Kwentong Kengkay

Oktubre 31, 2011

awooooo

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:30 hapon

ang mga little kengkays, hindi takot yan sa dilim.

kahit na walang ilaw. at talagang super dilim, sumusugod sila.

kasi naman, hindi ko sila tinatakot nung maliit pa sila. hindi ko sila kinukwentuhan ng kung ano-ano kapag madilim. hindi ko rin ginagawang panakot ang dilim sa kanila.

kaya naman, ayun. walang takot sa dilim.

nung asa pinas kami. isang araw na malapit na ang halloween, umuwi si panganay galing sa eskwelaham.

awwoooo. ganun daw. inulit pa. awwwooooo. sabayan pa nya ng aktong bruhang facial expression at yung mga kamay na parang dadambahin ka.

ngek, sabi ko sa kanya — ano naman daw yang awwooo na yan? at ano naman daw yang hitsurang bruha na yun?

multo daw yun. sabi nung mga classmates nya sa kanya. may multo daw sa dilim. at yung awooo, yun daw ang sinabi ng mga multo.

ganun??? hehehe… sa dami ng pwedeng matutunan sa pinas, ito pang awwooo ang talagang na-dikdik sa utak nya oo.

sabi ko naman sa kanya, naniniwala ka ba? hindi naman daw. pero parang ang sarap daw sabihin ng awwooo atsaka yung ibang kalaro daw nya ay natatakot daw kapag ganun.

o sige na nga — awwwooooo!!!

nga pala, nung asa pinas din kami unang nakaranas ng kakaibang undas ang mga little kengkays. ang sarap daw sa pinas kasi may picnic!! hehehe. eto sila nung undas sa pinas šŸ˜€

awwwooooo!!!

Advertisements

4 mga puna »

  1. mommy kenks hanggang ngayon hindi mo parin pinapalitan link ng blog ko hmp! LOL! Sabi ko na kasalanan ko kung bakit takot mga anak ko sa dilim at sa kahit hindi madilim basta nag-iisa sila. Kasi ginagawa kong bribe yung scary stories para sumunod sila sakin. bad nanay kasi yan!

    Komento ni Scart — Nobyembre 2, 2011 @ 2:49 hapon | Sagutin

  2. Mabuti pa ang mga anak mo kengs, hindi takot sa dilim – ang unico hijo medyo afraid of the dark, gusto lagi maliwanag. awoo – belated happy halloween..hehehe

    Komento ni Snow — Nobyembre 3, 2011 @ 8:48 umaga | Sagutin

  3. Ah kaya pala ako takot sa dilim, siguro tinakot din ako ng nanay ko nung maliit pa ko, tsktsktsk. Kasalanan nila kung bakit hindi ako makainom ng tubig sa gabi pag nauuhaw ako!!!

    Komento ni akda — Nobyembre 3, 2011 @ 10:48 hapon | Sagutin

  4. saturday night live can suck? it!. . mad tv is the strongiest….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Arlene — Nobyembre 24, 2012 @ 5:04 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: