Kwentong Kengkay

Setyembre 3, 2011

Malibay Health Center Needs Help

sirang bubong ng waiting shed ng Malibay health center, kailan kaya siya ma-re-repair?

Hindi malaking problema ang mag-repair ng bubong ng waiting shed para sa mga pasyente na may TB, pero bakit kaya hindi matugunan ng local officials na ipagawa ito? Isang taon ng ni-re-report ang damage na ito, the damages are getting bigger every time typhoon comes along. Pero ganyan pa rin?

Kitang-kita dito ang sirang-sirang bubong ng waiting shed parasa TB patients

Kawawa ang mga taong may TB. May malubhang sakit na nga sila, kawawa pa ang dating nila habang nag-aantay ng gamot sa kanilang sakit. Aping-api naman!

Ang pang-araw-araw na tanawin sa loob ng Malibay Health Center. Isipin nyo na lang kung isa sa pamilya ninyo, isa sa mga kaibigan ninyo, isa sa mga kamag-anak ninyo ang andyan?

Ganito karami ang dumarating araw-araw para magpagamot. Pila-pila. Antayan. Ano kaya ang pwede nating gawin para mapaginhawa ang ganitong kundisyon? O kundi man mabago ang kundisyon ay isipin natin kung ano ang pwede nating ibigay na suporta para makatulong man lang, kahit na maliit na bagay.

Pwedeng mag-volunteer na i-repair ang butas na bubong, mag-donate ng gamit para sa pag-repair nito. Para maginhawaan naman ang mga nangangailangan ng tulong.

Sirang bubong pa rin...

Pwede ring mag-volunteer para linisin ang lugar kung saan matatagpuan ang health center na sa Malibay Plaza. Hindi rin nakakatulong ang dami ng illegaly parked PUJs at mga tambay na ginagamit ang bawat sulok nito na parang public toilet. Tinatawagan namin ang mga opisyal na ipagbawal na ang gamiting parking area 24/7 ang kabuan ng plaza — hindi maganda sa kalusugan ang iniiwang kalat at dumi ng mga taong sumisiksik sa mga sulok nito.

Ang kawawang health center na ito ay merong araw-araw na 50 patients, isama pa dito ang 30 prenatal at 40 baby vaccinations. Kailangan nila ng tulong!!

Pwede ring mag-donate ng mga gamot, at mga pagkain lalo na para sa mga batang malnourished. ‘This will surely help the indigent people of our community,’ sabi ni Dr. Armando Lee na nakatalaga ngayon sa Malibay Health Center.

Sigurado, karamihan ng Health Centers sa Pilipinas ay may ganitong kundisyon, bakit hindi rin natin tulungan?

Alam nyo ba na ang mga medical officers ay bawal magsolicit? Pwede silang magsulat ng recommendations sa City Health Officer. Pagkatapos ay ang City Health Officer ang kikilos depende sa aprubadong budget ng City Council. Eh ang kaso, parating kulang ang budget na napupunta para sa maintenance ng health center at pati na ang supplies lalo na para sa pagpapakain ng mga malnourished children sa Malibay pati na ang deworming.

Kwento pa ni Dr. Armando Lee:

‘Nung isang araw naatasan akong ipakita ang komunidad ng Malibay sa mga bisita at kaklase (isang Global Health Course) kong mga Finnish at mga health workers na mula sa ibang probinsiya na Pilipinas.

Ipinakita ko ang Malibay health center, mga pasilidad doon na nag-aabang ng karagdagang mga health worker na hangang ngayon ay hindi napopondohan ng ating Konseho sa kanilang budget allocation para sa health service ng Pasay City.

Ipinakita ko ang pinakamahirap na komunidad sa barangay 177 na malapit sa ilog — mga nagkalat na aso, pusa, mga dumi ng tao na nagsilutang sa ilog, mga basurang tinapon ng mga tao sa ilog, mga palanggana at balde na sumasahod ng tubig sa mga tubo na nag-uslian sa kalsada. Awang-awa ang mga bisita sa kanilang nasaksihan.

May nagkomento mula sa komunidad na bakit yun pangit ang pinakita ni Doc?!? Ang sagot ko ay “dahil yan po ang katotohanan. Baka po makatulong sila sa mga darating na panahon. Kayo po ang malamang na una nilang maalala.’

Kulang na kulang ang budget? Pero ano itong nabasa ko sa balita na meron daw p4-8m-paid-to-pasay-consultants?? Ang laking pera nyan ha.

Eto nga at kawawa na ang mamamayan ng Pasay. Nabubulok ang mga health centers. Nanatiling nakapila ang mga pobreng nangangailangan ng gamot. Pero may malaking pera na nawawalang parang bula? Kung ito kayang mga nagtago ng milyones na ito ang magkasakit, at pumila sa mga health centers, na inuulan, na kinukulang ng tao at ng gamot, na pinapalibutan ng dumi ang antayan — masikmura pa kaya nilang magtago ng milyones?

OO nga pala, ang Pasay Rescue Team ay nangangailangan din ng mga Personal Safety Devices and Equipment. Kahit nga hard hats wala sila. Walang flood booths, walang raft o kayak…

Sa mga asa abroad, pwede sigurong mag-organize tayo ng ganitong charity workd. Sama-sama nating punuin ang mga balikbayan boxes ng mga importanteng gamit… bumili kapag naka-sale ang mga gears tulad ng reflectorized vests, hard hats, inflatable boats, safety shoes, first aid kits, plasters, sanitary pads at kung ano pang pangangailangan para sa isang emergency situation. Ipadala ito sa inyong health centers na siguradong magbebenefit ng husto.

Nagpapasalamt din si Dr. Armando Lee sa mga taong tumutulong dagdagan ang mga gamot at gamit para sa malaking kakulangan sa pangangailangan ng mga kapwa Malibayenos. 

Katulad ni Virgilio Felipe, thank you very much for your generous support to our community health center. Thanks also to Ate Josie Felipe-Rivas and Kuya Rodrigo Felipe for bringing the donated emergency supplies to Malibay Health Center. Mabuhay po kayo! Pagpalain po kayo at ang inyong pamilya ng ating Panginoon at ng ating Patron San Juan Nepomuceno.

Isang malaking pasasalamat sa mga nagbigay ng tulong!

Para sa mga gustong tumulong sa Malibay Health Center, ipadala ng lahat kay:

Dr. Armando Lee
Physician-In-Charge
Malibay Health Center
Malibay Plaza, C. Jose Street,
Malibay, Pasay City 1300

Let’s us keep Pinas fit and healthy — let’s help our health centers — magkakaron din tayo ng oportunidad na i-kick out ang mga sick souls in the seat of powers. Nakakapikon na kayong mga opisyal kayo ha.

Advertisements

6 mga puna »

  1. it will be fixed during election year as useless. 🙂

    Komento ni Love 2 Type — Setyembre 5, 2011 @ 12:34 umaga | Sagutin

    • hopefully, it would be.. paano kung hindi rin? pero sigurado sa tulong ng mga butihing tao, may mangyayari din!

      Komento ni kengkay — Setyembre 5, 2011 @ 2:51 hapon | Sagutin

  2. here in rizal also ningas kugon ang mga na kaupo .. talagang hindi priority ang kalusugan. kung kailan ang election chaka lang tumutulong.

    Komento ni jimi1925 — Setyembre 5, 2011 @ 5:31 hapon | Sagutin

    • ganyan talaga ang kwento natin sa pinas? pero pasasaan pa at makakahanap din tayo ng matitinong lider.

      Komento ni kengkay — Setyembre 6, 2011 @ 3:33 umaga | Sagutin

  3. Madam… i lived in malibay pero di ko alam to.. hehehe i dont even know where that is.. bad for me… wala na kasi akong time lumabas ng bahay… 😦

    Komento ni Geisha — Setyembre 9, 2011 @ 2:45 umaga | Sagutin

    • asa gilid sya ng plaza.. pero kung nakatira ka sa may bandang labasan papuntang EDSA, hindi rin kita masisi kung hindi mo alam. labas ka kasi ng bahay 😀

      Komento ni kengkay — Setyembre 9, 2011 @ 2:22 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: