Kwentong Kengkay

Enero 15, 2012

Desktop vs. iPad

ang mga little kengkays, sobrang tuwang-tuwa nung nalaman nilang may regalo kaming desktop computer sa kanila nitong nakaraang pasko.

as in… proud na proud silang meron na silang sariling computer. pwede naman nilang gamitin yung laptop namin ni kengkoy. pero siyempre iba pa rin yung sarili nila. meaning, sa isang desktop computer, hati ang dalawang little kengkays. pero di bale na, masaya pa rin sila. enjoy sila sa regalong computer.

ang desktop computer na iyon ay second hand. kailangan pa nga naming bumili ng stick kasi hindi pa sya internet ready. bakit naman kami bibili ng bago e kung gumagana naman ng matino ang second hand, mas mura pa.

at hindi pansin ng mga little kengkays kung gamit na iyon. proud na proud sila na meron silang sariling computer.

siguro nadala rin sila ng konting drama nung ipresenta namin yung desktop computer na regalo namin. may halong secrecy kasi 🙂

tapos nung simula na ng kanilang klase, yung dalawang bata na anim na taong gulang; kinuwento sa amin na ang mga regalo nila galing sa nanay at tatay nila ay iPad.

napatingin ako sa mga little kengkays. alam nila kung ano ang iPad, lahat na yata ng kakilala nila ay merong iPad. maiinggit kaya sila?

ano ang reaksyon ng mga little kengkays???

‘kami may regalong computer galing sa nanay at tatay namin. cool di ba?,’ sabi ng mga little kengkays 🙂

pero mas cool ang regalo ng mga little kengkays sa aming mag-asawa. listahan ng mga household chores na gagawin nila para tulong sa bahay! magluto, magsampay, maglinis…

Advertisements

8 mga puna »

  1. mabuhay ang second-hand! yan din ang polisiya ko sa buhay, mareng kengks. kung maiiwasang madagdagan ang carbon footprint natin, why not, di ba? 🙂

    Komento ni ben gorilya — Enero 16, 2012 @ 2:55 umaga | Sagutin

    • matuto silang gumamit ng desktop at kung gusto nila ng hightech, pagipunan nila. tama ka, kung pwede pa namang gamitin e bakit naman hindi, di ba?

      Komento ni kengkay — Enero 16, 2012 @ 7:26 umaga | Sagutin

  2. naku Kengks! miss you na!!

    yung bunso ko nong pinag sulat ko ng christmas wishlist eh umaiPad din…at nong sinabi ko na wala akong pera pambili non eh binigyan pa ako ng idea na benta ko daw ang phone ko para may pangbili ng iPad…kainis lang!!

    hapi neo yir!!!

    Komento ni p0ks — Enero 16, 2012 @ 10:44 umaga | Sagutin

  3. Bait namn ng mga little kengkays! Ang ganda ganda ng gift nila sainyong mag asawa!

    Komento ni anney — Enero 16, 2012 @ 12:03 hapon | Sagutin

  4. at yung huli nga ang pinaka cool sa lahat..ahahhaha

    Komento ni bagotilyo — Enero 17, 2012 @ 9:41 umaga | Sagutin

  5. .. napaka-techie na ng mga bata ngayon. pero mas maganda talaga kung yung usual na computer ang gamitin nila kaysa yang mga tablet na yan. mabuti pa rin na marunong umintidi ang mga little kengkays at di naiinggit sa mga ganyang bagay. 🙂

    Komento ni rob — Enero 17, 2012 @ 12:29 hapon | Sagutin

  6. Ang cool nung regalo nila sa inyo! Mata-touch kaya ang parents ko kung ganyan ang iregalo ko sa kanila? Listahan ng household chores na itutulong ko. Siguro matutuwa din sila kasi ang tamad-tamad ko dito sa bahay. Hahaha.

    Gusto ko nga ulit ng desktop. Kasi pag desktop nasa isang lugar ka lang magco-computer. Pag laptop kasi nanganganak ng bagong problema. Tulad ng laptop ko na hindi ko alam kung paano ko ipoposisyon kasi sumasakit na ang likod ko at gusto kong mahiga. Hindi naman ako pwedeng tumihaya. LOL. Pag iPad naman, pwede akong tumihaya, pero nakaktakot baka bumagsak yung iPad sa pagmumukha ko, lagi kasing nangyayari sa akin yun pag gumagamit ako ng cellphone ng nakahiga. Eto naman assuming lang na may iPad ako. Kasi wala naman akong iPad, at ayoko rin ng iPad. Hahahaha

    Have a great day!

    🙂

    Komento ni akda — Enero 18, 2012 @ 9:43 umaga | Sagutin

  7. Special pa rin naman ang regalo mo mommy kengkay. Naapreciate talaga yan ng mga bata. Maganda ung sa murang edad nila naituro sa kanila ang pagiging simple at kontento sa anumang bagay na meron sila.

    Komento ni downy03 — Enero 25, 2012 @ 9:39 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: