magaling ang magulang magtagalog, yun ang gawin niyong usapan sa bahay. At gawing pangalawa o pangatlo ang ibang lengguwahe na pwedeng gamitin sa labas ng bahay.

    Komento ni metaporista — Setyembre 3, 2011 @ 1:25 umaga | Sagutin

    • hi metaporista, international language pa rin ang english kaya tama naman ang mga hapon na matuto sila; kaya nga sugod na din sa atin ang mga koreano para sa inglis, di ba? kaya nga magaling ang pinoy, dahil may inglis agad sya sa eskwelahan tapos halos lahat ng palabas sa telebisyon ay inglis din. tama ka rin na dapat ituro sa mga bulinggit ay ang salita na alam ng magulang, kundi ay barabara ang labas. pero hindi ibig sabihin na tagalog ang salita mo sa bahay ay hindi ka na learned, di ba

      Komento ni kengkay — Setyembre 6, 2011 @ 3:44 umaga | Sagutin

  12. Naguluhan ako nung binabasa ko yung piece. Pero ok, fine. Na-gets ko na.

    Maraming beses ng naging usapan sa mga inuman namin yan. Nitong huli kong sesssion, ako naman ang proud dahil marunong pa rin akong mag-bisaya hanggang ngayon, kahit pa 15 years na kong napapaligiran ng mga tagalog. Tulad din ng tagalog at ingles.

    Ok lang naman mag-Ingles, lalo na kung kailangan mo sa trabaho, ang ayoko lang yung kalimutan natin ang mag-tagalog. Nakakalungkot na salitang pang-mahirap na lang din ang tagalog, pero ako, tagalog ang usapan namin sa bahay. Tagalog ang usapan namin ng mga kaibigan ko. At kung Pilipino lang naman din ang kausap ko, tagalog din ang salita ko. Hindi dahil mahirap/katulong/tindera and kausap ko, kundi dahil Pilipino naman sila. Dapat obligasyon natin yan, na pag-aralan ang sarili nating wika.

    Guilty ako sa pagta-taglish, guilty ako sa pagpopost ng english, pero kailanman ay hindi ko naisipang ibasura at laitin ang ating wika.

    Maganda ang salita natin, marami lamang hindi marunong mag-appreciate.

    Komento ni akda — Setyembre 4, 2011 @ 2:56 umaga | Sagutin

    • hi akda, huwag ka na ma-guilty, hindi mo naman inaapi ang salitang filipino e. kung saan ka sanay magexpress ng sarili mo, dun ka. pinili ko ang salitang tagalog dito sa blog ko nung napansin kong nangangapa na ako sa mga salitang tagalog … halos wala akong kausap na pinoy dito sa alemanya kasi. itong mga little kengkays lang pero hindi rin sila marunong ng sapat pa. may kaibigan din akong bisaya na kapag magkita kami ay pilit akong binibisaya, kasi nga mas sanay sya. mabuti na lang medyo marunong ako, so naintindihan ko sya pero ang sagot ko tagalog ;-D

      Komento ni kengkay — Setyembre 6, 2011 @ 3:48 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: