Kwentong Kengkay

Nobyembre 17, 2011

kangkong ni kengkay

ang kangkong, bow

chinese convolvulus, chanaspinat blätter, ipomoea aquatica forsk — ah basta, kangkong daw yan.

binili ko sa isang vietnamese shop na medyo malapit dito sa amin. naubusan na kasi kami ng bigas kaya napadpad kami ulit sa asia shop.

e bigla akong natakam sa adobong kangkong. tinuro nung tindahan. asa loob daw ng ref ang kangkong. sosyal di ba? mantalang ang kangkong sa atin andyan lang, sunggab lang. sa bahay nga namin dati, nangunguha lang kami ng kangkong sa may kanal sa likod bahay. libre.

itong kangkong na binili ko? nakaplastik na. may label pa talaga. hirap pa akong mamili kasi halos lanta na sya 😦

ang presyo? 1.39 Euro — ibig sabihin, halos 80 pesos ang isang bugkos na iyon.

nakapili din ako ng kangkong. pagdating sa bahay, ang ulam namin? bistik at adobong kangkong. sabayan pa ng kanin at green salad! sarap!

Advertisements

15 mga puna »

  1. Nagutom ako bigla…

    Komento ni potsquared — Nobyembre 18, 2011 @ 4:06 umaga | Sagutin

  2. Shaks masarap nga yang adobong kangkong. Huling kain ko ata nyan 3 years ago pa. Ang arte arte ko kase sa pagkaen. Haha.

    Sakto lunch time na. Kagutom. Haha. Hello Kengkay!

    Komento ni iambillstumor — Nobyembre 21, 2011 @ 2:42 umaga | Sagutin

    • dati maarte din ako sa pagkain, impakt, ayaw ko ng kahit anong gulay. kahit na kangkong. o ayan tuloy, craving pa at ang mahal kamo, hmpf 😀

      Komento ni kengkay — Nobyembre 30, 2011 @ 9:21 umaga | Sagutin

  3. Medyo mahal pala ang kangkong dyan. Pero ok lang sarap namn pag inadobo!

    Komento ni anney — Nobyembre 23, 2011 @ 2:07 umaga | Sagutin

    • sarap talaga ng kangkong ano, sayang at huli na nung nalaman kong masarap pala talaga sya. dati kasi tinatapaktapakan ko lang sya sa bakuran namin, hays

      Komento ni kengkay — Nobyembre 30, 2011 @ 9:21 umaga | Sagutin

  4. kumulo ang tiyan ko ..

    literally..

    haha kakagutom to.

    Komento ni bagotilyo — Nobyembre 23, 2011 @ 7:01 umaga | Sagutin

  5. takam… buti nga dyan 80 pesos equivalent nya dito sa Qatar 25 riyals per kilo which is equivalent to 200+ pesos.. kamahal!!

    Komento ni downy03 — Nobyembre 23, 2011 @ 4:21 hapon | Sagutin

  6. mohol mohol nomon ng kangkong na yan!!!!

    hahaha…da best pa rin ang adobong kangkong sa pinas 😉

    napadaan here ^_^

    Komento ni ♥ hana banana ♥ — Nobyembre 24, 2011 @ 3:01 umaga | Sagutin

    • truli ka dyan, feeling ko nga ay may ginto ang kangkong. tapos kakainis pa kasi kuluntoy agad.. kaya luto agad dapat.

      Komento ni kengkay — Nobyembre 30, 2011 @ 9:22 umaga | Sagutin

  7. wow pag inabuta ka tlaga ng craving hahamakin ang lahat. isa yan sa gusto kong luto. hindi ako mahilig sa gulay pero exempted yan sa mga ayaw ko.

    Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 30, 2011 @ 8:34 umaga | Sagutin

    • dati rin ayaw na ayaw ko ng gulay, kaartehan talaga ako. nung nabuntis ako sa mga little kengkays, biglang nagiba panlasa ko. ikaw kaya??

      Komento ni kengkay — Nobyembre 30, 2011 @ 9:23 umaga | Sagutin

  8. official jingle ng GMA Pinoy Tv. in short, original song made for Pinoy? Tv.. . maganda rin yung Kapuso jingle hehe….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Lonna — Nobyembre 25, 2012 @ 12:31 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: