Kwentong Kengkay

Oktubre 17, 2011

baboy

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 6:44 umaga
Tags: ,

kwentong baboy naman.

kapag asa pinas kami, manghang-mangha talaga si kengkoy at ang mga little kengkays kapag napapadpad kami sa mga palengke. lalo na kapag may mga nakasampay na bagong katay na baboy.

dito kasi sa alemanya, wala ng buong baboy. hati na sila. mukha na silang pagkain 😀 hindi na turn-off.

pero kung minsan ang ayaw ko lang dito, inaalis talaga nila ang taba ng baboy. as in hindi nila sinasama sa pagkilo. as in sa harapan mo ay tatanggalin nila ang taba. eeekkk… nung una kong makita yun, hindi ako makapag-react. na shock ako…

gusto kong sabihin sa kanila — plis lang, huwag ninyong paki-alaman ang taba ko. waaaa! pero huli na, naalis na taba. wala ng pampasarap ng luto. para namang marunong daw akong magluto nung mga unang araw ko dito sa alemanya ano? hehe

pero ngayon, sinasabihan ko na sila na iwan na yung taba. at kapag wala pang nahiwa, sasabihan ko talaga na yung medyo may taba.

ay ewan ko ba kung bakit hindi ko maiwan ang taba nung mga panahong iyon. pero ngayon, accepted ko na rin. okay na rin yung walang taba. nakakapit na kasi yung mga taba sa katawan ko kaya meron na akong sariling taba, hehehe.. bakit pa ako bibili, hehehe

pero ang nakakapagtaka, kapag malamig na ang panahon — meron silang binebenta na parang spread din na purong taba ng baboy ang andun. as in… pure taba talaga. pero ang sarap nya. ang tawag dun ay schmalz.

ang paborito ko ay yung griebenschmalz na may dagdag ng ibang ingredients. feeling ko kasi kapag may ibang ingredients hindi sya ganun kataba e.

nga pala, nung asa pinas kami? si kengkoy may suking babuyan sa palengke. kapag papasok pa lang kami sa palengke ay babatiin na sya nung mga tao dun. tapos alam na nila kung anong order ni kengkoy. at ang nakakatuwa… parating may libreng uwi si kengkoy. kundi ilang pirasong longganisa, ay mga hotdog o kaya naman patikim na barbecue. at kadalasan, parating may discount pa o may dagdag.

pero di bale na, dito sa alemanya naman ang mga bata ang may advantage. kapag may kasama kang bata at pupunta ka sa meat shop, parating may libreng isang pirasong hotdog o isang slice ng cold cuts o kaya naman gummi bears para sa mga bata. pati na rin sa mga bakeries, may libreng tinapay agad sila. sarap ano?

Advertisements

7 mga puna »

  1. Waaah naaalala ko nung bata ako, tama ka, lagi din akong may libreng cold cuts mula kay mamang butcher!

    Komento ni ladystapler — Oktubre 17, 2011 @ 10:23 umaga | Sagutin

  2. Galing namn may flavored purong taba ng baboy dyan! hehehe! San mo ginagamit yan? Pang spread nyo ba sa bread? naalala ko kami naman noon bumibili puro taba lang ng baka tapos aasinan lang at ipiprito. Yun ulam namin sa kanin ang sarap! Di na namin ginagawa yun ngayon at masama asa puso. Syempre tumatanda na. hehehe!

    Komento ni anney — Oktubre 17, 2011 @ 12:53 hapon | Sagutin

  3. Wow, yun nga ang the best thing in the world after ng bacon, hahaha! Parang dun sa Qatar, hindi kinakain ang chicken skin, pinamimigay lang.

    Naalala ko dati nung bata ako, yung mantikang-baboy yung mga kumatas na mantika pag naggisa na ang sahog ay baboy, isinasabaw ko yun sa kanin, tapos toyo, instant adobo rice! 🙂

    Komento ni akda — Oktubre 17, 2011 @ 2:10 hapon | Sagutin

  4. maganda ho ang comparison at ang narration… masarap po ang konting taba ng baboy. ang masama ay pag nakikita mo na silang lodged comfotably sa spaces ng katawan mong dati ang tawag ay curves, lols! 🙂

    Komento ni doon po sa amin — Oktubre 17, 2011 @ 2:38 hapon | Sagutin

  5. Tama ka. Pangpasarap ang taba ng baboy. Hindi masarap ang sinigang o nilagang baboy kung walang konting taba. At masarap din ipangsahog sa gulay ang taba ng baboy. Filipinos can’t live without taba ika nga. Isang patunay dyan ang chicharon na masarap ngatain.

    http://www.laestetica.com.ph
    http://www.squidoo.com/get-to-know-dr-almond-derla

    Komento ni Loi — Oktubre 17, 2011 @ 6:41 hapon | Sagutin

  6. aliw ako ms. kengkay sa kwento mo na mangha ang pamilya mo sa buong baboy sa pinas; wala palang ganyan sa germany. mabuti dito sa penang-salamat sa mga Chinese, mayroon naman nabibiling babi (bahasa melayu ng baboy) sa palengke kaya lang every weekend lang e. kaya 2 kg ako lagi bumili para sakto sa 1 week.

    sarap mo siguro magluto.. basta may taba! (yung pork, not you of course!)

    Komento ni docgelo — Oktubre 18, 2011 @ 2:13 umaga | Sagutin

  7. ang sarap nga po pag ganyan na laging nalilibre. hehehe

    hindi parang mantakiliya lang yang spread?

    Komento ni hitokirihoshi — Oktubre 20, 2011 @ 8:50 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: