Kwentong Kengkay

Oktubre 6, 2011

hindi ako marunong magluto

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 8:29 umaga
Tags: , ,

pausong luto ni kengkay

hindi nga, pramis. hindi ako talaga marunong magluto.

nung bata pa ako, magpainit lang ng tubig natutuyuan pa halos yung lalagyan ng tubig.

at kapag magsaing naman ako… maamoy agad na sunog. waa. hindi pa kasi uso nun ang rice cooker.

at ang kusina pa namin nun gawa sa bato. gamit namin kahoy at dyaryo para sindihan. si lola ko gumagamit pa ng metal na pang-ihip para lumakas ang apoy. at siyempre, mauubo ka talaga sa usok!

kaya naman mas type ko pang maging taga-hugas ng pinggan. at kaya din naman, hindi ako natutong mag-luto. wala akong interes. wiz. waz. mabuti na lang masarap magluto si nanay.

nung napadpad ako sa thailand? op kors naman hindi rin ako nagluto. ang sarap yata ng pagkain sa kanto. kina manang, kahit pa sa tabi ng kalsada at may flavor na usok at pulusyon. mura pa!

nung naligaw ako sa alemanya? op kors naman hindi rin, nung simula. si kengkoy yata ang nagluluto. parating sya ang taya. taga-hain lang at taga-handa ng lamesa, hindi na uso ang maghugas pinggan kasi hightech na, meron ng dishwasher!

e kaso mo nung nabuntis si kengkay? eekkk, gutom na gutom ang feeling ko. ang napaglihian ko yata ay pinoy food. as in… kahit anong kain ko sa german food na luto ni kengkoy ay hindi ako mabusog. ayun, halos araw araw tuloy asa mcdonald’s kami. pinoy food kasi yun sa panlasa ko, hahaha. si kengkoy tuloy ang masuka-suka kasi hate na hate nya ang fastfood.

at nung talagang mapakla na ang kulay ni kengkoy dahil sa mcdo, napilitan tuloy akong matutong magluto. meron na kaming rice cooker kasi isa yon sa request kong wedding gift. naghanap kami ng asia shop at may i look ako ng ingredients. kunyari pa daw ako… e hindi ko alam kung ano kailangan ko ano.

kaya nag-mama sita muna ako. lahat ng panghalo ni mama sita kinuha ko. at siyempre, isang sakong bigas bumili din kami. pagkatapos nun… hindi pa rin ako marunong mag-luto.

kaya ang ginawa ko, tinawagan ko nanay ko. habang nagluluto ako ay asa telepono sya at sinasabi kung papano at ano ang dapat kong gawin. ang mahal ng bills namin nung mga panahon na iyon. pero at least, wala ng amoy na mcdo sa bahay namin.

tapos nun nagemail ako sa mga kaibigan ko. humingi ng mga recipes. at nagsimula na ang aking pagkukunwari sa kusina.

pero may sikret kasi ako kung bakit ayaw ko talaga magluto e. takot ako sa kutsilyo, waaaa! yung pinakamaliit na kutsilyo parati ang gamit ko, kahit na mapurol pa sya.

at ngayon? medyo marunong na ako.

medyo lang kasi hanggang ngayon tamad pa rin akong mag-measure ng cups at tablespoons at teaspoons etc — basta itaob ko lang yung kailangang ingredients tapos sa tingin ko lang, ayun, pwede na sya, heheeh. pero madalas naman swerte kasi masarap naman na lumalabas.

at mas gusto ko pa rin yung mga simpleng recipe. at kung hindi sya simple, ginagawa kong simple. at kadalasan, panay pauso. experimento. lalo na kapag tira-tira na lang ang naiwang ingredients sa bahay. sayang naman itapon di ba? katunayan? eto po ang mga katunayan.

im pak, marunong na rin ako ng homemade ice cream!

proud naman ako. ang layo ng narating ko sa mcdo!!

p.s. yung recipe nung pagkain sa litrato? pritong meatballs at karne na hinaluan ng sour cream at binudburan ng konting asin at paminta. yun lang. simple di ba?

Advertisements

23 mga puna »

  1. sarap naman! hmf!

    humble effect huh…lol

    talap talap! nakaka tom jones!

    Komento ni Geisha — Oktubre 6, 2011 @ 8:52 umaga | Sagutin

    • geisha, pa humble effect talaga si kengkay kasi sa totoo lang insecure pa rin ako sa mga luto ko e. atsaka may sikret ako, kapag alam kong mukhang hindi patok ang luto ko, nilalagyan ko ng cream.. katulad nung asa picture, ayan, masarap na, hahaha. tinatago ng cream ang ibang lasang masaklap!

      Komento ni kengkay — Oktubre 6, 2011 @ 3:13 hapon | Sagutin

  2. Lutong patakers. Yun ang tawag namin ng nanay ko (at ng iba kong pinsan) sa mga luto na hindi mapangalanan kasi merong pinagbasehang recipe, pero maraming modifications ang nangyari. Pataka-taka. Bisaya yun e :))

    Akala ko automatic na pag naging nanay ka, magaling ka na magluto :)) Goodluck sa pagluluto.

    Komento ni akda — Oktubre 6, 2011 @ 9:55 umaga | Sagutin

    • oo nga ano, bisaya din nanay ko kaya naririnig ko yan. pero ang tawag namin dito sa mga lutong walang pangalan naman ay lutong experiments, hehehe. naku huwag kang maniwala na basta nanay ay marunong na magluto — yung iba mas marunong mag dial ng telepono para magpadeliver.. kaso walang masyadong ganyan dito atsaka kung meron man super mahal, kaya walang choice kundi mag experimento sa kusina!

      Komento ni kengkay — Oktubre 6, 2011 @ 3:15 hapon | Sagutin

  3. teh, ang sabi nila, mas maigi daw yung nagluluto na may sariling diskarte… sa measurements… sa ingredients… kaysa yung by-the-book kung magluto. i’m sure ikaw ang da best chef para kay kengkoy at sa mga little kengkays! 🙂

    Komento ni ben gorilya — Oktubre 7, 2011 @ 4:19 umaga | Sagutin

    • kapag hindi ako ang da best chef, gutom silang lahat, hahaha. pero iba ang diskarte kapag si kengkoy ang magluto kasi mas maarte yun sa mga ingredients nya. ako walang paki alam talaga sa lahat, basta sa tingin ko masarap (o kahit hindi siguradong masarap) luto pa rin.

      Komento ni kengkay — Oktubre 9, 2011 @ 9:15 umaga | Sagutin

  4. Ako namn mahilig magluto kasi mahilig ako lumafang! lol!

    Komento ni anney — Oktubre 8, 2011 @ 2:10 hapon | Sagutin

    • hehehe, kaya nga ako nagkaron ng lakas ng loob humarap sa kusina ay dahil sa gutom!! 😀

      Komento ni kengkay — Oktubre 9, 2011 @ 9:15 umaga | Sagutin

  5. Mukhang dessert ang naging forte mo. Susubukan ko ang iyong apple strudel. Matagal ko na syang gustong subukan kasi mukhang madali lang naman. Di kami friends ng baking kasi. Siguro ang matutong mag luto ay isa sa mga pinaka-proud na ginawa ko sa buhay. Wala rin akong interest sa pag luto pero mahilig kumain. Mas magaling pa ang dalawa kong kuya sa kusina at ang isa ay chef na sa magandang restaurant sa Amerika. Nung dumating dito sa Pransya, ang una kong niluto para sa asawa ko at sa kanyang kaibigan eh fried lechon kawali, fried garlic rice at fried egg na ang buong plato ay lumalanggoy sa mantika. Di nila nakain sympre. Marami na akong alam lutuin pero wala pa rin ang interest. tamad kasi ako – at least kahit papano busog pa rin.

    Komento ni Makis — Oktubre 9, 2011 @ 3:41 hapon | Sagutin

    • hi makis, naku pareho tayo. nung mga unang nagluto ko din lumulutang sa taba yung mga pagkain. as in… kaya hindi tuloy kumain ung mga bisita ko. as in nag order ng pizza!!! at mga pinoy pa yung bisita ko na yun ha, hehe. kainis pero kasi naman talagang ang daming mantika e. medyo madami lang yung baking recipes ko kasi sayang nga yung mga prutas sa garden nitong mga nakaraang buwan, kaya sunod sunod din ang pagbabake ko… pero mas simple kasi ang baking e, atsaka walang masyadong huhugasan 😀 sobrang simple yang apple strudel!!

      Komento ni kengkay — Oktubre 12, 2011 @ 5:53 umaga | Sagutin

  6. nakaka-relate daw talaga ako ng bongga dito ate kengkay… op kors pareho tayo.hehehe

    ako humingi ng birthday gift na cook book , hayun hindi ko pa nagagamit at ipinahiram ko na lang muna sa kapatid ko. heheheh
    pero gusto ko naman matutuhan ang magluto ng pasta. nakakahiya rin minsan kasi lahat ng kapatid ko marunong ako lang hindi. at lagi rin akong tagahugas ng pinggan, op kors! hehehe

    Komento ni hitokirihoshi — Oktubre 12, 2011 @ 3:18 umaga | Sagutin

    • hehehe, apir!!! kaya siguro ako natuto magluto kasi meron ng makina na taga hugas ng plato. wala na akong magiging trabaho!! ako din dami kong cook book dati, ayun, wala din… subukan mo pero simulan mo lang sa simpleng recipe. good luck!

      Komento ni kengkay — Oktubre 12, 2011 @ 5:54 umaga | Sagutin

  7. congrats pwede ka na sa Top Chef. Kahit Pacham lang pwede na yan (pachamba sabi nga ni Mama) 🙂 …gusto ko rin matutong gumawa ng homemade ice cream. Marunong ako magluto kaso wala lang oras…Congrats uli!

    Komento ni tadonggeniuskuno — Oktubre 12, 2011 @ 6:34 umaga | Sagutin

    • hehe, tumpak. pacham talaga lahat ng luto ko. kapag palpak — kakainin pa rin pero kasamang reklamo kasi sayang naman di ba 😀

      Komento ni kengkay — Oktubre 17, 2011 @ 6:02 umaga | Sagutin

  8. ice cream! henge!

    Komento ni foobarph — Oktubre 13, 2011 @ 6:45 umaga | Sagutin

  9. ahaha! ang dami ko pong tawa rito… 🙂

    Komento ni doon po sa amin — Oktubre 17, 2011 @ 2:33 hapon | Sagutin

  10. mukhang namang masarap 🙂 kumusta na?

    Komento ni brokenman — Oktubre 31, 2011 @ 3:20 hapon | Sagutin

    • hey betterman, ok lang kami. am glad to your you are ok, too! stay happy!

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2011 @ 8:54 umaga | Sagutin

  11. hindi marunong magluto-PRESENT din ako jan! haha! pasalamat kong malaki at nakapangasawa ako ng isang chef ehehe.. matinding training ang sinapit ko nung una naming pagsasama, pero halos mga western food ang natutunan ko at konting pinoy foods lang. kung pinoy foods man lutuin ko, sinusunod ko lang sa recipe book na inorder pa ng asawa ko from Pinas. favorite kase niya pagkain natin, and ang side comments niya sa mga luto ko is “hunny, you know how to cook!” ay sa awa ni Lord, natuto rin ako ng paunti-unti.

    Komento ni everydayannie — Nobyembre 4, 2011 @ 3:21 umaga | Sagutin

    • ay sarap naman, chef ang waswit mo. sya ba ang tipong nagluluto din sa bahay o yung tipong ayaw na magluto sa bahay 😀

      Komento ni kengkay — Nobyembre 4, 2011 @ 8:55 umaga | Sagutin

      • siya ang tipong masgustong magluto sa bahay kesa sa trabaho kase maslaid back ang atmosphere sa bahay. sa work kase laging madalian :))

        Komento ni everydayannie — Nobyembre 4, 2011 @ 9:08 umaga


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: