Kwentong Kengkay

Setyembre 21, 2011

kengkay’s do-it-yourself pabitin

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Nanay — kengkay @ 9:22 umaga
Tags: , , ,

sobrang hit sa mga little kengkays ang pabitin na tradisyonal na laro sa pinas

kapag may birthday o kapag merong piesta o kahit na anong na selebrasyon, meron parating pabitin. ang nagiiba lang talaga ay yung nakabitin at yung nag-aantay sa pabitin.

kaya naman nung birthday nila, kailangan meron silang pabitin dito sa alemanya. ang alam ko, nagdala ako ng pabitin. ang kaso hindi ko na sya makita dahil sa dami ng tambak sa aming storeroom, at dahil malapit na ang birthday, minabuti kong gumawa na lang ng pabitin ala kengkay. ayoko ng pinatakasi mas mabusisi yun atsaka ang dumi dahil sa confettis 😀

kengkay's do-it-yourself pabitin

simple lang naman ang kailangan para sa do-it-yourself pabitin.

dapat mangahoy.

huwag na magputol ng puno, pulutin na lang yung mga tira-tirang sanga sa gubat.

tapos pagtagpi-tagpiin ang mga sanga.

ginamit ko ay normal na sinulid lamang para pagtagpiin ang mga sanga.

tapos itali na nag mga pampasakit ng ipen o laruan.

dagdagan ng mga palamuti para naman makulay ang mundo ng mga bata at para mas nakakaduling, hehe.

at siyempre, gumamit ng isang tali na matibay at itali rin ito sa isang matibay na sulok ng bahay. (baka naman pati bubong ay bumigay pa!!)

 

enjoy naman sila

o ayan, ready na ang pabitin!!!

Advertisements

11 mga puna »

  1. waaah, naalala ko ito. kaso nung bata ako, naiipit kaming mga bata kasi puro yung mga nakakatanda kong tiyahin ang nakikiagaw sa amin hehehe.

    Komento ni ladystapler — Setyembre 21, 2011 @ 12:12 hapon | Sagutin

    • hehehe, talo talaga ang mga maliit at payat kapag pabitin. kaya meron kaming sariling rules — isa-isa lang ang tatalon. nakapila lahat at dapat tig-iisa lang din muna ang kukunin. mas masaya kasi hinahatak-hatak namin yung tali para talagang kumilos ang mga bata.

      Komento ni kengkay — Setyembre 21, 2011 @ 1:57 hapon | Sagutin

  2. Galing naman! I’m sure super nag enjoy ang mga bata dyan at naranasan nila tradisyunal na laro dito sa pinas.

    Komento ni anney — Setyembre 21, 2011 @ 2:53 hapon | Sagutin

    • enjoy na enjoy sila, at yan ang highlight ng birthday party!

      Komento ni kengkay — Setyembre 22, 2011 @ 6:17 umaga | Sagutin

  3. hehehe. hit na hit din pala sa mga batang babaeng aleman ang mga bangles 🙂

    Komento ni ben gorilya — Setyembre 21, 2011 @ 11:56 hapon | Sagutin

    • nag hit talaga ang yung pabitin. yung mga nakasabit na yan, last minute lahat yan kasi nga akala ko kapag hindi ko na makita yung pabitin ay pwedeng i-cancel muna yan, e ayaw pumayag ng birthday girl… so naghagilap ako ng mga ibibitin, mabuti na lang type ng mga girls.

      Komento ni kengkay — Setyembre 22, 2011 @ 6:19 umaga | Sagutin

  4. nung bata ako mahilig ako sa pabitin eh. malapit na birthday ko. gagawa nga din ako niyan 😀

    Komento ni PM — Setyembre 23, 2011 @ 3:29 umaga | Sagutin

    • ay naku, sabi ko din, kung sino may gustong gumamit ng pabitin ay naku edi pagpabitin din… ang saya yata, atsaka wala yan sa edad, di ba?

      Komento ni kengkay — Setyembre 27, 2011 @ 5:44 umaga | Sagutin

  5. ako naman hinde makasali ang tatangkad kasi ng mga kalaro ko.

    Komento ni Stranded Wanderer — Setyembre 23, 2011 @ 1:08 hapon | Sagutin

    • hi stranded w, pareho lang tayo! kaya nga ang ginagawa ko papilahin ko sila at isa-isa ang tatalon. lugi kasi mga little kengkays kasi sila pinakamaliit sa mga kaibigan nila e.

      Komento ni kengkay — Setyembre 27, 2011 @ 5:45 umaga | Sagutin

  6. hello po… pabitin ala kengkay, haha! 🙂

    Komento ni doon po sa amin — Oktubre 28, 2011 @ 12:31 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: