Kwentong Kengkay

Enero 12, 2012

Do you love Baguio? Then sign and share..

…then you should sign this petition and stop SM from doing any more damage to our beloved Baguio City!!!

When will it end – the concretization and uglification?

Pwede ba, tama na ang mga tumutubong SM sa buong bansa ha. Tapos pipigilan pa nilang tumubo ang mga puno dahil kailangan nila ng parking area? Ano ba naman yan?

‘The SM Development Corp (SMDC) is set to cut 43 fully grown Alnus japonica trees while also intending to uproot 97 growing pine trees (Pinus kesiya) and 42 saplings virtually sentencing to death a total of 182 trees within the Luneta Hill area where SMDC is found to pave way for another parking lot.’

Ilang beses na akong nakarating sa Baguio at bawat akyat namin dun, hindi namin namiss ang SM. Hindi kailangan dun kasi ibang adventure ang Baguio. Hindi ako pupunta ng Baguio para lang makarating sa SM Baguio, pwede ba. Pupunta ako dun para ma-experience ang tunay na Baguio!

Kaya nagulat na lang ako na may SM na pala dun nung huling akyat namin nuong 2007. Hindi ako na excite nung nalaman ko. Hindi ko rin pinangarap na pasukin ang SM sa Baguio. No way, Jose.

Iba ang hanap ko sa Baguio. Andun ang mga palengke. Ang masarap na hangin. Ang sariwang gulay at prutas. Ang masasarap na restaurant na nakapaligid. Bakit ako papasok sa isang mall na de aircon? (May nag-iwan ng komento na hindi de aircon ang SM Baguio. Please take note!! Never been inside so I apologize for the misinformation.)

Please sign the petition and share. Hindi lang para sa Baguio ito. Ito ay para sa ating lahat.

I-Boycott??? Just check out the petition and you would know what they are asking…

Please, please, sign and share — for the love of Baguio!

Advertisements

10 mga puna »

  1. badtrip talaga yung sm-baguio na yun. binago ang skyline ng syudad. kahit saan ka pumwesto, nakabalandra yung logo nila sa line of sight mo. wala bang batas laban sa pagsira ng magandang view?! (signed the petition na, mareng kengks)

    Komento ni ben gorilya — Enero 12, 2012 @ 10:32 hapon | Sagutin

    • salamat. sana nga may batas laban sa pagsira ng magandang view.

      Komento ni kengkay — Enero 13, 2012 @ 8:15 umaga | Sagutin

  2. Malamang na by now, alam na ng SM yan at magagawan ng paraan ng SMDC yan.

    Minsan kasi ang balita exagerated kapag kumalat na. Sana maglabas ng official statement ang SM tungkol dyan para di na umabot sa sobrang paninira na din ng ilan.

    Naisip ko, sana ang puntiryahin din nila eh yung mga gumagawa ng maliliit na establishment na dikit dikit na hindi naman talaga nature friendly at nakakacongest lalo sa palengke at iba pang matataong lugar sa Baguio. Eh nung nagpunta nga kami, ang daming basura sa kalsada, sa palengke sa kapabayaan din ng mga tao at turista, pati sa mga main parks nila. Naging issue na yan sa mga balita. Eh ang SM, may maintenance naman. NAkakatulong din sa employment. At im sure gagawan nila ng paraan yan para madesign ng maayos ang parking.

    Dahan dahan lang tayo sa pagcomment kasi hindi naman natin din alam talaga nangyayari dyan. Puro na lang reklamo ang mga pinoy, eh sila din naman ang sumisira ng lugar nila.

    Komento ni Loveyday34 — Enero 13, 2012 @ 4:53 umaga | Sagutin

    • salamat sa pag-iwan ng comment. i hope magawan nga ng paraan bago mawala ang mga puno.

      Komento ni kengkay — Enero 13, 2012 @ 7:44 umaga | Sagutin

  3. FYI, hindi de aircon ang SM BAguio. Nature friendly ang design nila Mommy Kengks at natural flow ang design ng pagpasok ng hangin sa loob pati sa stalls nila. May iba naglalagay ng air purifier or malalaking bintilador.

    Tapos may batas sa atin strictly sinusunod kung anong age ng puno ang kailangang putulin or puedeng putulin. Im sure alam yan ng mga designers ng SM. at im sure papalitan nila yan in case may masagasaan silang malilitt na puno. kasi nagtatanim din sila ng mga puno.

    Alamin muna natin ang both sides. Antayin natin ang statement nila. May credibility nman ang SMDC.

    Komento ni Loveyday34 — Enero 13, 2012 @ 5:01 umaga | Sagutin

    • salamat sa impormasyon, sabi ko nga, hindi pa ako nakakapasok ng SM baguio kaya hindi ko alam na hindi sya aircon. i update ko ang post ko tungkol dito.

      pero alam mo, nag iba talaga ang itsura ng baguio dahil sa SM e 🙂

      Komento ni kengkay — Enero 13, 2012 @ 7:46 umaga | Sagutin

  4. kawawa naman ang mga puno..

    Komento ni potsquared — Enero 15, 2012 @ 7:44 umaga | Sagutin

  5. Naku, 10 years ago napunta akong Baguio, gandang-ganda ako sa kapaligiran malinis at tahimik pa. Pero lately na lang marami na akong naririnig na negative, syempre dumarami ang mga commercial establishments pati population, kaya nagiging congested na ito at sabi ng sis ko na nagbakasyon last month madumi na daw ito. Sayang naman ito pa naman ang “Summer Capital” ng Pilipinas. Hopefully, maibalik ng local government ang dating Baguio na masarap pasyalan.

    Komento ni downy03 — Enero 25, 2012 @ 9:22 umaga | Sagutin

  6. ang mga tao din ang may kasalanan eh, sariling lugar nila hindi marunong mag-alaga, kahit saan nag tatapon ng basura, pwede din naman mag tanim ng mga puno ang bawat isa, para makatulong… ang pagbabago ay nag sisimula sa sarili…

    Komento ni Santos — Pebrero 29, 2012 @ 6:58 umaga | Sagutin

  7. better than VICE GANDA watch to di nila kaya manira ng kapwa TAO! para maka pag? pasaya ng kapwa pilipino! vice ganda wag sanang ganyan. wag kang mang lalamang parehas lang naman tayu mga pinoy.. nakaka angat kalang kasi. hampas lupa lang kami.. . try to search? Redford White? and Babalu thanks is the true happiness using their on bodies and will…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Tawna — Nobyembre 24, 2012 @ 3:37 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: