Kwentong Kengkay

Pebrero 13, 2012

e ano ngayon kung valentine’s day?

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 3:43 hapon
Tags:

excited naman si nanay kengkay. valentine’s day na bukas (sa pinas ay bukas na ngayon kasi sinusulat ko ito ay lampas na ay alas dose pasado na sa atin.)

at dahil parating nagrereklamo ang mga little kengkays na late daw ako parati magpa-alala kapag may okasyon (actually minsan nalilimutan ko talaga, at si kengkoy ang nakaka-alala) — sinabihan ko na sila agad na bukas ay valentine’s day.

ang sagot nila? o e ano naman ngayon kung valentine’s day?

ngek! oo nga naman, e ano naman ba talaga kung valentine’s day?

sinagot ko sila. araw ng puso, araw ng pagmamahal, araw ng nagmamahalan, hindi lamang para sa mga magsyota kundi ito ay araw para sa buong pamilya. araw ng mahal kita, i love you, ich liebe dich….

ang sagot nila ulit? hay naku, e ibig sabihin pala araw araw ay valentine’s day sa atin?

oo nga naman. araw araw ay nagtatapon kami ng i love you’s sa bahay…nagbibigay ng halik… naghihigpitan ng yakap…nagpapalitan ng kwentuhang kinatutuwa ng puso…

kasama na rin dun ang LQs na kasali sa drama ng valentine’s day. ang sigawan dahil sobrang kakulitan…ang pintasan dahil sa sobrang kakulitan pa rin… ang away dahil sa sobrang kakulitan pa rin… a kasi naman lahat kami makukulit, anong magagawa? pero lambing lang din yun…

at siyempre yung regalo, yung mga sorpresa. kadalasan ay may munting sorpresang nakaipit sa libro, nakatago sa banyo, nakalatag sa hapag kainan, naka-pa simple sa loob ng tukador at minsan ay harap harapang binibigay. exciting kapag surprises, di ba?

e ano ngayon kung valentine’s day nga naman!! sa kubo ni kengkay, araw araw ay araw ng puso — may drama man o wala 🙂

maligayang araw ng mga puso.

P.S. Eto ang aming balentong day

Advertisements

2 mga puna »

  1. oo nga naman Kengks!! hehehehe!! Aniwey hayway..hapi puso day na din sayo!!!

    Komento ni p0ks — Pebrero 14, 2012 @ 11:47 hapon | Sagutin

  2. happy balentayms 🙂

    ang sarap ma surprise pag may mga okasyon.

    ambush gifts ..hehehe

    makikita mo na lang kung saan saan walang pasabi . sweet .

    Komento ni bagotilyo — Pebrero 16, 2012 @ 3:52 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: