Kwentong Kengkay

Setyembre 18, 2011

Kengkay’s homemade ice cream

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 11:47 umaga
Tags:

kengkay's homemade ice cream

nung maliit pa bata pa si kengkay, gumagawa kami sa bahay namin ng homemade ice cream.

at dahil mura lang ang saging, halos parating saging flavor ang aming ice cream. at kadalasan ng sahog ay saging nga, dagdagan lang ng gatas at asukal at ilagay sa freezer.

kapag may konting pera, dagdagan namin ng buko, ang flavor agad nun ay buko salad! at halos hindi kami makapag-antay, bukas-sara ang nangyayari sa freezer kaya lalong tumatagal maging ice cream.

pero kapag ice cream na sya, heaven! lalo pa’t ang daming asukal, pansakit talaga sa ipen. ubos agad sya, isang serving pa lang. dahil sugod talaga ang buong barangay.

ngayon naman sa alemanya, meron akong nadiskubrang bagong recipe ng ice cream. hindi pala kailangan ng pansakit ng ipen — ang kailangan lang curd cheese… ano daw yung curd cheese? keso na liquid, keso na tubig, keso na parang taho ang kulay pero mas malambot sya sa taho.

o sige na nga, kapag wala kayong makitang curd cheese dahil medyo maarte itong hanapin, pwede ring all-purpose-cream na lang o whipping cream, dagdagan nyo ng konting asukal.

at siyempre, yung pang flavor. pwedeng mashed nilamutak  saging, o kaya naman ay kahit na anong klaseng prutas na tinadtad tapos ilagay ang cream, asukal at prutas sa isang blender para mahalo sya ng todo.

kapag halong-halo na, ilagay sa isang container at palamigin sa freezer!! ang sarap at simple lang.

at kung gusto ninyo ng matinong homemade ice cream/sorbet recipe: click nyo dito

Advertisements

9 mga puna »

  1. Sarap nyan! kami namn madalas papaya! hehehe! kaya nga lang pag may mabibili lang na ppaya sa palengke saka lang makakagawa.

    Komento ni anney — Setyembre 18, 2011 @ 2:11 hapon | Sagutin

    • papaya?? aba ibang klase namang flavor yan. halos walang papaya dito e, kapag meron man, hindi maganda yung quality so antayin kong asa pinas ako bago ko sya subukan.

      Komento ni kengkay — Setyembre 20, 2011 @ 2:08 hapon | Sagutin

  2. wow, homemade ice cream! ang tyaga mo naman ms. kengkay!
    ako matyaga din, matyaga kumain ng ice cream. 🙂

    seriously, i cannot imagine a world without ice cream, homemade or not.

    patikim nga ng sorbetes nyo, ms. kengkay!

    Komento ni docgelo — Setyembre 20, 2011 @ 2:35 umaga | Sagutin

    • paborito ko rin lahat ng klase ng ice cream, huwag lang chocolate ice cream 😀 patikim, sige ba. kapag andito ka sa alemanya, punta ka dito. o kaya kapag andyan ako sa malaysia, gawan ko kayo 😀 basta ikaw taya sa ingredients, hehe

      Komento ni kengkay — Setyembre 20, 2011 @ 2:10 hapon | Sagutin

  3. Yum…yum….mukhang ang sarap ng homemade ice cream mo kengks! Masubukan nga ring gumawa ng homemade ice cream. 🙂

    Komento ni Snow — Oktubre 5, 2011 @ 12:57 hapon | Sagutin

    • subukan mo, snow. mas mura at mas masarap — dapat lang, hehe

      Komento ni kengkay — Oktubre 31, 2011 @ 1:11 hapon | Sagutin

  4. hello, ms. kengkay… this is very informative and rather easy to do. curd cheese or all-purpose cream lang pala, aha! susubukan ko ho ito. sana ho pala ay may tips sa proportion… o, tantyahan na lang? ahehe… 🙂

    Komento ni doon po sa amin — Oktubre 28, 2011 @ 12:34 hapon | Sagutin

    • tantyahan, hahaha. hindi ako masunurin sa mga measuring e. eto ang bantayan ko: kapag isang bote, buong bote ginagamit ko. inuubos ko lahat para walang sayang.

      Komento ni kengkay — Oktubre 31, 2011 @ 1:11 hapon | Sagutin

  5. buti nlang at madali mahanap yan sa

    Komento ni jaimee — Disyembre 16, 2011 @ 3:45 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: