Kwentong Kengkay

Disyembre 17, 2011

tulungan natin ang iligan, cagayan de oro

ang litrato ay galing sa inquirer.net

ipagdasal natin ang mga kababayan nating naapektuhan ng flashfloods na dala ni sendong. ipagdasal natin ang mga pumanaw, ang mga naiwan, ang mga naghahanap.

ang hirap naman sa dibdib na makita ang mga litrato ng nangyari sa iligan, sa cagayan de oro. lalo pa at magpapasko. pero kahit na hindi magpapasko, nakaka-antig pa rin ng damdamin ang lumalabas na istorya, ang mga litratong punong-puno ng kalungkutan at dalamhati.

biglang natabuan ang kaartehan ko sa katawan. nalimutan kong nabaluktot pala ang buto ng isang paa ko at ilang araw na akong baldado at hindi makalakad. ikumpara naman sa trahedyang nangyari sa cagayan de oro dahil kay sendong, kaartehan ang dating ng ilang linggong pagbabawal ng doktor sa akin na maglakad.

at kahit na asa malayo ako at hindi makalakad ng ilang araw, nais kong makapagbigay ng tulong. (alam nyo bang dito sa alemanya ay malaking balita ang flashflood na iyan, paulit-ulit sa radyo pati sa telebisyon at sa internet).

tulungan natin ang iligan, ang cagayan de oro sa pamamagitan ng Iligan Bloggers Society.

Iligan Bloggers Society, Inc. is humbly requesting your generous help for the victims Bagyong Sendong of Iligan City.

Iligan Bloggers Society, Inc. is accepting donations in kind for the victims of Typhoon Sendong in the city. We encourage the following items for donations: canned goods, noodles, bath and laundry soaps, toothpaste, rice, used clothings, slippers, and cash donations.

DROP OFF POINTS: St. Michaels’ Cathedral, DXIC Radio Staion, and Calda Pizza Iligan City Branch will be the drop off point for the donations in-kind of cash. Please do not hesitate to ask to verify for you to extend your help to the victims of Typhoon Sendong.

ang LBC ay handa ding ipadala ang inyong donasyon ng libre.

o kaya naman sa RED CROSS

andito ang buong istorya ng trahedyang dala ni sendong:

inquirer.net

philstar.com

p.s. meron akong pinsan sa cagayan de oro. abay ako sa kasal nila kaya nakarating na ako duon. hindi ko lang maalala kung saan na sila nakatira, kung malapit ba sa tubig o hindi. sana okay lang sya, kasama ng kanyang asawa at tatlong mga anak. extra prayers for you, pinsan!!

Advertisements

2 mga puna »

  1. .. ang lungkot naman ng nangyari, matindi palang naapektuhan ang cdo. na-sprain ka ba keng? get well soon. 🙂

    Komento ni rob — Disyembre 17, 2011 @ 11:05 umaga | Sagutin

  2. prayers to the people in caayan de oro.. and get well soon sa iyo kengkay..

    Komento ni potsquared — Disyembre 19, 2011 @ 5:38 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: